Chapter 82

71 3 0
                                    

Mula sa kotseng lulan nilang dalawa ay magkasunod na bumaba ang magkaptid na sina Billy at Kenneth.

Parehong nakasuot ng suit ang mga ito kung saan si Billy ay kanina pa tingin ng tingin sa salamin para lang malaman kung maayos pa ba ang itsura niya o ano...Hindi siya mapakali dahil sa sobrang nerbyos na nararamdaman niya lalo na nung nakarating na sila sa tapat ng chapel.

"Kinakabahan ako Bro...." Saad niya mula sa kawalan habang marahang pinapalo ang dibdib niya, mawala lang ang kabang bumabalot sa kanya.

Kagabi pa 'tong nararamdaman niya eh, pero mas grabe pa yata ngayon gayong mangyayari na talaga ang pinakahihintay niyang araw.

Kada sulyap niya sa loob ng chapel mula sa labas ay nakikita niya na para siyang lalamunin nito kapag nakapasok na siya sa loob at malayong makakalabas siya ng buhay. Tila pagtalon sa bangin ang gagawin niya sa kaloob-looban niya na 'di niya mawari kung bakit.

Ito na talaga 'yun.....
Ilang minuto na lang ay magkakaroon na siya ng asawa. Masaya ba siya? Oo naman. Syempre sobrang saya niya dahil pagkatapos ng mga bangayan, pag-aaway, 'di pagkakaintindihan, at kung anu-ano pang mga problema ay mauuwi na rin sa pag-iisang dibdib ang relasyon nila ni Coleen.

Ang senaryong mangyayari mamaya ay naglalaro na sa kanyang isipan kaya naman ay hindi niya napigilang mapangiti.

Sa kanyang pag-umis ay nahawa si Kenneth dito. Tinapik niya ang balikat ng kanyang Kuya sabay sabi ng

"Okay lang 'yan.... Kabahan ka lalo kapag biglang hindi dumating 'yung bride mo." Biro niya na agad namang nagpawala sa masayang aura ng kapatid. Nakasimangot na ito at masama na rin ang tingin sa kanya. Bigla siyang kinilabutan dahil nakakatakot ang dating ng seryosong mukha nito.

"Relax. I'm just kidding." Pagbawi na ni Kenneth sa kanyang sinabi ngunit pag-walk out naman ang itinugon ni Billy.

Nagtungo na ito sa loob ng chappel kung saan sinalubong siya nina Jonas, Vhong, at JM.

Bahagyang napayuko at mayamaya'y naglakad na rin si Kenneth papasok sa loob habang pailing-iling dahil sa nagawa niya. Pakiwari niya'y nainis talaga ang kanyang Kuya sa birong nasambit ng bibig niya.

Hindi niya naman kasi inakala na mapipikon pala ito eh sa pagkakakilala niya kay Billy ay 'di naman ito ganun-kadaling ma-bad trip sa mga sinasabi niya lalo na kung hindi naman masyadong seryoso.

At iyon na nga 'yung ipinagtataka niya. Lately nagiging mainitin na ang ulo ni Billy. Andyan 'yung kapag magtatanong siya ng mga simpleng bagay lang ay laging pagkunot ng noo ang isinasagot nito sa kanya na may kasama pang sermon na hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling. Pati 'yung aksidenteng pagkakabasag ng bago nilang maid sa isang lumang pinggan ay masyado pa nitong pinansin, na dati hindi naman. Sobrang pagtalak ang ginawa niya sa kaawa-awa nilang kasambahay nung araw na iyon kaya sobrang nagtataka talaga siya kung ano ba ang problema ng kapatid niya at ba't ito nagkakaganito.

Sa kalagitnaan ng mga panahong iyon ay tinanong niya pa nga ang sarili niya; si Kuya ba talaga 'to?

Subalit sa nangyari kagabi na pagba-bonding nila ay panandaliang nawala ang mga pagdududa niya. Sa paglalaro nila ay nagkaroon sila ng maraming biruan at mga tawanan na lagi naman nilang scenario sa tuwing magkasama sila.

Baka nga siguro stress o pagod lang ito sa mga ginagawa niya. Marahil ay hindi talaga magandang pakinggan ang sinabi niya kanina kaya iniwan na lang siya nito at nauna na sa loob.

Kasalanan niya. Okay. That's enough. Simula ngayon iiwasan niya na na magbitaw ng mga salitang nakakarindi sa tainga para 'di na ulit maulit pa ang ganitong pangyayari.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon