Nakaupo lang si Coleen sa bench na nakalagay sa labas ng silid ni Billy habang naghihintay sa pagdating ni Anne.
Gutom na gutom na talaga siya na ang resulta ay matinding pagkauhaw na kanina niya pa iniinda. Nakatiklop ang mga braso niya't ang mga mata ay nakatingin lang sa ibaba dahil sa bawat pagdaan ng mga tao sa harapan niya ay nagsisiputukan na ang mga ugat niya na tila ba'y inuudyok siya ng mga ito na sunggaban na ang kung sino mang makita niya.
Kinakagat niya na nga ang sarili niyang mga labi para lang pigilan ang sarili niya sa mga pwede niyang gawin 'pagkat masyadong maraming tao; maraming makakakita kung magpapaka-bampira siya ngayon. Malaking gulo 'yun 'pag nagkataon.
Ayaw niya ng ganun kaya nagtitiis muna siya hangga't kaya niya pa. Ipagpapatuloy niya ang paghihintay kay Anne. Teka nga, nasaan na ba ang babaeng iyon? Ilang minuto na siyang naghihintay ah?
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang phone niya upang tawagan muli ang kapatid niya dahil naiinip na talaga siya. Subalit pagkabasa niya sa text message nito ay ang nagpainit na ng ulo niya.
{Got caught up by some anxiety. I can't go there. Sorry.}
And her reaction was "fuck!" What the hell was she talking about?
Nainis na si Coleen dahil naghintay lang pala siya sa wala. Hindi na pwede 'to. Kung 'di siya mapupuntahan ni Anne ngayong gabi ay siya na lang ang hahanap ng paraan para maibsan ang panunuyo ng lalamunan niya.
She tilted her head up for her to see the different strangers passing in front of her. Isa-isa niyang sinuri ang mga ito at halos lahat yata ng taong makita niya ay may mga kasama habang naglalakad. Mahirap dumiskarte 'pag ganun.Nag-abang pa siya ng ilang sandali upang humanap ng tyempo at tamang taong sisipsipan niya ngayong gabi.
Hanggang naging tahimik na naman ang buong hallway ng ikalawang palapag ng ospital, ngunit sa puntong iyon nagkaroon si Coleen ng pagkakataon na silipin kung saan banda nakatutok ang mga CCTV dahil kailangan niya pa rin mag-ingat sa mga gagawin niya.
Subalit ilang segundo lang ang nagdaan ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Bakit niya kailangan maging masiyadong maingat eh hindi naman talaga siya ganun? Kailan pa siya natutong umintindi sa mga bagay na ginagawa niya? Ngumisi siya. Dahil sa pagkagutom ay kung anu-ano na ang nasasagap ng utak niya.
Walang anu-ano'y siya'y tumayo na. Kung hindi lalapit ang pagkain sa kanya, eh di dating gawi; siya ang maghahanap dito.
Ang matinding pagka-uhaw sa dugo ng isang bampira ang mas lalong nagpapalakas sa mga senses nito, kaya naman sa marahang paglakad na ginagawa ni Coleen ay unti-unting nalalanghap ng kanyang ilong ang nakakaakit na amoy ng dugo ng tao na 'di mawari kung saan talaga nanggagaling.
Patingin-tingin siya paligid habang sinusundan ang amoy na iyon. Mayroon na rin siyang nakasalubong na mag-isa lang na naglalakad pero binalewala niya iyon, napukaw na kasi ang atensyon niya sa isang ito.
Nung masiguro niya kung saan nagmumula ang nasagap ng ilong niya ay tsaka niya na lang napagtanto na nakatayo na pala siya sa tapat ng isang pinto. Hinawakan niya ang door knob at pumasok sa silid kung saan siya ay napahanga sa nakikita ng mga mata niya. Isang kwarto na may limang refrigerators na ang laman ay napakaraming blood bags. Isang blood bank ang napasukan niya.
Sa mga tumambad sa kanya ay mas lalo siyang natakam na matikman ang mga ito. Agad niyang nilapitan ang naunang fridge at binuksan ito. Kumuha siya ng isang bag at dinama ang lalagyan nito sa kanyang palad kung saan siya ay nakaramdam ng kaunting pagkadismaya; napakalamig nito katulad ng stock ni Anne sa bahay niya, na sadyang kinaiirita niya sa tuwing titikman niya. Walang-wala pa rin sa dugong nagmumula sa buhay na tao. 'Yung sariwa at napakasarap ng lasa.
"Miss?"
Bigla siyang napatingin sa bandang pintuan at sa pinanggalingan ng boses. Bahagya siyang natulala sa pagkagulat 'pagkat bigla na lang may pumasok na lalake sa kinaroroonan niya. Nakasuot ito ng kulay asul na uniform at may hawak pang metal cliff board. Sa kanyang palagay ay nurse ang isang 'to.
"Um.......May kailangan po ba kayo?" Dahandahang lumapit ang lalake sa kanya na agad na nagpangisi kay Coleen.
Tumalikod siya't isnauli na ang blood bag sa fridge at pagkatapos ay hinarap na ang lalake.
"Meron........." Pabulong na sabi niya rito at humakbang pa ng kaunti para tuluyan nang maisagawa ang plano niya.
"......kaya mo bang ibigay 'yun?" Dugtong niya pa't iginala na ang hintuturo sa kwelyo ng taong ito at si lalake naman ay nanigas na sa kinatatayuan niya, hudyat upang gawin na ni Coleen ang dapat gawin.
Ba't siya magta-tiyaga sa mga nakabalot na kung nasa harapan niya na mismo ang source ng sariwang pagkain?
Hinawakan niya ang batok nito't hinila na palapit sa bibig niya. Ibinaon niya ang matatalas at mahahaba niyang mga pangil sa leeg nito at takam na takam na sinipsip ang likidong lumalabas dito. Bawat patak, bawat agos ng dugo ay nilasap niya talaga mapawi lang ang pagkauhaw niya.
Alam niyang malapit nang matuyuan ang walang kalaban-labang lalakeng ito dahil sa nanlalamig na ang balat nito at aware si Coleen na ilang minuto na rin siyang nakakagat dito, kaya naman ay pinilit niya pa ang kanyang sarili na palampasin ang buhay nito sa kanyang mga kamay.
Binunot niya na ang nakabaon niyang mga ngipin sa balat nito at pinaupo ang lupaypay nitong katawan sa isang malapit na upuan.
Pagkatapos niyang manipulahin ang isip nito'y mabilis siyang lumabas ng silid at bumalik na sa kwarto ni Billy na parang walang ibang nangyari. Una niyang naabutan si Jonas sa inupuan niya kanina at nagbabasa ng kung ano.
Tumayo ito at pinagbuksan pa ng pinto si Coleen na ikinaumis naman ng huli. Pagkapasok niya ay linapitan at tinignan niya agad ang lagay ni Billy na natutulog pa rin tulad kanina nung iniwanan niya ito saglit.
Sa kalagitnaan ng pagmamasid niya sa pagtulog nito, sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang nagkaroon ng agam-agam sa mga nangyayari. Kinabahan siya sapagkat naalala niya na naman 'yung panaginip niya noon tungkol sa fiancè niya na mawawala na lang ito sa kanya kung kailan masayang-masaya na siya sa piling nito.
Well, tao pa rin si Billy at hindi nga malayong maganap iyon sa hinaharap, pero nakakatakot pa rin. Kahit ilang beses niya pang ihanda ang sarili niya sa mga mangyayari ay siguradong hindi niya pa rin kakayanin. Kailan man ay 'di niya maatim na maglaho ang lalakeng ito sa buong sistema niya.
Muli niyang yinakap ang katawan nito, at mayamaya'y may bumagsak ng luha sa kaliwa niyang mata habang iniisip ang mga negativities sa utak niya. Ayaw niya naman talaga mag-isip ng kung anu-ano eh, sadyang hindi lang talaga maiwasan dahil na rin sa ikinakatakot niya sa maaaring mangyari sa kanila ni Billy.
Bahagya namang nagising si Billy nang maramdaman niya ang ulo ni Coleen na nakapatong muli sa dibdib niya. Habang nakapikit ay hinimas niya ang likod nito at ngumiti sa pagkatuwa sa pagiging clingy ng babaeng ito sa kanya.
Akala niya'y naglalambing lang ito at wala siyang kamalay-malay sa pinagdaraanan nito ngayon.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...