Chapter 32

106 10 5
                                    

Agad na lumabas si Billy para hanapin si Coleen at agad naman siyang nakahinga ng maayos nang makita niya na nakaupo lang pala ito sa gilid ng pool habang nakasawsaw na ang mga paa nito sa tubig.

Akala niya nag-ditch na naman ito eh.

"What are you doing here?"

Saglit siyang tinignan ni Coleen at ibinalik din ang atensyon sa tubig.

"I thought I'm going to see your Mom." Saad nito imbis na sabihin kung ano ang ginagawa niya roon.

Tinanggal ni Billy ang mga sapatos na suot niya't umupo rin sa gilid para tumabi kay Coleen. Bahagya siyang nanahimik sapagkat hindi pa pala nito alam na wala na rin siyang Ina.

"I hope that she's in heaven right now." Wika niya na medyo nagpagulat naman kay Coleen. Ngayon niya lang nalaman na parehas pala sila ng kalagayan.

Gayon pa man, magkaiba naman sila ng sitwasyon. Ang Nanay nito ay marahil namatay sa sakit, samantalang siya sinadyang patayin.

"Heaven is not real. It's only the other side of life."

"You think so?"

"Yes. And this world, this is Hell. We are all living in Hell."
Hindi agad nakapagbigay ng reaction si Billy. Napaisip siya ng malalim sa sinabi nito at napagtanto niya na ang creepy pala ng mga pananaw ng babaeng ito sa buhay. And medyo weird din sapagkat ang Impyerno ay dapat nasa kabilang buhay pa 'di ba? Ngunit para kay Coleen ang mundong ginagalawan niya ay isa ng purgatoryo. Nakakalungkot na ganito ang tingin ni Coleen sa mundo, na siguro ay bunga ng hindi maganda nitong karanasan noon.

Gustong baguhin ni Billy ang pananaw ng babaeng ito, gusto niyang ibahin ang tingin nito sa mga bagay-bagay pero hindi niya naman alam kung paano. Hindi niya mawari kung paano sisimulan.

Napatingin bigla si Coleen sa katabi niya na hindi na umiimik at tila malalalim pa ang iniisip.

Ngumisi siya at siniko ang braso nito.

"Don't take it seriously. It's just my philosophy."

Nagbalik naman sa kamalayan niya si Billy at tinitigan ng maigi ang mukha ni Coleen.

Hindi nga ba? Hindi nga ba niya dapat seryosohin ang mga sinabi nito? Bakit hanggang ngayon ay parang ang hirap parin basahin ni Coleen? Mas nananaig tuloy ang kagustuhan niya na mas kilalanin pa ito, para maintindihan niya ang tumatakbo sa utak nito.

Nagdaan ang ilang sandali at bigla na lang tumayo si Coleen at sinimulang tanggalin ang mga botones ng coat niya.

Kumunot ang noo ni Billy sa kung ano'ng gagawin na naman nito.

"Ano'ng balak mo?" Tumayo na rin siya at 'yung pagtataka sa mukha niya ay nakapinta pa rin.

"I need a towel. Magsu-swimming ako." Nakangiting sagot ni Coleen pagkahubad niya sa kanyang coat at linapag niya ito sa bench na malapit sa kanila.

Dali-dali namang pumasok sa loob ang isang maid na nakarinig sa sinabi ni Coleen para ikuha ito ng mga bagay na kailangan nito.

"Hindi ba masyadong malamig para maligo ka ngayon?" He asked. Obviously, he didn't see this coming.

Ngiti lang ang itinugon ni Coleen at sinunod niya namang tanggalin ang skirt niya kaya biglang napayuko si Billy.

Muli siyang ngumisi, natatawa siya sa masyadong pagiging gentledog nito. At the same time, kinikilig dahil kung nagkataong ibang lalake pa ito, ay sa malamang, kanina pa siya nagahasa.

"Relax, wala naman akong balak na magstrip show dito." Wika niya pa at doon ay unti-unti ng itinaas ni Billy ang paningin sa kanya.

Itim na tank top na may spaghetti straps at black spandex shorts ang natira sa katawan ni Coleen, pero kahit na nakaganoon pa siya ay ang sexy parin ng dating nito para kay Billy dahil bakat ang magandang hubog ng katawan nito.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon