Chapter 36

108 6 3
                                    

Lumabas si Billy at sandaling naglagi sa maliit na palaruan sa kanilang bakuran.

Ang sabi sa kanya ni Jonas ay doon daw siya nakita nito na kausap si Coleen kaya inakala nito na mayroon silang kung ano na higit pa sa pagkakaibigan, na sa tingin niya naman ay parang hindi naman tama. Magkausap lang magkarelasyon na? 'Yung totoo bawal na pala makipag-usap sa babae ngayon?

Sa totoo lang, kanina pa siya napapaisip at naguguluhan dahil halos lahat na lang yata ng taong nakausap niya ngayon araw ay inuugnay siya kay Coleen na hindi niya maintindihan kung bakit. Sapagkat ang natatandaan niyang huling pagkakaharap nilang dalawa ay nung siniguro niya na sinunod ni Kenneth ang pagpasok sa school sa kabila ng pagliban nito ng ilang araw.

Kaya paano? Paano naman sila magkakaroon agad ng malalim na ugnayan kung sa ganoong paraan lang sila nagkasama? Imposible naman na may nakalimutan siyang pangyayari sa buhay niya ng hindi niya napapansin. At masyado pa siyang bata para maging makakalimutin.

Umupo siya sa dulo ng maliit na slide at tumingin sa bawat sulok ng playground.

Sinubukan niyang magmatyag sa paligid at pakiramdaman ang sarili kung mayroon ba siyang maaalala na naging moment nilang dalawa ni Coleen, ngunit kahit na ano ang gawin niyang pag-iisip ay wala siyang maalala. Ang alam niya nga ay matagal na siyang hindi naglalagi kahit sandali sa lugar na iyon at ngayon lang ulit naisipang magpalipas ng oras doon.

Wala talaga. Hindi mabuo sa imahinasyon niya ang mga bagay na ikwenento ni Jonas sa kanya.

"Tsk!" Mahinang ungol niya habang dahandahang pinapaikot ng pakaliwa't kanan ang kanyang ulo.

Hindi niya mabatid kung saan nanggagaling ang mga bagay na pumapasok sa utak ng mga lalakeng kasama niya sa kanyang bahay pero para sa kanya, bahala sila. Pahihirapan niya lang ang sarili niya kung iisipin niya lang ng iisipin ang sinasabi ng mga ito.

Pumasok na siya sa kanyang kwarto para makapagpahinga na rin ang utak niya dahil masyadong maraming nangyari ngayong araw.

Hawak ni Coleen ng mahigpit ang leeg ng lalakeng isa sa mga biktima niya ngayong gabi, at nung masiguro niyang wala na talaga siyang masipsip sa nanlalanta nang katawan nito ay agad niya itong binitawan at hinayaang bumagsak sa sahig.

Pumikit siya at tumingala, sa ganoong paraan niya inaalam kung napunan na ba ang pangangailangan at pagkauhaw ng kanyang sariling katawan. Ang sagot ay hindi pa. Gutom pa rin siya.

Pinunasan niya ang basa niyang bibig at mabilis na umalis sa madilim na lugar na iyon para maghanap ng iba pang makapagbibigay sa hinahanap niyang kabusugan.

Ilang gabi na siyang ganito; walang habas sa pagpatay at pambibiktima ng mga lalakeng matipuhan niya. At mas naging mabangis pa kaysa dati.

Iyan ang paraan niya ng pagkalimot sa mga bagay-bagay na nagdudulot ng guilt at sakit sa kanya. Kahit papaano naman ay nawawala saglit sa alaala niya ang  naganap nung mga nakaraang araw gaya ng pagkakaroon nila ng relasyon ni Billy na hindi naman nagtagal kahit isang lingo man lang sapagkat may ginawang kung una si Anne para kalimutan nito ang mga nararamdaman ng lalakeng iyon sa kanya. Real quick!

Ang mga remedyo na ginagawa niya ay epektibo naman, pero pagkagising niya mula sa maikling pagkatulog ay andoon parin 'yung sakit, 'yung pagkabagabag ng kalooban niya sa mga nangyari ay hindi siya nilulubayan. Lalo na kay Anne.

Ngayon niya lang talaga napag-isip-isip na sumobra na ang mga hindi magagandang bagay na nagawa niya sa kanyang kapatid kaya pagkatapos ng maikling komprontasyon na naganap sa kanila ay dinistansya niya na ang sarili niya rito.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon