Pagmulat ng mga mata ni Anne ay tsaka niya lang namalayan na nakauwi na pala siya. Sa dami ng kung anu-anong alak ang nainom niya ay hindi niya na alam kung ano ang sumunod na nangyari nung iniwanan niya si Billy at Coleen kagabi.
Ngayon naranasan niya na kung ano ang pakirandam ng malasing at parehas na sila ng nagawa ng kapatid niya. At usapang kapatid, agad niya itong hinanap pagkabangon na pagkabangon niya mula sa pagkakahiga.
In fairness naman sa kanya dahil wala siyang nararamdamang sakit ng ulo or pagkahilo man lang.
Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Coleen na nakasandal sa pader at tila hinihintay lang talaga ang paglabas niya mula sa loob.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya na ikinaganda agad ng tanghale niya. Bihira kasi niyang marinig si Coleen na ngangamusta eh.
"Ayos naman." Sagot ni Anne at nagpatuloy sa paglalakalad at nakasunod lang si Coleen sa kanya.
"Mabuti naman. Pagkabalik ko kasi kagabi sa club, nakita kitang wala ng malay sa loob ng isa sa mga cubicle ng ladies room. Sigurado ka bang okay ka lang? Wala bang mga nambastos sa'yo nung umalis ka o nung lumabas ako?" Paninigurado naman ni Coleen sapagkat club 'yung pinuntahan nila at sigurado siya na may mga siraulong lalake doon na nagkalat lang sa paligid. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babaeng ito pagkalabas niya. Dapat kasi ay hindi siya pumayag na mawala ito sa paningin niya eh!
Sa mga pahayag na iyon ay lalo lang nadagdagan ang magandang tingin ni Anne kay Coleen ngayon dahil unti-unti na talaga nitong naipapakita na may pakialam ito sa kanya.
"Wala. I remember na ako pa nga mismo ang pumunta sa restroom, at ayon, literal akong nagrest doon." Biro niya pa na as usual, hindi na naman sinakyan ni Coleen.
Nakahinga naman ng maluwag si Coleen sa narinig niya.
"Mabuti kung ganoon." Saad niya pa at patuloy lang na naglalakad kasabay si Anne.
"Wala pong nangyaring masama sa'kin Ate Coleen." Bigla namang nanukso si Anne sapagkat sa tono ng pananalita ng nakababata niyang kapatid ay parang ito ang mas matanda kaysa sa kanya.
At doon ay bahagyang ngumiti si Coleen at sinabing;
"You're crazy."
And they both chuckled.
"Nga pala, ano na nangyari sa inyo ni Billy kagabi? Nakapag-usap na ba kayo?" Bago pa makalimutan ni Anne ay itinanong niya na ang kagabi pa siyang naiintrigang malaman kung ano ang magiging resulta ng naging pag-uusap ng dalawang iyon.
Sa totoo lang, kaya nag-abang si Coleen sa labas ng silid ng kapatid niya ay para iklaro naman ang mga bagay-bagay na hindi niya maintindihan dito.
"Totoo ba na last month pa kayo nagbreak?" Pabalik na tanong niya rito nang makababa na sila sa hagdan, hanggang sa makarating sila sa kusina.
Pagtango lang ang naging tugon ni Anne.
"Bakit?" Muling pangungulit ni Coleen sapagkat hindi siya kuntento sa simpleng pagtango lang. Kailangan niya ng explanation kung ano talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nung dalawa.
"Um ano..... Hindi lang nagwork." Maikli na namang sagot ni Anne na nakapagpa-hiss agad kay Coleen.
"Eh bakit parang iba naman 'yung sinabi sa'kin ni Billy."
"Ano bang sinabi niya sa'yo?"
"Na dahil daw sa'kin." Saad ni Coleen na medyo nakapagpatahimik kay Anne. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa kapatid ang tungkol sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...