Naisipan ni Coleen na dumaan sa tapat ng bahay ni Billy, nais niya kasing masubukan kung may makikita siyang kung ano kapag nagpunta siya roon.
Umikot siya paligid ng nakabakod na malaking bahay at sakto naman na may nakita siyang balcony na nakabukas ang mga pinto. Mas lalong nanaig ang curiosity sa kanya kaya naman ay tinalon niya ang mataas na pader ng bakod.
Bumagsak ang mga paa niya sa Bermuda Grass at napatingin siya sa paligid niya nung may narinig siyang boses na papalapit na sa pwesto niya. Bago pa tuluyang may makakita sa kanya ay tumalon ulit siya papunta naman ng tuluyan sa balcony.
Namangha siya sa nakita niyang kwarto dahil napakalawak ng paligid the fact na silid pa lang iyon. Unang pumukaw sa atensyon niya ay 'yung picture frame na nasa side table.
So, this is his room. Ngumisi siya dahil tamang-tama pala ang napasukan niyang kwarto.
Tinalasan niya ang pandinig niya't nakarinig siya ng umaagos na tubig mula sa banyo kaya naman naisip niyang naliligo pa si Billy. Nakahanap siya ng pagkakataon na libutin ang buong kwarto nito.
Pumasok siya sa isa pang pinto na katapat ng kama, isang walk-in closet ang tumambad sa kanya; maayos na nakahelera at sama-sama ang mga magkakaparehang kulay ng coats, pati na rin ang mga polo-sleeves at slacks.
Nagbukas pa siya ng isang drawer sa ibaba ng mga nakahanger na blazer at napasinghap siya sa sobrang pagkaamaze sapagkat puro classy at magagandang uri ng kumikinang na mga wristwatch ang naroon. Iyong sumunod na drawer naman ang binuksan niya na iba't ibang shades ng gray and black neckties naman ang laman. At sa dulong bahagi pa ng silid ay doon nakatayo ang shelf na may iba't ibang klase ng leather shoes sa bawat divider.
Isa lang ang masasabi niya; wow!
Ito ang unang beses niya na makapasok sa kwarto ng isang lalake at hindi niya talaga napigilang mabigla dahil hindi malayo ang silid na iyon sa naiimagine niyang kwarto ng lalake na makalat at magulo. May exemption kay Billy sapagkat napakalinis ng lugar nito at hindi nakakailang para sa katulad niya na maglagi rito.
Pagkauwi ni Billy galing sa bahay ni Anne ay naligo muna siya para mas maging presko ang pakiramdam niya sa pagtulog.
Paglabas niya ng banyo ay halos mapatalon siya sa sobrang gulat nung makita niya si Coleen na nakahiga na sa kama niya at nakatingin sa kanya.
Napakagat naman ng labi si Coleen nang makakita siya ng broad shoulders, washboard chest na may kaunting chest hair pa, mga galit na galit nitong six packs, at napakamasculine nitong braso. Ngayon niya lang napansin na ang ganda pala ng katawan ng lalakeng ito.
Agad na tumingin si Billy sa labas ng kwarto niya at nung wala namang ibang tao sa paligid ay sinara niya rin ang pinto.
"Coleen ano'ng ginagawa mo rito?"
Napalunok pa si Coleen dahil lumapit sa kanya si Billy at amoy na amoy niya 'yung bagong ligo at mabango nitong katawan na may water droplets pa. Para siyang biglang nakaramdam ng init sa katawan niya na hindi niya maintindihan dahil sa kakisigan ni Billy.
Yumuko siya nung hindi niya kayang titigan pa ang nang-aakit nitong katawan at lininis niya ang kanyang lalamunan.
"W-wala. Na-napadaan lang." Sagot niya.
Nagtaka naman si Billy kung paano nakapasok ang babaeng ito sa kwarto niya ng ganun-ganoon na lang? Bago pa niya tuluyang makalimutan na tuwalya lang ang nakabalot sa hubad niyang katawan ay nagtungo agad siya sa kanyang closet para magbihis.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...