Nasa hospital na sila ngayon, si Kenneth ay nasa morgue area pa at labis ang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang Kuya.
Samantalang rinig na rinig ni Coleen ang pag-iyak at paghagulgol nito, kaya naman pati siya umiiyak na naman kahit pa kanina pa talaga siya pagod sa pagluha. Sadyang hindi niya mapigilan kahit anong gawin niya.Ang sabi ng Doctor na huling tumingin sa walang buhay na katawan ni Billy ay dahil sa balang tumama rito, nabali ang ilang tadyang nito, at dumire-diretso ang bala sa puso nito kung kaya'y ito'y nabutas. Pero blood loss talaga ang pangunahing ikinamatay ni Billy. Ngumisi bigla si Coleen dahil nakakatawang isipin na kung anong ikinabubuhay niya, siya namang naging dahilan ng pagkawala ng lalakeng mahal na mahal niya.
Karma ba 'to? 'Yan na yata ang nangyayari sa kanya dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa niya. Kay Billy lahat bumalik, ito ang nag-suffer sa mga kasamaang dinulot niya sa iba.
Kaya ito siya ngayon, durog na durog na ang puso sa sobrang sakit ng pagkawala ni taong iyon. Daig niya pa ang pinaulanan ng bala, sinaksak ng walang humpay, at hinayaang matusta sa gitna ng mainiit na sinag ng araw. Para siyang paulit-ulit na pinatay; sana nga pinatay na lang siya eh! Upang hindi siya naghihirap ng ganito.
Bakit ba kasi bigla na lang nawawala ang mga taong minamahal niya ng sobra? Alam niya naman ang huling kahahantungan ng isang normal na tao eh, pero hindi siya handa! Hindi niya napaghandaan na bubulaga na lang pala sa kanya ang mga senaryong kinatatakutan niya. Well, kahit naman handa siya ay maiiwan pa rin siyang nagkakaganito.
Ang gulo. Ang gulo talaga ng buhay. Kahapon lang masaya pa siya, ngayon ang pakiramdam niya ay pang-Semana Santa na.
Nanlalamig na ang buong katawan niya at hinang-hina na talaga siya sa napakaraming dahilan. Pero wala siyang balak na magpahinga. Mag-aantay lang siya sa kinauupuan niya ng himala na gigising ulit si Billy at yayakapin siya ng mahigpit. 'Yun ang kailangan niya eh, at sa ewan niya ba kung ano'ng nangyari, naramdaman niya na lang na may nakayapos na sa kanya.
Si Anne. Hindi talaga siya kumportable na pumasok sa loob ng hospital dahil nga sa phobia na mayroon siya, pero isinantabi niya ang lahat ng iyon para lang masamahan si Coleen. Pagkakita niya pa lang sa nanlalanta nitong katawan ay 'di niya na napigilang lumapit agad para yakapin ito. Awang-awa siya sa kalagayan nito.
Ang comfort na binibigay niya ay mabilis namang binabalik ng kanyang kapatid. Yinakap siya nito ng mahigpit at humagulgol sa balikat niya. Wala siyang ibang nagawa kundi himasin ang likod nito at makinig sa mga hinaing ni Coleen.
"I hate him!"
Napapikit na lang siya sa winika nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Bumitaw ito at pinunasan ang namamaga niyang mga mata. She didn't mean it. Batid niyang nasasabi lang iyon ni Coleen 'pagkat nasasaktan pa ito sa sinapit nilang dalawa ni Billy. Alam niyang kabaliktaran nito ang nararamdaman niya. Kitang-kita niya 'yun.
"Ang sabi niya hindi niya 'ko iiwan. H-he promised me that.....that I will never lose him....Pero ano 'to? Bakit mag-isa na lang ako ngayon?" Ang mga luha sa mata ni Coleen habang sinasabi iyon ay walang tigil sa pag-agos.
Sana sa pagdaloy ng mga luha niya ay kasabay din noong naaanod paalis lahat ng sama ng loob na mayroon siya sa katawan. Pero hindi eh.
Hindi pa talaga malinaw sa kanya kung bakit siya iniwan ng lalakeng 'yun. Ang sama sa pakiramdam na mas pinili pa ni Billy magpakamatay kaysa sa ituon ang nalalabi nitong mga oras na kasama siya. Oo andun na 'yung bagay na may kakaibang nangyayari sa kanya kapag magkasama sila, pero sana naman nagkaroon pa siya ng kaunti pang pasensya, sana nagtiis pa siya hanggang sa dumating na 'yung time na parehas na nilang ayaw sa isa't isa.
Kagabi nagtiis siya na masaktan physically dahil ayaw niyang malayo ulit dito kahit sandali lang. Ngunit kabaliktaran pala iyon sa iniisip nito.
"Please huwag mong isipin 'yan kasi andito pa ako."
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...