Ngayon ang ikalawang araw ng pagtira ni Billy sa maliit na boardinghouse na tinutuluyan niya kasama ang mga bago niyang kakilalang mga kaibigan.
Kahit na medyo nahihirapan talaga siyang mag-adjust sa lugar dahil hindi iyon ang nakasanayan niya, unti-unti naman itong natatanggap ng kanyang sistema.
Maaga siyang nagising at naupo saglit sa gilid ng kanyang maliit na kama. Nagmumuni-muni at iniisip kung bakit nga ba ang lugar na 'to ang napili niyang puntahan? Marami naman siyang mga ari-arian pero dito siya napadpad at dinala ng magulo niyang isip. Ngumisi na lang siya sa sarili niya dahil alam naman talaga niya ang sagot, ginagawa niya lang kumplikado ang lahat kung tatanungin niya ng tatanungin ang sarili niya.
Sinalo ng mga palad niya ang mukha niya't sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya. Tatayo na sana siya para maligo nang biglang nagvibrate ang kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng text mula sa kanyang kapatid, ngunit hindi na siya nag-abala pang replyan ito. Binalewala niya lang iyon at dumiretso na sa banyo para maligo.
Isang araw na naman ang kailangan niyang tapusin. Isang araw na naman ang kailangan niyang harapin para matustusan ang pangangailangan niya at magagawa niya lang iyon kapag pinagpatuloy niya ang trabahong nakuha niya sa palengke. Mahirap pero kailangan niyang panindigan ang ginagawa niya. Ito ang gusto niya eh.
.
.
.Pangalawang buhat na ni Billy sa isa pang sako ng sibuyas at kasunuran niya lang si Vhong, nauuna ito sa kanya.
"Ilang taon ka na ba?" Biglang tanong nito pagkatapos ibaba ang buhat nilang mga sisidlan.
Napapansin ni Billy na medyo may pagka-usisero pala itong isang 'to.
"27." Maikling sagot niya.
"Ah......Mas matanda pa pala ako sa'yo eh. Nakapagtapos ka ba ng pag-aaral mo? Anong kurso?" Tanong na naman ni Vhong at nagsimula nang maglakad pabalik sa truck na pinagkukuhanan nila ng mga binubuhat nila.
"Management."
Nagulat ito sa isinagot ni Billy sa kanya kaya naman napalingon siya agad dito.
"Management? Eh bakit dito ka napadpad kung may pinag-aralan ka naman pala?" Takang tanong niya rito.
Ngumisi si Billy sa naging reaksyon ni Vhong at inakbayan niya ang kaibigan.
"May mas malalim na dahilan kung bakit itong landas na ito ang pinili ko." Aniya pa at inunahan niya na sa paglalakad si Vhong at tinulungan si JM sa ginagawa nito.
"Woah! Ang lalim nun ah?" - Vhong
Lalo naman siyang napaisip kung ano nga ba ang mayroon sa lalakeng mukha namang may-kaya pero nandito sa palengke at nagtatrabaho bilang isa sa mga katulad nila. Unang kita niya palang dito ay alam niya ng may kung anong bagay na rito.......Hindi niya mawari kung ano 'yun basta sa tingin niya ay mas nakaaangat ito sa kanya. Ngayon palang ay naaatat na siyang mas makilala pa ang lalakeng ito.
.
.
.Pagkatapos nilang makuha ang kani-kanilang mga sweldo para sa araw na ito ay nagkayayaan ang tatlo na mag-inuman sa tapat ng pinakamalapit na tindahan sa iunuupahan nilang bahay. Para na rin sa pagiging opisyal na housemate ni Billy kasama sina JM at Vhong.
Hindi na tumanggi si Billy sa ideyang ito para siya naman ang magkaroon ng pagkakataong makapagtanong sa mga sari-sariling buhay ng mga ito. Curious din siya sa biglaang naging mga kasama niya.....
"Bata pa lang ako, iniwan na kami ng walang hiya kong Tatay. Pagkakaalam ko sumama sa ibang babae. 'Yung Nanay ko naman imbis na magmove on at gawin kaming inspirasyon para ipagpatuloy ang agos ng buhay, ayun nilango ang sarili sa alak, sugal, kaya nagkasakit at namatay at naiwan pa sa amin iyong mga utang niya. Siyam na taon palang ako nung mga panahong iyon at naiwan sa'kin ang dalawa ko pang maliliit na mga kapatid. Pero......." Biglang napahinto si JM sa pagkukwento nung magbalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanya noong bata pa siya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...