Chapter 9

145 13 0
                                    

Halos mabaliw na si Billy sa kakaisip. Sa kakaisip kung sino ba talaga si Anne Raven. Alam niyang may possibility na hindi talaga sinabi ni Anne ang totoong pangalan nito sa kanya pero iba ang nararamdaman niya. Sa tingin niya ay nagsasabi naman ito ng totoo. Pero ang mas nakakapagpabagabag sa kanya ay 'yung wala man siyang nakuhang background information dito ni isa.  

Gusto niya talaga itong makilala ngunit hindi niya alam kung bakit. Basta. Tila pinipilit siya ng loob niya na lumapit dito kasi unang pagtatagpo pa lang nila.....Doon ramdam niya na, may naramdaman kaagad siya para rito. Hindi niya pa nakukumpirma kung anong tawag dun sa pakiramdam na 'yun kaya naman nais itong makita ulit. Baka 'pag nasilayan  niyang muli ang mukha nito ay malaman niya na ang sagot.

Si Billy ay nakasimangot dahil hindi parin siya mapakali kay Anne, samantalang sina JM at Vhong naman ay malungkot dahil mahina ang kita nila ngayong umaga. May dumaan kasing bagyo sa ilang probinsya sa Luzon kung kaya't ang mga pananim ay naapektuhan at pati silang mga kargador ay nadamay sa kalamidad.

"Paano ko pagkakasyahin ang P100.00 sa buong maghapon?" Pagrereklamo pa ni Vhong habang nakatitig sa isandaan pisong hawak niya. Bawat araw kasi ay 300 pesos ang pinakamababa na nilang kita. Pero ngayon, ang laki talaga ng pagbabago. At mukhang ilang linggo pa silang magiging ganito.

"Tara, punta tayo sa kabilang kanto." Biglang tumayo si JM.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" - Vhong

"Ano pa? Edi sa-sideline." Sagot naman ni JM.

As usual, si Billy ay nakinig lang sa usapan ng dalawa at nakikiramdam kung ano na naman ang kahahantungan nito.

"May kakilala ako sa nagka-carwash doon. Kailangan daw nila ng tatlong trabahante. Sakto tatlo tayo oh." Pagpapaliwanag pa ni JM at umaktong binibilang niya ang sarili kasama sina Vhong at Billy.

Nagliwanag naman kaagad ang mukha ni Vhong sa sinabi ng kanyang kaibigan. May pagkakataon na kasi silang dagdagan ang kita nila ngayong araw.

"Ganun ba? Sige tara." Tumayo na rin si Vhong at tinignan nilang dalawa ni JM si Billy. Ngumiti naman si Billy at sumama na nga sa dalawa.

"Buti mayroon kayong malalapitan kapag kailangan na kailangan." Biglang wika ni Billy habang naglalakad silang tatlo.

Inakabayan ni Vhong si Billy at nginitian niya ito.

"Alam mo kasi, dito sa Maynila, 'di pwede ang papetiks-petiks lang. Kailangang kumilos kung gusto mong mabuhay. At importante rin ang maayos na pakikisama dahil tatatak 'yan sa iba." Sabi pa niya na nakapagpaisip naman kay Billy. Tama ito. Ang magandang pakikitungo sa iba ay may magandang naidudulot sa lahat. Pagkagalak ang unang naramadaman ni Billy sapagkat habang tumatagal ay may natututunan siya sa dalawang ito.

Pagkadating nila sa Carwash shop ay ipinakilala muna ni JM sina Vhong at Billy sa may-ari at ilang saglit pa nga ay nagsimula na sila sa kanilang trabaho. Kahit na nung una ay medyo naninibago pa si Billy dahil hindi niya alam ang gahawin niya sapagkat noon ay siya ang nagpapalinis sa 'di mabilang niyang mga sasakyan ay nag-enjoy naman siya sa ginawa nila.

Mahigit tatlong oras lang ang ginawa nilang trabaho pero ayos na rin para sa kanila dahil nadagdagan pa ng One Hundred Fifty pesos ang kinita nila. 'Di na masama, pero mukhang kulang parin talaga eh.

Pagkatapos magpahinga sandali at kumain ay nagtipon ang tatlo sa pinaka sala ng kanilang inuupahang bahay.

"Kanina may nadaanan akong poste......." - Vhong

"Oh ano? Linigawan mo? Tapos sinagot ka agad? Tapos kayo na?" Pagbara agad ni JM sa sinasabi nito at ngumisi.

Sa pagkapikon ay nabato ito ni Vhong ng suot niyang tsinelas.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon