Chapter 19

104 8 0
                                    

Kakatapos lang nila Billy na mag-almusal kasama sina Vhong at JM nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jonas. Sinabi nito na nakahanda na ang mga pinapagawa niya't natuwa naman siya sa narinig niya.

Yinaya niya ang dalawa sa isang restaurant at tulad ng inaasahan ay pagkataka ang unang naramdaman ng mga ito sa nais ni Billy na mangyari doon, dahil unang-una ay mamahaling restaurant ang pinuntahan nila. Wala silang pambayad sa siguradong mataas na presyo ng mga pagkain.

"'Tol, ano bang ginagawa natin dito?" Tanong agad ni JM pagkapasok nila sa tila isang private area ng beanery; isang silid na may malaking dining table at nakahelerang mga upuan. May isang server din na nakaantabay sa gilid kapag may kailangan sila.

"Basta." Maikling sagot ni Billy habang nakangiti at nakaramdam naman ng kaba ang dalawa. Tingin nila ay may kung anong mangyayari.

Maya-maya pa ay bumukas na ang malaking pinto sa gilid nila at natulala na lang si Vhong dahil nakita niya ang Asawa't anak niya na naglalakad papunta sa kanila. Agad siyang tumayo para salubungin ang mga ito. Una niyang yinakap ang Asawa niya na ilang taon niya ng hindi nakikita sapagkat nakatira ito sa probinsya at sumunod naman ang anak niya.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Hindi makapaniwalang tanong niya pa sa asawa niya habang pinipigilan ang pag-iyak. Sobrang namiss niya kasi talaga ang mga ito.

"Upo kayo." Tumayo naman si Billy at inalalayan ang mag-ina ni Vhong at pinaupo ang mga ito malapit sa upuan nito.

"Pinapunta ko sila rito." Saad niya pa ng nakangiti na mas lalo namang ikinagulo ng isip ng kaibigan niya. Halata kasi ito sa expression sa mukha ni Vhong.

Bago pa maging awkward ang sitwasyon sa kanilang dalawa ni JM ay pinasunod agad ni Billy ang mga nawalay nitong kapatid. Noong una ay hindi pa nakilala ni JM ang mga ito dahil sobrang tagal na talaga ng pangyayari na nahiwalay siya sa mga ito kung kaya ay 'di niya na matandaan pa ang mga itsura nito.

Pansin ni Billy ang pagkataka kay JM kaya siya na mismo ang tumayo para ipakilala ito sa kanyang mga kapatid.

"JM, this is Joy, and this one is Jean."

Nakaramdam si JM ng matinding kabog sa kanyang dibdib sapagkat kapangalan ng dalawang babae ang mga kapatid niya.

Hindi kaya?

"Ito na sila, ang mga kapatid mo." Masayang sabi pa ni Billy at natulala na lang si JM. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito at sa mismong nakita ng mga mata niya.

Ilang sandali pa nga ang lumipas bago maisipang gumalaw ng katawan ni JM kahit na shocked at hindi parin siya makapaniwala sa nangyayari na pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon ay kaharap niya na rin sa wakas ang mga kapatid niya.

Natuwa si Billy sa naging reaction ng dalawa pagkakita nila sa mga mahal nila sa buhay na matagal na nilang hindi nakakasama. Ayaw niya namang makaistorbo pa sa mga ito kaya naman ay naisipan niyang bigyan muna ng oras ang mga ito na makapag-usap-usap ng wala siya.

"Next time na lang ulit tayo mag-usap. Sa ngayon, ienjoy niyo muna ang oras na kasama niyo ang mga mahal niyo." Huling sabi niya pa sa mga ito at pinagbilinan naman ang server na naroon na ibigay ang mga hinihingi at iassist ang mga kaibigan niya.

Masaya siyang umalis sa lugar dahil kahit papaano ay nasuklian niya na ang mga kabutihang ipinakita nina Vhong at JM sa kanya.

Iba talaga sa pakiramdam kapag nakakatulong ka.

Ngayong gabi ang unang araw ng klase ni Coleen sa Academy kung saan siya inenroll ni Anne.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon