Chapter 58

102 4 3
                                    

Nakailang ulit na sa pagtawag si Billy sa phone ni Coleen ngunit magpasa-hanggang ngayon ay 'di niya ito macontact.

Nag-aalala na siya sa kung ano'ng nangyari rito kanina't bigla na lang umalis, ulit.

May nagawa na naman ba siya o nasabi dahilan para muli itong magalit sa kanya? Sa kanyang pananaw ay mukhang wala naman yata eh. Maayos niya itong hinarap at kinausap hindi ba? So ano'ng problema?

Ang kanina'y balisa niyang pag-iisip ay bigla na lang nadagdagan ng panibagong alalahanin nung makita niya si Kenneth na mahinang naglalakad palapit sa kanya at may patch na naman ang leeg nito. Tulad niya, may pagkatulala rin ang dating nito.

Nung una ay nagawa niya pang ngumisi sa pag-aakalang hickey na naman ang nasa likod ng bendang iyon, pero sa pagiging lutang nito ay tila seryoso ang naganap sa isang 'to.

"Ano'ng nangyari dyan?"

Tsaka lang nagbalik sa katinuan ang isip ni Kenneth nang marinig niya ang Kuya niya na magsalita at ini-inspection na paligid ng ulo niya.

Hindi niya na napigilang muling mag-init ang kanyang ulo sa inis na may kasama pang takot nung inalala niya kung ano man ang nangyari't nasaksihan niya kanina.

"Muntik na 'kong mapatay ni Coleen." Saad niya na bigla namang nagpalaki sa mga mata ni Billy sa gulat sa narinig.

Kinabahan din siya agad sa 'di niya malamang dahilan.

"Nagb-biro ka ba? Bakit niya naman gagawin sa'yo 'yun?" Pautal-utal niyang tanong ulit dito. Ang mga hindi magagandang scenario sa utak niya ay nagsipagsulputan na bigla at ang isipin pa lang ito ay parang unti-unti na siyang pinapatay.

Kaya nga gusto niyang malaman kung totoo ba ang sinasabi ng kapatid niya, at sana naman ay hindi. Kasi hindi niya kaya.

"Ewan ko. Nasa club ako noon tapos bigla niya na lang akong hinila palabas. Tapos mag-iba siya ng anyo. Nakakatakot. Para siyang halimaw." Pagkukwento ni Kenneth habang ang imahe namang nagpakita sa utak ni Billy ay 'yung itsura ni Coleen nung isang gabi na magkasama sila. Pero hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa siyang saktan nito. Kahit na hindi naman talaga malayong mangyari iyon, ay iba pa rin ang pagkakilala niya kay Coleen.

"Masama siyang babae. Kung wala lang dumating kanina ay malamang masama na ang lagay ko ngayon. Or worst, baka patay na talaga 'ko."

Yea. Mahirap mang paniwalaan ang mga sinasabi nito tungkol sa kanyang kasintahan dahil minsan na siyang naging biktima ng mga pranks ni Kenneth. Totoo man o hindi ang sinasabi nito, may kagalakan pa rin sa kanyang parte sapagkat andito ito sa kanyang harapan, ligtas at nakakausap niya pa ng maayos.

Mabuti na lang at hindi siya tuluyang napaslang ni Coleen.
"Sinong dumating?" Ito na lang lumabas sa kanyang bibig sa dami ng gusto niyang iklaro mula rito.

Ayaw niyang maniwala, pero sa kaba na nararamdaman niya ay tila nagpapahiwatig na may hindi nga magandang nangyari rito. Well, halata naman eh.

"Isa pang babae. Pinatay niya si Coleen. Hah! Mabuti nga sa kanya." Dulot ng matinding inis sa ginawa sa kanya ni Coleen kanina ay iyon ang lumabas sa bibig ni Kenneth.

Natigilan naman si Billy sa mga narinig niya. Ang puso niya ay halos matanggal na sa kanyang dibdib sa sobrang pagkakaba na nararamdaman.

Paano? Kanina lang kaharap niya pa ang girlfriend niya, tapos malalaman niya na lang na patay na ito?

P-patay na si Coleen? Hindi. Hindi maaari!

Doon ay nagmadali na siyang kuhanin ang susi ng kanyang kotse na dapat kanina niya pa  ginawa, at bago tuluyang lumabas ay tinignan niya ulit si Kenneth.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon