Wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ni Coleen sapagkat ang naganap na aminan kagabi sa pagitan nilang dalawa ni Billy ay maituturing niyang pinakamagandang nangyari sa kanya simula nung magpunta siya sa Pilipinas.
Subalit kasunod naman noon ay ang pag-aalala sa magiging reaction ng kanyang kapatid. Hindi naman talaga uso sa kanya ang salitang 'konsensya' pero sa sitwasyon niya ngayon ay iyon na ang nangingibabaw sa utak niya.
Gusto niyang magdiwang sa tuwa na 'yung lalakeng gusto niya ay Boyfriend niya na ngayon, ngunit hindi niya magawa dahil parang iba 'yung dating; imbis na kasintahan na sana ng kapatid niya ay napunta pa sa kanya.
Kaya mula sa umpisa at huling klase na pinasukan niya ay buong gabi siyang tulala at hindi na naman nakinig sa talakayan. Well, wala naman talaga siyang pinagtutuonang pansin na asignatura sa paaralan. Masabi lang na pumapasok ay okay na sa kanya.
"Coleen...."
Nagmadali siyang maglakad para hindi na mahabol pa ni Kenneth dahil alam niyang kukulitin na naman siya nito. Hanggang sa mabilisang paglakad lang ang pwede niyang gawin sa ngayon sapagkat masyadong maraming tao sa paligid para bigla na lang siyang tumakbo ng mabilis at maglaho.
Kung bakit ba naman kasi sobrang crowded ng Academy na 'to eh!
"Coleen sandali." Nagtagumpay si Kenneth na mahabol si Coleen at hinawakan niya pa ang balikat nito para tuluyang makuha ang atensyon ng babaeng ito.
"Ano ba? Ano ba'ng problema mo?" Galit na humarap si Coleen at padabog na inalis ang kamay ni Kenneth sa kanya.
Hindi na nanibago pa si Kenneth sa naging reaction nito sa kanya dahil ganito rin ito nung nakaraang araw eh; sinungitan siya't pinahiya pa sa harap ng maraming tao pero ilang oras lang ay ito pa mismo ang naunang humalik sa kanya. Kaya baka mamaya ay maulit ulit.
"Come on, may ginawa ba 'ko na kinaiinis mo?" Nakangiti at maypagkamalanding sabi ni Kenneth kay Coleen na ikinangisi nito.
"Wala naman. Pero mukha mo pa lang nakakainis na!" Saad niya ngunit sahalip na ma-off ito ay mas lumawak pa ang mga ngiti ng lokong ito at unti-unting lumapit sa kanya dahilan para mapaatras siya't mapasandal sa mga locker sa kanyang likuran.
"Ganoon ba? Eh bakit parang iba naman 'yung pinaramdam mo sa'kin dati?" Mas linapit pa ni Kenneth ang mukha niya kay Coleen ngunit bago pa siya makagawa ng kung anong sunod na hakbang ay bigla siya nitong tinulak na hindi naman gaanong malakas pero pagkahampas sa katapat na mga lockers ang naging resulta.
Oops! Hindi ko na nga linaksan pero tumalsik parin. Hah! Buti nga sa'yo!
Pasimpleng ngumiti ang babaeng ito sa nagawa niya.
Sa tunog na nalikha ng pagtulak ni Coleen ay nakuha na naman nito ang atensyon ng iba pang estudyanteng pauwi na rin sana.
"I was only bored that time kaya naman pinagtiyagaan lang kita. So pwede tigilan mo na ko? Ni-hindi ka nga pasok sa standards ko eh." - Coleen
"Ouchhhhhh!" Sabay-sabay na chant ng karamihan at tumatawa pa bilang pang-asar na nakadagdag lang sa sakit na naramdaman ni Kenneth sa kanyang pagkapahiya kay Coleen.
Ngayon lang siya nakaranas ng ganitong kahihiyan dahil sa babae at sobrang nakakainis talaga!
Wala ng iba pang sinabi si Coleen. Inayos niya ang tila nagusot niyang coat at itinuloy ang naantala niyang paglabas sa building na iyon na parang walang nangyari.
Samantala, inalalayan naman si Kenneth ng mga kaibigan niya dahil tingin ng mga ito ay nasaktan ang likod niya sa ginawa ng babaeng iyon.
"Ano ba yan Kenneth? Lampa ka pala?"
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...