Hindi na sinubukan pang umakayat ng dalawa sa ikalawang palapag ng bahay sapagkat masyado na itong luma. Marupok na ang bawat paligid at baka may mangyari pang kung ano 'pag nagkataon.
Lumabas na sila at sunod namang pinuntahan ang likod kung saan nila inilibing ang katawan ni Teresa bago pa nila tuluyang iwanan ang lugar na ito noon.
May mga linagay pa si Anne ng mga batong pinagpatong-patong upang magsilbing palatandaan kung saan banda ito nakabaon sa lupa.
Tinirikan nila ang puntod nito ng dalawang kandila, at naglapag sa paligid ng ilang tangkay ng paborito nitong bulaklak na Tulips.
Tumayo si Anne pagkatapos niyang mailagay ang bulaklak at ibinaling ang paningin sa kasama.
"Alam mo ba kung bakit Tulip ang favorite niya?" Tanong niya rito. Samantalang isang walang maisagot na pagsulyap ang naitugon ni Coleen.
Malay niya ba? Hindi niya ugali na magtanung-tanong sa mga bagay-bagay. Kasi noon ay wala siyang pakialam sa iba, kahit na nasa paligid niya pa. At sa totoo lang ay hindi niya nga rin maintindihan kung bakit pa kailangang pagsindihan ng kandila ang puntod nito eh, pati na rin ang pag-aalay ng bulaklak.
Subalit sa mga oras na ito ay gusto niyang malaman kung bakit sa lahat ng bulaklak ay iyon pa ang napili ni Teresa.Ngumiti si Anne at binigkas ang mga salitang ito;
"Kasi ang Tulip karaniwang tumutubo kapag spring. And spring means hope for her. Kahit ano'ng bagyo o unos pa ang dumating, laging magkakaroon ng tagsibol kung saan tutubo rin ang panibagong pag-asa."
Habang nakikinig ay nakatulala lang si Coleen sapagkat hindi niya namalayan na may malalim palang ibig sabihin ang simpleng halamang iyon para sa kanilang Ina. Malayo sa inakala niya na trip lang nito noon.
"Actually, lahat naman yata ng taong may gusto sa bagay na 'yan ay ganun ang reason eh." Natatawang dugtong pa ni Anne kasi hindi naman talaga unique ang dahilan noon.
Sa dami ng libro at nobelang nabasa niya na ay halos lahat ng mga babaeng karakter dito ay 'yun lagi ang sinasaad. Common na kumbaga.
Pero namimiss niya pa rin 'yung panahong ikinikwento ni Teresa ang bagay na ito sa kanya. Na hanggang alaala na lang ngayon.
"Mama.....Kumusta po? Pasensya na kung sa hinahaba-haba ng panahon ay ngayon lang kami nakadalaw ulit..." Muling pagsasalita ni Anne na sa puntod na nakaharap.
Sa takot na baka matunton sila ng mga taong tinatakasan nila noon ay tumakbo sila ng tumakbo. Nagpakalayo ng nagpakalayo. Huwag lang madikitan ng panibagong gulo, kaya pati ang pagdalaw dito ay nakaligtaan na nilang atupagin.
Sa sinabing ito ni Anne ay bigla na namang nagsitayuan ang mga balahibo ni Coleen at kasunod noon ay ang pag-agos ng kanyang mga luha.
Kanina pa talaga siya umiiyak, at shit! Kanina pa siya hindi nauubusan ng luha. Nakakainis na!
Kung nakakausap lang talaga nila ito ng totoo ay sa malamang marami siyang maiisusumpong dito. Marahil ay hindi siya nagkakaganito ngayon na punong-puno ng galit ang puso't isip niya. Baka hindi niya naranasan ang kakulangan sa buong pagkatao niya.
Ayan na naman siya.....Nagdadrama na naman.
Coleen ano ba? Tama na nga ang pag-iyak! Tahimik niyang pinagalitan ang kanyang sarili subalit mas lalo lang lumalabas ang kanyang emosyon kahit ano pang pagpigil ang gawin niya.
Basta si Teresa ang pinag-uusapan, halo-halong damdamin ang nararamdaman niya. Lumalambot siya.
"And yea, sobrang dami na po ng mga nangyari. And guess what? Hindi na 'ko gaanong ini-snob nitong katabi ko." Biro pa Anne at mahinang siniko si Coleen.
Agad namang nagpahid ng mga luha ang babaeng ito sa ginawa niya. Batid niyang kanina pa ito umiiyak at ginawa niya 'yun upang patawanin naman ito kahit na papaano. Malungkot na naman kasi.
Bahagyang ngumisi si Coleen sa narinig niya at tumahan na rin. Binubuko siya ng isang 'to eh.
"Huwag mo nga 'kong idamay dyan sa kalokohan mo." Matigas na pagkakasaad niya pa upang ipabatid dito na kunwari ay hindi siya interesado sa kung ano mang ginagawa nito.
Anne hissed at her reaction. Nagpapanggap na naman ang kapatid niya na wala itong pakialam.
"Sakyan mo na lang kasi....Kunwari ka pa eh."
"Tss! Hindi ka naman kotse para sakyan."
"HA-HA! Patawa ka." Sarkastikong pagkakasabi naman ni Anne sa sinaad nito. At walang anu-ano'y nakaisip siya ng paraan para magkaroon ito ng oras na mailabas ang mga saloobin sa himlayan ng kanilang Ina. Halata naman kasing nahihiya lang ito.
"Dyan ka na nga!" Galit-galitan niyang bulalas dito at iniwanan na ito ng mag-isa.
Nagsalubong ang mga kilay ni Coleen sa ginawa ng babaeng iyon na bigla na lang nag-walk out.
"Ano'ng problema niya?" Takang tanong niya pa sa kanyang sarili't ang atensyon na nakalagi sa dinaanan nito'y mayamaya'y ibinaling niya sa mga batong nakatambad sa kanyang harapan.
Nag-isip siya ng malalim....
Kalaunan ay napagtanto niya na siya na lang mag-isa rito. Wala ng nakikinig at nanonood sa kanya, kaya't marahil ay 'di na siya magmumukhang tanga na kagaya sa itsura ni Anne kanina 'pag kakausapin niya ito.
Humugot siya ng malalim na hininga at mabigat din itong binuga. Sa totoo lang ay hindi niya talaga alam ang dapat na lumabas na mga salita mula sa kanya.
"Um.......H-hello....."
Wala pa siyang nabubuong pangungusap subalit yumuko na agad siya. Hindi niya na batid pa kung ano naman ang susunod na sasabihin.
Tinitigan niya lang ang puntod at matapos ang isang minuto ay sumagi na sa utak niya ang mga nagawa niya bago sila magpunta rito. Ang mga kasamaang pinamalas niya sa iba na maituturing na kahiya-hiyang gawain.
Ngayon niya lang narealize ang mga iyon.
"Napakarami kong gustong sabihin sa'yo. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula...." She paused as she tilted her head on the left side.
"I'm sorry....Dahil hindi ko sinunod ang mga pangaral at payo mo sa'kin noon. Sorry dahil lumaki akong ganito; na hindi pinapairal ang konsensya sa mga ginagawa ko....." Malungkot na wika niya't ang matapang niyang aura ay nagsisimula na namang humina.
"Sana totoong naririnig mo talaga 'ko ngayon. At alam kong masyado ng huli, pero gusto kong sabihin na masaya 'ko dahil ikaw ang nagsilbing Ina sa'min ni Anne kahit na 'di mo naman talaga kami kaano-ano. Minahal mo kami na parang sa'yo hanggang sa huli mong hininga.
Mahal din po kita, sobra.
Hindi ko ugali ang makuntento, but, nagpakita ka po sa'kin kanina 'di ba? I hope it wasn't just my imagination though. Pero 'yun lang ay pakiramdam ko okay na ko. Sana lang talaga magtuloy-tuloy na."
Lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa siya pinagmamasdan ni Anne mula sa malayo at lihim na pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. At tahimik na natutuwa sa naririnig nito muka sa kanya.
"I just want to ask you something........Should I let you go now and move forward?"
Batid ni Coleen na wala naman talagang tutugon sa katanungan niya. Subalit umasa pa rin siya na may makukuha siyang sign na magsisilbing sagot sa bagay na ngayon niya lang naisip na itanong.
Bahagya siyang nagulat nung isa na namang malamig na hangin ang yumakap sa kanya tulad kanina. Nakaramdam siya ng kapayapaan sa simpleng ihip ng hangin na iyon at ang pangyayaring 'yun ang kinunsidera niyang kasagutan.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...