Chapter 42

110 6 3
                                    

Isang buwan ang nakalipas....

Apat na lingo na ring hindi nagpakita o nagparamdam man lang si Billy sa magkapatid na Raven matapos ang nangyaring pag-uusap sa pagitan nilang dalawa ni Anne.

Hindi naman kasi porket nakipaghiwalay na siya rito ay dapat niya ng puntahan naman ang kapatid nito para sila naman ang maging magkapareha. Sa kanyang palagay ay tila hindi naman yata tama iyon.

Pagkatapos ng gabing iyon ay napag-isip-isip ni Billy na dapat muna siyang dumistansya sa dalawa para bigyan ng oras si Anne na makapagpatuloy sa buhay nito sa kabila ng nangyari sa kanila. At nagtiis siya na hindi makita si Coleen para pagkaluoban din ito ng pagkakataon na alamin kung ano ba talaga siya para rito.

Ngunit sa kanyang pansamantalang paglayo ay kaakibat noon ang takot na baka wala na siyang balikan. Na marahil paglipas ng ilang araw ay buo na ang desisyon ni Coleen na tuluyan na siyang balewalain sa hindi niya malamang dahilan. Posible kasi ng mangyari ang ganoong klase ng bagay eh. Maaaring siya na lang pala ang nagmamahal sa kanilang dalawa at wala na itong nararamdaman para sa kanya.

Gayon pa man ay tinuloy niya pa rin. Upang hindi mabagot sa paghihintay at mapigilan ang sarili niyang magpakita kay Coleen ay nagbalik na siya sa kanyang trabaho.

Mahigit tatlong buwan din siyang nawala at sobra-sobra naman na ang pahinga na nakuha niya kaya wala ng dahilan upang iwasan niya ang kanyang mga obligasyon sa kompanya nila.

Sa kanyang pagbabalik ay may mga nakasalamuha rin siyang kaunting pagbabago ng hindi niya namalayan nung mga panahong nasa-leave siya. Gaya na lang ng pagreresign ng dati niyang sekretarya kaya ngayon medyo naiilang siyang pakisamahan ng bago, 'di gaya noon na ang dali-dali lang gawin sapagkat parang kapatid na rin talaga ang turing niya sa kanyang kalihim. Nakakapanibago lang lalo na't babae ito, lalake kasi ang nagtatrabaho sa kanya noon, ngayon iba na.

Katatapos lang ng ginawa niyang pag-inspection sa ilang mga barkong ginagamit nila sa pagta-transfer ng iba't ibang mga cargo at kasalukuyan siyang nakaupo sa swivel chair sa kanyang opisina para magbasa naman ng lahat ng klase ng report na may kinalaman sa operation ng company for the last month . Kahit nga 'yung mga files na hindi niya naman trabahong i-check ay binasa niya na rin para lang wala siyang makaligtaan at walang makalampas na ano mang pwedeng pagmulan ng problema.

Ganoon siya kasipag magtrabaho kapag oras ng paggawa. 'Di ibig-sabihin na siya ang boss ay kailangan pa-easy-easy lang siya. Sinusubukan niyang mapunan man lang ang mga araw na ipinagpaliban niya.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa ay biglang pumasok ang kanyang babaeng sekretarya, ngunit hindi iyon naging dahilan para ihinto niya ang ginagawa niya.

"Um Sir......" Pasintabi pa nito kaya ibinaling niya ang paningin niya rito.

"Naghanda po ako ng coffee para sa inyo. Kanina pa po kasi kayo busy at parang nasobrahan na po kayo sa oras ng pagtatrabaho. Halos lahat po ng mga staff sa labas nagsisiuwian na po, kayo pa lang po ang hindi." Nakayukong saad nito na ikinabahala naman ni Billy. Hindi niya na namalayan ang oras sa ginagawa niya.

"Ah.......Sorry hindi ko napansin." Nakangiting wika naman ni Billy at tumayo na para ligpitin ang mga gamit niya.

"Okay sige na. Pwede ka ng mag-out." Sunod niya pang sabi at yumuko ang babae at papalabas na sana ng;

"Wait......Cassandra, right?" Tanong pa niya na ikinangiti rin ng babaeng ito, sapagkat ngayon lang siya tinawag ni Billy sa pangalan niya simula nung magtrabaho siya para rito.

"Thanks sa coffee. Pero next time, tea na lang. Hindi kasi ako mahilig sa kape eh." Marahan niya pang sabi at nagpatuloy na sa pagliligpit.

Isang malawak na pag-umis naman ang naging reaction ni Cassandra dahil kahit sa maliit na bagay lang ay napansin din ni Billy sa wakas ang ginagawa niya para rito. Nararamdaman niyang masusundan pa ito ng mas impprtanteng tagpo at hindi na siya makapaghintay na mangyari iyon.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon