Chapter 33

101 8 5
                                    

Walang buwan sa kalangitan ngunit punong-puno naman ito ng nagliliwanag na mga butuin. Kahit na ganoon ay maaari paring sabihin na napakaganda ng gabi. Pero hindi naman iyon maramdaman ni Coleen.

Mag-isa at tahimik niyang tinatahak ang daan pauwi dahil kahapon pa siya hindi napapakita sa kanya si Billy. Ayaw niya sanang malungkot dahil nga sa hindi niya pa ito nasisilayan pero ang malamig na simoy ng hangin ay pinaparamdam sa kanya ang 'di niya maipaliwanag na klase ng pagkalumbay dito.

Nag-aalala na rin siya sapagkat maski text o tawag ay wala talaga siyang natanggap mula rito.

Isang araw pa lang naman na hindi niya ito nakakausap ngunit para sa kanya ay katumbas na iyon ng isang buwan. Namimiss niya na si Billy at gusto niya na talaga itong makita.

Sa totoo lang ay pwede niya naman talaga itong makausap ng maayos kung gugustuhin niya, sa pamamagitan ng pag-akyat sa balcony ng kwarto ng lalakeng iyon. Ang kaso lang ay napapansin niya na madalas niya ng ginagawa iyon at bilang babae ay parang hindi na magandang tignan.

At isa pa, siya na lang ba lagi ang gagawa ng paraan para magkasama sila? Hindi ba pwedeng si Billy naman?

Bago niya makalimutan ay may isa pa nga pa lang gumugulo sa kanya. Si Anne. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya nito kinakausap o pinapansin man lang. Ano'ng problema noon?

Kung sabagay, sa sitwasyon nila ngayon ay mas mabuti na nga siguro ang ganoon, ang hindi muna sila magkibuan sapagkat hindi pa talaga sila okay. Lalo na, na wala pa itong alam sa relasyon nilang dalawa ni Billy.

Batid niyang masasaktan niya na naman ito kapag nalaman na nito ang totoo, sapagkat nung una pa lang naman ay halata niya ng gusto talaga nito ang lalakeng Boyfriend niya na ngayon.

Wala naman talaga siyang pakialam sa mararamdaman ng kapatid niya pero ngayon ay nababagabag na siya. Idagdag pa roon ang umuusig niyang konsensya na 'di niya mawari kung kailan pa siya nagkaroon.

Ang malalim niyang pag-iisip ay pansamantalang napalitan ng pagkasabik nung makilala niya ang mabangong amoy ni Billy sa paligid. Sa pagpunta-punta niya sa kwarto at sa saglit na pagyakap sa katawan nito ay masasabi niya na nakabisado niya na ang scent nito. Kaya naman sigurado siyang nasa paligid lang si Billy, at ito ay nakumpirma nung makita niya ang kotse nito na nakapark sa labas ng bahay nila.

Agad siyang tumakbo ng mabilis papasok sa loob. Huminto siya at sa sobrang bilis ng takbo na ginawa niya ay biglang nagkaroon ng hangin dahilan para magsipag-galawan ang mga kurtina sa paligid at napukaw ang atensyon ni Billy na kasalukuyang nakaupo sa isang couch.

"Uh, hi." Saad ni Billy pagkakita niya kay Coleen at bakas sa mukha nito ang pagkagulat na nasa harapan niya na ang babaeng ito. Hindi pa talaga siya sanay sa mga Vampire thingy na 'yan eh.

Nanibago naman si Coleen dahil pagkatapos siyang batiin ng isang simpleng 'Hi' ng Boyfriend niya ay hindi man lang siya nito nilapitan.

Iyon na 'yun?

Ay, oo nga pala, nasa paligid lang din si Anne kaya hindi pa sila pwedeng maglandian.

Umupo siya sa katapat nitong upuan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Si Billy naman ang nakaramdam ng paninibago sapagkat sa tono ng pagtatanong ni Coleen ay medyo hindi na pasungit na lagi nitong ginagawa kapag nagpupunta siya rito.

Wow! Bago 'yun ah?

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Alam mo bang kahapon pa kita inaantay?" Dugtong pang mga tanong nito at doon ay nagtaka na siya kung ano ang sinasabi ni Coleen.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon