Chapter 35

80 7 3
                                    

Naisipan ni Billy na dalawin ang mga kaibigan niya sa bago ng tinitirahan ng mga ito. Matagal-tagal na rin kasi nung huli niyang nakita sina Vhong at JM, at sinusulit niya na rin ang bakasyon niya bago siya bumalik muli sa pagtatrabaho.

"Kumusta naman?" Paunang tanong ni Vhong na kasalukuyang dinadalaw din ang bahay ni JM, bale halos nagkasabay lang sila ni Billy ng pagbisita.

"Ayos naman. Kayo? Maayos naman ba ang pagtira niyo sa mga bahay niyo ngayon?" Masayang sagot at tanong pabalik ni Billy sapagkat bilang pasasalamat na rin sa mga magagandang pinakita ng mga ito sa kanya nung nangangapa pa siya ibang buhay na kanyang sinubukan, binigyan niya ang mga ito ng mas maayos na tirahan.

"Oo naman 'tol. Sobrang ganda ng bahay na 'to. Kaya salamat talaga sa lahat ng tulong na binigay mo para sa'min ni Vhong." Seryosong wika ni JM sa kaibigan sapagkat kung hindi dahil sa mga ginawa ni Billy ay marahil hanggang ngayon nangungulila parin siya sa kanyang mga kapatid. Laking pasasalamat niya talaga na nakakilala siya ng napakabait na kagaya ni Billy.

"Wala 'yun." Nahihiyang pahayag naman ni Billy at silang tatlo ay sabay-sabay na nagngitian.

"So 'yung mga trabaho niyo kumusta naman? Sa palengke pa rin ba?" - Billy

"Ako hindi na. May pinapasukan na 'kong restaurant sa kabilang Barangay at ilang buwan na lang sa tingin ko ay malapit na akong maregular." Buong pagmamalaking balita naman ni Vhong, masasabi niyang mas maayos na ang trabaho niya ngayon sapagkat hindi niya na kailangang gumising pa ng maaga dahil midshift  naman ang oras ng pasok niya.

"Wow. Ayos 'yan." - Billy

Samantalang buntong hininga naman ang naisagot ni JM.

"Ako ganoon pa rin." May bahid ng lungkot na tugon niya pa.

Bibinyagan na kasi ang pamangkin niya na anak ni Jean at kahit papaano sana ay gusto niyang makapag-ambag rito. Ang problema, hanggang ngayon ay hindi pa sapat 'yung naiipon niya. At isa pa, tumatanda na siya. Nais niya namang magretire na sa pagbubuhat ng mga mabibigat at sumubok naman ng ibang klase ng trabaho, ngunit nahihirapan din siyang maghanap ng mapagkakakitaan dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Gayon pa man, naintindihan agad ni Billy ang nasa loob ng kanyang kaibigan dahil na rin sa lungkot sa mukha nito.

"Ganun? Kung gusto mo magtrabaho ka na lang para sa'kin."

Agad namang umaliwalas ang aura ni JM sa sinabi ni Billy.

"Sige ba! Ano'ng trabaho ba 'yan?" Nasasabik na tanong pa nito.

Maging si Vhong ay natuwa rin naging reaction ni JM.

"Driver. Actually, hindi talaga para sa'kin, para sa kapatid ko. Medyo pasaway kasi eh." Medyo nangingiwi pang sabi ni Billy na ikinatango naman nang dalawa.

"So ano? Game?"

"Game!" Wala ng patumpik-tumpik pang sagot ni JM. Kaibigan niya na mismo ang nag-aalok at dala na rin ng matinding pangangailangan kaya hindi pwedeng tanggihan niya ito.

"Ayos." Tinapik ni Billy ang balikat ni JM sa sobrang tuwa.

"Congrats Pare. Promoted ka na, hindi ka na Kargador ngayon." Masayang biro naman ni Vhong dahil sa wakas, parehas na sila ni JM na nagbago na ng linya para lang mabuhay. Hindi man ganoon kataas ang uri ng trabaho ang mayroon sila ngayon, at least marangal parin at wala silang natatapakang tao.

"Salamat talaga 'tol hah? Kailan ba 'ko magsisimula?" - JM

"Ikaw......Kung kailan ka na pwede sabihin mo lang sa'kin."

.
.
.

Pagkaalis ni Billy sa bahay ni JM, hindi siya agad umuwi para magpahinga na. Bagkus ay dinaanan niya muna si Kenneth sa school nito para sabihin dito na hindi na nito kailangang magmaneho pa ng mag-isa.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon