Chapter 41

95 7 5
                                    

"Gusto mo ba'ng sumama sa'kin?" Paanyaya ni Coleen kay Anne na kasalukuyang nakaupo sa isang bench na nakalagay sa lawn nito.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong nito at tiningala siya.

"Somewhere....Kahit saang lugar na pwedeng mag-feed." Casual na sagot pa ni Coleen at saglit siyang tumabi sa kanyang kapatid.

Nag-umis naman si Anne at sinabing;

"I knew it."

"C'mon. Maghapon ka lang nasa loob ng bahay, at sa gabi naman ay lagi ka lang nakaupo sa upuang 'to. Hindi ka pa ba nagsasawa na ganoon lagi ang routine mo?"

Imbis na matauhan sa mga sinabi ni Coleen, mas lalo pang lumawak ang mga ngiti ni Anne sa kanyang mukha.

"How did you know na ganoon lang lagi ang ginagawa ko?" May pagkamalisyosong tanong niyang tanong pabalik dito at bahagya namang yumuko si Coleen sapagkat mukhang nahalata ni Anne na madalas niyang tinitignan kung ano ang ginagawa nito nung mga panahong wala silang pansinan.

"Ikaw ah? Hindi ko naman alam na stalker na pala kita." Pagbibiro pa nito at siniko pa ang kapatid.

"Stalker ka dyan! Tss!"

Anne chuckled.

"Sige na. Umalis ka na para makauwi ka ng maaga." She said.

"Gaano kaaga? Mga 4 am?" Coleen snapped.

"Coleen!" Nanlaki ang mga mata habang sinasaway ni Anme ang kapatid niya, at ito naman ay tinawanan lang siya.

"Duh! Madaling araw naman ako laging umuuwi, wala nang bago roon." Saad pa ni Coleen at mayamaya ay tumayo na.

"Kahit na......" Anne hissed.

Hindi na nagpapigil pa si Coleen sa pag-alis at naglakad ng paatras para makita pa rin ang mukha ng kausap niya.

"Bye. Magpakagat ka lang sa lamok." Sarkastikong wika niya pa at ngumising muli, pagkatapos ay tumalikod na at sa isang iglap ay bigla na lang itong nawala.

Hindi naman sinasadyang napa-smirk si Anne sa huling sinabi ni Coleen.

"As if naman na may masisipsip sila."

She stretched her arms and legs to be free from the numbness that she felt.

Minutes passed, hininto ni Billy ang sasakyan niya sa isang tabi at bumaba na. Dalidali siyang naglakad palapit sa kinauupuan ni Anne na may malawak na ngiti pagbungad sa kanya.

"Hi." - Anne

"H-hi." Tila awkward na tugon naman ni Billy.

Tumayo siya ilang hakbang ang layo rito at napabuntong-hininga.

"Late na. Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?" Marahang tanong niya kahit na medyo kinakabahan siya sa gagawin niyang pakikipag-hiwalay na dito.

Umiling si Anne.

"Nope. Hindi pa rin naman ako inaantok nung tumawag ka." She said.

"Upo ka." Saad pa nito at ginawa naman ni Billy.

Kakaumpisa pa lang ng relasyon nila, ngunit ngayon pa lang ay hindi niya na kayang ipagpatuloy pa ito. Sa isang halik bigla siyang nagulo. Sa ikalawa ay may nagbago. Idagdag pa alaalang hindi mawari kung bakit niya nakalimutan. Ang mga iyon ay sapat ng dahilan para gawin niya ang sa tingin niya ay tama.

Gago na kung gago basta desedido na siya sa gagawin niya.

Saglit siyang natahimik sa paghahanap niya ng tamang tyempo sa pagsasalita.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon