Napaiktad si Anne sa sobrang gulat sa huling sinabi ni Coleen.
Hindi. Hindi pwedeng seryso ito sa nais nitong gawin. Gusto niya pa sanang kausapin ito ng masinsinan para mapabago ang kung ano mang nasa isip nito, ngunit huli na ang lahat.
Nakaalis na ito sa kanyang harapan. Hindi siya sigurado kung maabutan niya ito, pero hinabol niya pa rin si Coleen kahit na 'di na ito mahagip ng kanyang paningin. Masyado itong mabilis kumpara sa kanya.
.
.
.Nagtungo si Coleen sa kung saan-saang bar at club para lang hagilapin si Kenneth dahil ang mga ganoong lugar lang naman ang sa tingin niya'y pinupuntahan nito sa mga ganitong oras. Lahat sinuyod niya ng maigi, at nung nahagip niya ang imahe nito sa isang tabi ay agad niya itong linapitan.
"Sumama ka sa'kin." Malamig na sabi niya rito at pagkagulat naman ang tumama kay Kenneth 'pagkat bigla na lang itong sumulpot mula sa kung saan.
Hindi pa nga nakapagbigay ng reaction nang hilain ng babaeng ito ang kamay niya't isinama palabas.
"Coleen sandali...." Wika niya pa subalit 'di man lang siya nito nililingon at patuloy lang sa paglalakad.
Hanggang sa nakarating na sila sa isang sulok na may kadiliman at medyo malayo sa club na pinanggalingan nila.
"Ano 'to?" Puno ng pagtataka ang isip ni Kenneth sa ginagawang ito ni Coleen sa kanya at bahagya na rin siya nakararamdam ng takot sa pagiging tahimik nito habang binibigyan siya ng galit na tingin gamit ang nanlilisik nitong mga mata. Tumaas ang mga balahibo niya sa pagkasindak dito. Feeling niya may kakaibang nangyayari sa babaeng ito.
Hindi niya maintindihan kung ano ang problema nito sa kanya, kaya bago pa ito may magawang kung ano ay dahandahan siyang umatras.
"A-aalis na 'ko." Nanginginig niyang saad. Subalit hindi pa nga siya tuluyang nakakalayo ay humarang na si Coleen sa daraanan niya.
Huh? Ba't parang ang bilis niya? Naguluhan na naman siya sa nangyari.
"Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Coleen sa kanya na mas lalo lang nagpadagdag ng kaba sa kanyang dibdib.
Napapikit si Coleen nang marinig niya ang nag-uudyok na puso ng lalakeng ito, dahilan para ang mga ugat niya ay tila kumakawala na sa kanyang katawan. At ang dugo nito na minsan niya ng natikman, inaakit siya ulit na sipsipin.
Pero ang maalala na kadugo ni Kenneth ang lalakeng kumuha sa buhay ng kanyang ina, ay ang agad na nagpaalab sa puot na maraming taon niya ng dinadala.
Walang anu-ano'y hinawakan niya ang leeg ng lalakeng ito at malakas na idinikit sa pader.
"B-bakit? Ano bang........nagawa ko sa'yo?" Pilit na inalis ni Kenneth ang mahigpit na pagkakasakal ni Coleen sa kanya.
"Kailangan ba may dahilan para patayin kita ngayong gabi?" Saad naman ni Coleen at unti-unti ng lumabas ang kanyang mga pangil kaya natulala na lang si Kenneth sa sobrang takot sa kanyang nakikita.
Sa kabilang banda, sinundan ni Anne ang nalalanghap niyang amoy ni Coleen sa paligid at natunton niya nga ito sa isang madilim na eskinita na mukhang may sinasamantala pang kung sino.
Agad niya itong linapitan.
"Coleen stop it." Muntik ng ibaon ng kanyang kapatid ang mga ngipin nito sa lalake na kalaunan ay natandaan niya kung sino. Ito 'yung lalake sa video na itinulak nito.
"It's too late, Anne." Coleen growled and without any delay, she dug her fangs on this guy's neck.
Mabuti na lang at hindi pa tuluyang nasisipsip ng kanyang kapatid ang dugo ng kawawang lalakeng ito, kaya wala pang isang segundo nung ginamit ni Anne ang kanyang kaliwang braso para itulak si Coleen palayo sa batang ito, na ikinagulat naman ng huli.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...