Chapter 74

91 4 0
                                    

Nang maramdaman ni Billy na may lamok nang nakadikit sa pisnge niya ay agad niya itong tinapik dahil naiistorbo siya sa kanyang pagtulog. Ngunit siya ay tuluyan ng nagising dahil pagkamulat niya ng kanyang mata ay ibang lugar pala ang kinaroroonan niya; parking lot at hindi ang kanyang higaan.

Walang anu-ano'y napatayo siya agad at bahagya pang naalimpungatan habang patingin-tingin sa paligid.

Habang iginagala ang paningin ay tinatanong niya ang kanyang sarili kung ano ang nagyari't nakahiga siya sa sahig? Hinimatay ba siya o ano?

Umiling siya. Baka naman sa sobrang pagod niya ay doon siya inabutan ng antok at nakalimutan na ang mga ginagawa niya. Marahil 'yun nga. Pero damn! Nakakahiya kung may ibang taong nakakita sa kanya habang humihilik sa lapag at baka kung ano pa ang isipin sa kanya. Kaya agad siyang pumasok sa sasakyan niya na ewan niya ba at 'di niya naisip kanina na iyon na lang ang gawing tulugan.

Gamit ang mga daliri sa kamay ay mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok upang mas ikundisyon ang sarili at mayamaya'y nagmaneho na paalis sa lugar. Kailangan niya na talagang magpahinga, kung saan-saan na siya natutulog eh.

Pagkarating niya sa kanyang bahay, si JM at si Jonas ang kanyang naabutan na kasalukuyan namang nag-uusap sa iba't ibang mga bagay.

"Kumusta?" Paunang bati niya sa dalawa at mabigat na binagsak ang sariling katawan sa bakanteng couch sa living room na kinaroroonan nilang tatlo ngayon.

"Ayos naman. Mukhang pagod na pagod ka ah?" Sagot at pagpansin naman ni JM sa kaibigan na halata sa mukha at kilos ang pinagdaanan buong maghapon.

Pagtaas-taas ng mga kilay ang tanging naitugon ni Billy dito habang hinihimas ang kanyang sintido.

"Si Kenneth ba nakauwi na?" Pangangamusta niya naman sa lagay ng kanyang nakababatang kapatid tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing siya ay umuuwi. Ang totoo ay halos lahat talaga ng tao hinahanap niya sa loob ng kanyang bahay pagkagaling niya sa trabaho. Nakaugalian niya na kasi na laging i-check o itanong kung ayos lang ba ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Baka kasi ang sarap lang ng tulog niya tapos hindi niya alam na may isa pala siyang kasama na may iniindang hindi maganda o ano. Ayaw niya ng ganoon.

"Kanina pa Sir." Magalang na turan naman ni Jonas na ikiganaan ng loob ni Billy. At least 'di niya na kailangan pang mag-alala sa kalagayan nito. Ngayo'y may karapatan na talaga siyang ipahinga ang katawang lupa niya.

"I'll go ahead then.... Pahinga na kayo." Tumayo na siya para dumiretso na sa kanyang silid.

Tahimik na pagtango ang isinagot ng dalawa, subalit agad na nanlaki ang mga mata ni JM nang masulyapan niya ang sandalan ng sofa na pinanggalingan ni Billy na kanina'y malinis na malinis at walang kadumi-dumi na bigla na lang namantsahan ng kulay pula.

"Billy sandali....." Saad niya na nakapagpatigil naman dito sa paghakbang sa sunod na baitang ng hagdan. Nagtatanong siyang tumingin dito ng bakit.

"May sugat ba 'yang likod mo?"

"Hmmm?" Hindi niya nakuha ang tinutukoy nito. Gayon pa man ay kinapa niya pa rin ang kanyang likuran kung saan may naramdaman nga siyang tila basa rito. Tinignan niya ang kamay niya at doon ay napagtanto niya na may dugo ito. May sugat nga siya na hindi niya namamalayan.

"Ano nangyari dyan?" Pang-uusisa ni JM.

"Sir magpapatawag na po ba ako ng doctor?" Pag-aalala naman ni Jonas tungkol sa kalagayan ng amo na itinuturing niyang kaibigan.

Ngunit ang naging reaksyon ng mga ito ay ipinagkibit-balikat lang ni Billy.

"Simpleng galos lang naman 'to. Malayo sa bituka. Kaya Jonas hatiran mo na lang ako ng bandage sa taas. Okay?" Malamig niyang pagwika at tuluyan ng umalis sa harapan nina JM at Jonas.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon