Chapter 6

185 13 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ni Anne sa bahay niya ay dumiretso agad siya sa kusina. Binuksan niya ang fridge at kinuha ang isang blood bag, isinalin sa baso, at tsaka ininom.

Nate-tense siya at kinakabahan na hindi niya maintindihan. Kanina pa siya ganito simula nung sumakay siya sa kotse pabalik dito sa bahay niya. Ano kayang nangyayari sa kanya? Bakit siya nakakaramdam ng ganito ngayon? Teka, ganitong-ganito 'yung naramdaman niya nung malaman niyang may gusto siya noon kay Marcus................

Hala imposible! Ngayon niya lang nakilala si Billy eh kaya malabong may gusto na siya sa lalakeng iyun! Agad agad?

No! Excitement lang 'to kasi may nakilala akong tao. That's all!

Tao.

After how many years ay nakipaghalubilo na naman siya sa isang mortal, at ang malala pa ay matagal niya itong nakausap. Ilang taon na siyang umiiwas sa mga kagaya niya pero bakit kanina hindi niya naiwasan at napigilan? Ganun na ba talaga siya kasabik magkaroon ng matinong kausap?

Sumulyap siya sa paligid. Wala siyang ibang makita kundi mga gamit na siya lang naman ang nakikinabang. Wala siyang ibang kasama, walang siyang ibang makausap tungkol sa mga bagay-bagay kaya siguro kakaiba ang naramdaman niya. Napakalaki nga ng bahay niya ngunit ngayon niya lang narealize na mag-isa nga lang pala siya.

Binalot siya ng matinding kalungkutan sa kanyang pag-upo kaya ang ulo niya ay kusang
tumango sa mahabang mesa na nasa harap niya. Nababagot na rin siya. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang matulog o kaya'y magkulong sa kwarto niya tuwing umaga, at kumain at uminom ng dugo tuwing gabi.

Why do I can't live like a normal being? Why do I feel this kind of sadness? I feel alone........

She sighed.

Kinuha niya ang phone niya at mabilis na nagdial.

"...............Just leave the message after the beat......"

Ugh! Nanaman?

"Bakit ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? I miss you, anyway.........I want you to be here. If you receive this, please get your ass up immediately and come over here. I need my sister right now."

Binaba na ni Anne ang cellphone niya at pinunasan ang patak ng luha na namuo sa mata niya. May kapatid nga siya pero malayo naman ang loob nito sa kanya kaya literal din itong malayo sa kanya. Kahit na ganoon ay umaasa parin siya na papansin nito ang mga text, tawag, at voice messages niya. Kasi kahit na ano'ng gawin niya ay ito parin ang hinahanap niya, ang nag-iisa niyang pamilya.

Gusto niya na talaga itong makita at makasama para maibsan ang matinding lungkot na nararamdaman niya.

Maagang nagising ang tatlo para ipagpatuloy at harapin na naman ang gawain nila ngayong araw. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay hindi talaga nakatulog si Billy buong magdamag kakaisip kay Anne.

"Inantok ka pa ba? Kanina ka pa tulala eh." Pagsita ni JM kay Billy na nakatingin lang sa sahig.

Oo inaantok na siya kung kailan kanilangan na nilang magtrabaho.

Freak! Hindi ako pinatulog ng babaeng iyon kakaisip sa kanya!

"Oh try mo 'to." Sabay abot pa ni JM ng kape sa na nakalagay sa isang Styrofoam cup sa kanya.

"Thanks." Kinuha ni Billy ang baso at ininom ang laman.

Ilang minuto na rin silang nag-abang ng mga truck na galing pa sa kung saan-saang bahagi ng Pilipinas para sa pagbasak ng mga gulay at prutas sa palengke.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon