Akala ni Billy ay magagalit talaga si Anne sa kanya dahil lang sa nilihim niya rito ang totoo niyang pagkatao pero mali siya. Naintindihan nito ang mga dahilan niya kaya naman ay sobrang gaan talaga ng pakiramdam niya ngayon. Wala na siyang tinatago sa babaeng gusto niya. At nung yinakap siya nito kanina ay naramdaman niyang gusto rin siya nito. Sa palagay niya ay kaunting pagsuyo pa ay makakamtan niya rin ang Oo nito.
Naglakad na si Billy nung mapadaan siya malapit sa isang club dahil gusto niya sanang mag-shortcut na pauwi dahil masyado nang gabi. Wala ng mga tricycle kaya naman naglalad-lakad na lang siya. Palayo na sana siya nung may humintong sports car malapit sa kanya at tinawag siya nung driver nito.
Hindi niya agad naisip kung sino ito kaya naman ay tinignan niya ng maigi ang mukha nito.
"It's me, Tom." Sabi pa nung driver ng kotse at tsaka napagtanto ni Billy na iyon ang dati niyang kaibigan na nagmigrate sa ibang bansa.
"Oh ikaw pala." Wika niya pa kay Tom at itinabi naman nito ang dala nitong sasakyan at tsaka bumaba't nakipagkamay sa kanya.
"Musta? Kailan ka pa nakabalik?" Tanong pa ni Billy.
"Last week lang. Tara pasok tayo." Paanyaya naman ni Tom sa kanya sa club na katapat na mismo nila.
"Um next time na lang. Pauwi na kasi ako eh." Sagot naman ni Billy dahil wala siyang dalang pera para magliwaliw at isa pa ay hindi na siya sanay na magclubbing kaya mukhang maninibago siya ngayon.
"Agad? Oh come on. Ngayon lang ulit tayo nagkita oh at tsaka maaga pa naman para umuwi. " Saad naman ni Tom at inakabayan pa si Billy.
Gusto na sana talagang magpahinga ni Billy pero dahil sa ngayon lang ulit sila nagkita ng kaibigan niya ay sasamantalahin niya na ang pagkakataon. Basta hindi siya magtatagal.
"Libre mo?" Paninigurado niya muna rito kasi wala siyang dalang credit card or cash man lang na pambayad sa mga iinumin niya. At tsaka nagtitipid na nga kasi siya. Mahirap kaya kumita ng pera lalo na sa lagay niya ngayon.
"Sure no problem." Sagot naman ni Tom at pumasok na nga sila sa loob ng club.
"Nga pala, nabalitaan ko 'yung nangyari kay Tita, sorry hindi ako nakapunta." Paghingi naman ng paumanhin ni Tom kay Billy sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Kamamatay lang kasi ng Mom nito last year.
Hindi umimik si Billy sa sinabi nito at ininom na lang ang laman ng hawak niyang bote ng beer.
Pagkaraan ng ilang minutong pananahimik, tumingin si Tom sa paligid dahil medyo nabo-bored na siya ngunit nung wala siyang nakitang chic na pwede niyang puntahan ay ibinaling niyang muli kay Billy ang kanyang atensyon.
"So kumusta ang love life mo? Hanggang ngayon single ka parin ba?"
Tumawa naman si Billy sa itinanong ng kaibigan niya sa kanya.
"Yes, I'm still single but I'm pursuing someone." He said right after a swig.
Hindi naman makapaniwala si Tom sa narinig niya't bahagya pa siyang napanganga.
"Woah! Hindi ko alam na marunong palang manligaw ang isang Billy Greyson." Pang-aasar niya pa rito at out of nowhere ay biglang nahagip ng mga mata niya ang isang magandang babae na nakatayo lang sa dancing area sa first floor ng club.
"Finally....." Bulong niya pa sa sarili niya't tumingin siya kay Billy.
"Bro, doon muna ako sa baba." Wika ni Tom ng malakas kay Billy dahil biglang lumakas ang tugtog sa paligid nila at tinapik pa nito ang balikat niya.
He shook his head at nakangiting tinungga ang kanyang iniinom. 'Yung mga ganoong style ni Tom ay alam niyang may nakita na naman itong babae ipi-flirt. Tinignan niya kung saan na ito nagpunta at hindi nga siya nagkamali; may kausap na itong babae na nakatali ang buhok at may suot na choker.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...