Isang malamig na hangin na nanggagaling mula sa labas ang kanina pa tumatama sa balat ni Coleen. Nasa loob siya ng kanyang silid, tulalang pinagmamasadan ang cresent moon habang nakaupo sa gilid ng bintana nito.
Labing apat na gabi na siyang ganito simula nung huli siyang puntahan ni Billy, at simula noon ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya.
Pwedeng-pwede niya naman talagang puntahan na lang ito kung gugustuhin niya, subalit tila hindi na buo ang loob niya para gawin iyon na palagi niya namang ginagawa noon.
Its just that, pagkatapos ng naging maikling pag-uusap nila nung huli silang nagkita ay nakaramdam na siya ng takot. Idagdag pa ang mga sinabi ni Anne sa kanya tungkol sa maaaring iakto nito kapag magkasama sila, baka 'pag linapitan niya ito ay mawala ito sa katinuan at magpalit na naman ng anyo. Ayaw niya nang maulit pa ang tagpong nasaksihan niya rito nung una dahil nung gabing iyon ay kitang-kita niya kung paano nito indahin ang sakit mula sa pagbabago ng katawan ni Billy. 'Di niya alam kung ano ang pakiramdam na ng ganun pero alam niyang nasaktan talaga ito. Hindi siya papayag na masaktan pa ulit si Billy dahil lang malapit siya sa lalakeng ito.
Kaya kahit pa nangungulila na siya sa yakap, mga halik, at presensya nito ay tinitiis niya, maiwasan lang ang pangyayaring hindi kaaya-aya.
Isa pa, nais niya ring mag-isip-isip muna tungkol sa mga bagay-bagay, subalit habang tumatagal ay isa lang napagtanto niya: kasalanan lahat 'to ni Cassandra! Nung mga araw na iniwasan niya si Billy ay ginamit niya rin ang pagkakataong 'yun para hanapin ang hinayupak na babaeng ito at pagbayarin sa ginawa niya, pero ang galing magtago ng aso. Ni-bakas ng mabahong amoy nito ay hindi niya makita. At habang nahihirapan siyang mahagilap ang anino ng babaeng iyon ay mas lalo siyang nanggigigil na balian ito ng mga buto hanggang sa makita niya itong naghihingalo.
Huwag lang talaga 'tong magkakamali na magpakita pa ulit sa kanya kundi, hah! Pagsisisihan ni Cassandra na nagkaharap pa sila.
In the middle of her thoughts, Anne walked in to her room.
"Coleen....."
Naantala si Coleen sa pagpaplano kung paano niya sisingilin si Cassandra nang marinig niya ang boses ng kanyang Ate. Liningon niya ito at kumunot agad ang noo niya nang maulinagan niya ang pagmumukha nito na namumutla. Wait, maputla naman talaga ang mukha nito, sadyang para itong balisa na hindi niya maintindihan.
"Oh?" Bigkas niya pagkatapos niyang umayos ng pag-upo at hinarap ito. Nakakabahala rin ang paghangos nito.
"Read this." Wika naman ni Anne at mabilis na inabot ang hawak niyang phone sa kapatid niya. Naguguluhan man, kinuha pa rin ito ni Coleen at binasa ang kung ano mang nakasulat dito.
{ Anne, I just want you to know that this may be the last message that I'd sent to you.....}
Unang sentence pa lang ay napakurap na si Coleen, bigla na lang din bumigat ang pakiramdam niya nung mabasa niya ang salitang last. What did he mean by that?
Nagpatuloy siya sa pagbabasa.
{....I honestly don't want to be rude, and gusto kong sabihin 'to ng harap-harapan, pero hindi ko kaya--sa maraming dahilan, hindi ko kaya. I hope you understand.
Anyway, how are you? How's Coleen? Are you both doing fine? I hope you are.
If you're wondering about me, well, I'm okay. But not fine at all. You know the reason, don't you? Haha....
If you are reading this right now, please just read. Don't attempt to call 'cause I won't answer it anyway.So, the real message here is, I'm very grateful to have you as my 'supposed to be Sister-in-law'. Though I did something bad to you, you still accepted me as your friend, you never judge my personality despite of everything that happened between us and my family.
You are one of the kindest people that I know and you deserve to be happy, truly.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...