Chapter 5

188 13 2
                                    

Kasalukuyan siyang nakatayo sa may veranda at nakatanaw sa bilog na bilog na buwan sa kalangitan. Pumatak na ang dilim, hudyat para sa oras ng paglabas ni Anne upang tignan kung ano na ang naging resulta ng pinapagawa niya. Kaya mula sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ay tumalon siya paibaba at dali-daling naglakad sa nakapark niyang kotse. Inayos niya muna ang rear-view mirror at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.

Hindi naman kalayuan ang lugar na pupuntahan niya mula sa kanyang tahanan kaya wala pang twenty minutes ay nakarating din siya agad. Ipinarada niya ang kotse niya ng medyo may kalayuan sa court dahil gusto niya ring makapaglakad-lakad muna habang tinatahak ang lugar na iyon. Sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang mga batang nakangiti at may hawak na school supplies at mga laruan. Natuwa siya sa nakita niya sapagkat mukhang maganda ang naging resulta ng inutos niya.

Yumuko siya nung may nakita siyang batang babae.

"Hello." Masayang bati niya pa rito.

"Ano 'yang mga hawak mo?" Tanong niya naman bigla pagkakita niya sa mga school supplies na mahigpit na yakap-yakap nung bata.

"Notebooks po." Sagot ng bata sa kanya.

"Ah. Para saan 'yang notebooks?" -Anne

"Para po sa school. Susulatan ko po ng mga lessons namin."

Ngumiti si Anne sa sinabi ng bata dahil mukhang disedido talagang mag-aral ang batang kausap niya.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon