Chapter 11

110 13 0
                                    

"Sino 'yun? Pet mo?" Tanong agad ni Coleen kay Anne pagkaalis ni Billy.

Binuksan ni Anne ang pinto ng bahay niya't pinapasok na ang kapatid niya.

"He's not my pet." Maikling sagot nito at sinara niya rin ang pinto pagkatapos.

Saglit namang napako ang atensyon ni Coleen sa itsura ng loob ng bahay ng kapatid niya. Pinaghalong modern at classic ang style ng mga furniture sa paligid at napakalawak din ng living area. Mula sa kinaroroonan nila ay pinatalas niya ang kanyang mga mata para makita naman ang kitchen, maayos din ito.

Not bad.

Tumingin naman siya banda sa itaas at nakita niya ang portrait na kagagawa pa lang ni Anne; doon ay magkatabi silang nakaupo at nakatayo naman sa likod nila si........... Teresa.

Ibinaling niya kaagad ang atensyon niya kay Anne at umupo sa couch.

"Kung hindi mo siya pet, so laruan mo siya?" Pangungulit niya pa na ikinadilim naman ng paningin ni Anne. Nag-uumpisa na naman si Coleen sa pagiging mapaglaro nito.

"Pwede ko rin ba siyang paglaruan? At Mukhang masarap din siyang tikman eh."

"Enough!" Galit na saway agad ni Anne rito. Hindi niya namalayan na sa sobrang inis niya ay nagpalit na ng kulay ang mga mata niya at lumabas bigla 'yung mga mahahaba niyang pangil.

Imbis na matakot ay tawa lang ng tawa si Coleen sa naging reaction ng kapatid niya. Kaya bumalik din agad sa dati ang itsura nito.

"Nakakatawa ka talagang asarin." Wika pa nito habang nakangisi.

"I'm serious here Coleen. Huwag siya." - Anne

"Eh sino?" Parang batang tanong naman ni Coleen sa ate niya.

Yumuko si Anne.

"Basta huwag siya. Mahalaga siya sa'kin."

Umirap naman si Coleen sa itinuran nito.

"Yeah right. Food is important." Sarkastiko niya pang sabi rito at ngimisi ulit.

"But I don't like him though." Dugtong niya pa at napatingin naman si Anne sa kanya.

Ngumiti si Anne sa sinabi nito. Kung ayaw ni Coleen kay Billy, ibig sabihin may possibility na exempted ito sa pagiging biktima ng kapatid niya. Kung ganoon nga ay mas gusto niyang hindi na lang magustuhan ni Coleen si Billy. Mahirap na baka kung ano pa ang magawa nito sa lalakeng nagpapasaya sa kanya ngayon.

"Saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Gosh pinag-alala mo 'ko!" Pag-iiba agad ni Anne ng usapan dahil iyon talaga ang gusto niyang topic ngayong kasama niya na ang kapatid niya.

Marami pa talaga siyang dapat itatanong dito eh pero parang bigla niya na lang nakalimutan 'yung iba. Bigla siyang nablanko.

"Somewhere kung saan maraming pwedeng paglaruan." Malamig na naman ang tono ni Coleen at tumayo ulit para silipin naman ang laman ng kusina.

Maraming pwedeng paglaruan..... Hindi man alam ni Anne ang eksaktong lugar na pinanggalingan ng kapatid niya ay batid niya naman na marami na naman itong napagtripan. Sa sobrang pagkapula ng mga mata nito ngayon, sa pagiging bouncy ng buhok nito, at sa bahagyang pag-iba ng kulay ng balat ni Coleen, ay halata niya na bago pa ito nagpunta sa kanya ay nag-feed muna ito sa kung sino.

Typical her. Thirst comes first.

Sinundan niya ito.

"How long you've been here here?" Tanong pa ni Coleen habang sinisilip niya isa-isa ang laman ng bawat cabinet na makita niya.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon