Chapter 34

83 8 7
                                    

Pagkauwi ni Coleen ay agad siyang naligo para maalis ang mga tumalsik at tulumulong dugo na nagpadumi sa kanya, pati nga uniform niya ay namantsahan na rin dahil sa mga pinaggagagawa niya.

Sa pag-agos ng tubig pababa mula sa kanyang katawan ay kasabay noon ang pag-eexpect na maaalis kaagad sa isipan niya 'yung mga nangyari sa kanila ni Billy lalo na kanina, ngunit nagkamali siya.

Sa kanyang pagpikit ay wala siyang ibang nakita kundi ang mukha ni Billy. 'Yung napakalalim na boses nito sa tuwing kinakausap siya, 'yung mga bisig nito na laging nakayakap sa kanya, at ang napakaganda nitong mukha, ay nagpapasakit lang lalo ng damdamin niya kapag sumasagi sa imahinasyon niya.

Ito ang unang beses na maattach siya sa isang lalake at ito rin ang unang beses na nasaktan siya dahil din sa isang lalake. Alam niya namang walang mangyayari nung umpisa pa lang, pero hindi niya napigilan na magkagusto at mahulog ang loob kay Billy. At naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mangyari iyon. Ang bilis ng mga pangyayari kaya siguro nagtapos ang lahat sa kanila ng ganu-ganoon na lang.

Dapat laro lang naman talaga eh, wala siyang panahon sa kung ano mang sakit at saya ang dala ng pakikipagrelasyon, ngunit ano ito? Siya 'yung naiwang tanga na umasa sa mabulaklak na bibig ng lalakeng iyon , at heto, nag-iisa habang sinusubukang ibaon sa limot ang lahat.

Madali siyang naattract kay Billy kaya naman ay inaasahan niyang madali niya lang din mabubura sa sistema niya ang mga ginawa nito. Mabuti na nga siguro 'yung hindi sila gaanong nagtagal kasi baka kapag nangyari pa iyon ay tuluyan na siyang mabaliw kakaisip.

"Sayang naman ang ganda ko kung mababaliw lang ako dahil sa kanya." She said, trying to cheer up herself.

Then she released a deep sigh. Kinuha niya ang nakahandang towel at binalot ang kanyang hubad na katawan, lumabas ng bathroom at humarap sa malaking salamin sa kanyang kwarto.

"I didn't cry though." Buong pagmamalaki niya pang sabi sa sarili niya habang nakatingin sa sarili niyang relpleksyon sa salamin, sapagkat malaking bagay para sa kanya ang pag-iyak at hindi niya pa naman ito nagagawa dahil lang sa ginawa ni Billy. Ibig sabihin ay 'di ganoon ka-importante ang lalakeng iyon sa buhay niya. Mabuti naman kung ganoon.

Pagkatapos niyang magbihis ay muli siyang lumabas kahit na kakafeed niya lang at 'di pa naman ganun kagutom, ayaw niya lang talagang manatili ng matagal sa bahay na iyon dahil maaalala niya lang 'yung dalawa.

Speaking.........

Pagkabukas niya ng pinto palabas ay sakto naman na naglalakad na si Anne papasok naman.

Dating gawi. Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa malampasan niya na ito. Literal na nagkasalubong lang talaga sila at walang pag-uusap na nangyari ng biglang;

"I did it."

Napalingon si Coleen ng wala sa oras sa kapatid niya.

Ano'ng sinasabi nito?

"Biglang nag-iba 'yung pagtrato niya sa'yo kanina 'di ba?"

Sa sinabing iyon ni Anne ay biglang nakaramdam si Coleen ng kaba. Ano ang kinalaman nito sa inakto ni Billy sa kanya?

"A-ako ang may gawa noon."

*Flashback*

Sa mga nakita ni Anne ay mas lalo siyang nabagabag, naguguluhan, at nasasaktan. Akala niya ay ang pagiging bampira niya ang dahilan ng hindi na muli pang pagkausap ni Billy sa kanya. Hindi pala. Kundi ang kapatid niya na ang bago nitong pinagkakaabalahan. Iyong kapatid niya na palihim siyang trinatraydor ng hindi niya namamalayan.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon