Bago pa sila tuluyang umalis ay nauna ng maligo si Coleen habang si Billy naman ay naghahantay lang na matapos siya.
Mula sa isang mahabang couch na kinauupuan niya ay tahimik lang na nakatingin sa kawalan si Billy habang hawak ang iniinom niyang alak.
Kanina pa siya ganyan; nakatingin lang sa blankong pinto na ang likod ay ang kinalalagyan ni Coleen na may kasama ng pagngisi sa kanyang mukha. Naalala niya kasi ang mga ginawa nila na hinding-hindi niya talaga makakalimutan.
Hindi niya rin hinahayaan ang sarili na malingat man lang sapagkat baka bigla na lang itong mawala. Kahit na wala pa siyang gaanong pahinga ay ayos lang sa kanya, 'di rin naman kasi siya ganun kapagod. Well in fact pakiramdam niya pa nga ay nakainom siya ng kakaibang energy drink dahil sa maganda niyang pakiramdam.
Maging ang champagne na ilang oras niya ng linalaklak ay tila wala ring epekto. Mas nakakalasing pa yata si Coleen kumpara rito eh.
Saglit na naantala ang pagbabalik-tanaw niya nang marinig niya na may pumindot ng door bell. Binaba niya muna ang hawak niyang glass at nagtungo sa pintuan.
Pagkabukas niya ay malawak na pagngiti ang sinalubong niya kay Cassandra (ang kanyang sekretarya) na kanina niya pa inaasahang darating.
"Good afternoon Sir." Nakaumis nitong pagbungad sa kanya.
"Good afternoon." Masayang bati naman ni Billy pabalik dito at agad na tinuon ang paningin sa dala nitong mga bags.
Napansin naman nito ang ginawa niya kaya iniabot na sa kanya ang mga pinapadala niyang mga damit na para sa babae at lalake. Pangit naman kasing tignan na kung ano ang sinuot nila kahapon ay siya ring gagamitin nila ngayon.
"Oh, thanks for this. Sorry kung naabala pa kita para lang dito."
Ang sekretarya lang ni Billy ang naisip niyang hingan ng pabor dahil mas may alam ito tungkol sa mga gamit na pangangailangan ng isang babae. At isa pa, ito lang ang taong kilala niya na walang alam sa personal niyang buhay kaya ito ang tinawagan niya. 'Pag si Jonas o si JM kasi ang inutusan niya ay siguradong makakaramdam siya ng hiya sapagkat alam ng mga ito kung sino ang kasama niya sa loob ng kwartong kinalalagyan niya ngayon.
Hindi pa siya handa sa mga mapang-asar na tingin ng dalawang iyon dahil sa pagdadramang ginawa niya sa harapan ng mga ito nung nakipaghiwalay si Coleen sa kanya.
Bahagyang tumawa si Cassandra sa reaksyon ng kanyang amo at ilang saglit lang ay magalang na tumango rito.
"No sir, hindi niyo naman po 'ko naabala. I guess, I'll see you later on your office for your meetings."
"About that, cancel all of my appointments for today. 'Di muna ako papasok."
Doon ay bahagyang nakaramdam ng inis si Cassandra sapagkat mawawala na naman sa mga mata niya ang lalakeng ito ng buong araw. Ngunit hindi niya lang iyon pinahalata.
"Noted Sir."
Tahimik na tumango at 'di na nagtanung-tanong pa si Cassandra kay Billy na ikinatuwa naman ng huli.
"Okay. Again, thank you, and have a good day." Huling saad ni Billy at hinantay na makaalis ang kanyang sekretarya bago niya isara ang pinto.
Nang maramdaman ni Cassandra na hindi na nakatingin si Billy sa kanya ay tsaka lang siya lumingon. Tinitigan niya ang pwestong pinanggalingan niya at ngumisi.
"You seems so happy with her huh? Go on. Enjoy. " Bulong niya sa kanyang sarili at tuluyan ng tinahak ang daan paalis sa lugar ng may nakasimangot at masamang tingin kung saan biglang nagliwanag ang kakaibang kulay ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...