Kagagaling lang ni Anne sa pinapasukang Academy ni Coleen sapagkat pinatawag siya sa Dean's office.Pagkapasok ni Anne sa opisina ay isang nakangiting medyo may edad na na lalake ang sumalubong sa kanya. Nginitian niya ito pabalik at sinagot ang magalang nitong pagbati.
Pinaupo siya nito. Sa totoo lang ay kinakabahan siya na malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya naimbitahan nito at ano'ng kalokohan na naman kaya ang ginawa ng kapatid niya.
"Ms. Raven, I'll go straight with you. We are concerned about your sister's behaviour towards her peers....."
Ang pangamba ni Anne ay lalong nanaig.
"Take a look at this." Saad pa ng taong ito at hinarap sa kanya ang monitor ng laptop nito.
Isang video ang pinakita nito sa kanya na halatang mula sa kuha ng CCTV.
Kitang-kita niya si Coleen na may kausap na lalake na isa ring estudyante at ilang saglit lang ay bigla niya na lang itong tinulak dahilan para tumalsik ito papunta sa mga lockers.
"What the hell is this?" Pasimple niyang bulong sa kanyang sarili.
Ang sumunod naman na clip ay kuha sa ibang bahagi ng building at tatlong babae naman ang kaharap nito. Ilang salitaan ang naganap na hindi niya alam kung ano ba ang pinag-usapan at mamaya ay naman sinampal ni Coleen ang mga ito ng isang galawan lang.
Actually, hindi na siya masyadong nagulat pa sa kanyang mga napanood sapagkat inaasahan niya na ang mga ganitong tagpo nung una pa lang. Subalit sa naging pagkilos nito ay nababaanagan ni Anne mukhang naoffend ng mga ito ang kapatid niya dahil hindi naman nananakit si Coleen in public ng ganun-ganoon na lang. Alam niyang may sapat itong dahilan para magawa iyon.
Itnabi na ng Dean ang kanyang laptop at ipinatong ang mga kamay sa mesa.
"I hate to say this to you Miss, but I think she's quite violent and dangerous..."
"What?" Taas-kilay naman na tanong ni Anne rito. Batid niyang may pagkabayolente nga ang kanyang kaptid pero sa kanyang palagay ay hindi maganda na ipamukha pa sa kanya ang bagay na 'yun. Nakakasakit kaya!
Mr. Crisostomo held back with her sudden reaction.
"I'm sorry if that offended you. Pero sinubukan na naming hingiin ang panig ng iba pang estudaynte na nakaharap ni Ms. Coleen, but all them refused to talked to us. Parang takot na takot pa nga ang tatlong babae nung mabanggit pa lang ang pangalan ng kapatid niyo. Madalas din siyang hindi nakikihalubilo sa mga talakayan at palagi ring sa cellphone lang nakatutok kapag oras ng klase. Iyon ang palaging nirereklamo ng mga Proffesors sa faculty head hanggang sa nakarating na lanh sa'kin. Ngunit maging sila ay takot nang sitahin ang iyong kapatid sa hindi ko malamang dahilan."
Sa pagkahiya sa narinig na mga kalokohan ni Coleen, tahimik na yumuko at pumikit na lang si Anne. Inakala niya na medyo nagtitino na ang kapatid niya, kabaliktaran pala iyon sa kanyang iniisip.
"Sa mga ginagawa niya ay pwede siyang suspend. Ikaw na ang pinatawag ko rito sa kadahilanang hindi ko mabigyan ng warning ang nakababatang Raven. Kaya 'pag naulit pa ito, alam niyo na ang kasunod."
Doon ay hindi na tinanggap ni Anne ang sinabi ng matandang ito.
Sa mga oras na ito ay gusto niyang ipakilala ang kanyang sarili bilang major benefactor ng academy na ito upang malaman naman ng isang 'to kung sino ang pinagbabantaan niya. Subalit agad din niyang binawi sa kanyang isip ang ganoong klase ng ideya dahil hindi naman ganun ang ugali niya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...