Prenteng nakaupo sina Billy at Coleen sa couch sa loob ng kwarto ng nauna. Hindi sila nagkita buong maghapon dahil sa iba't ibang mga rason kung saan marami talagang nangyari, kaya naman hindi na nakatiis pa ang dalawa at nagsayang lang ng ilang oras sa paglalagi sa loob ng silid.
Kwentuhan ng kung anu-anong bagay, tawanan, at asaran. 'Yan ang kanina pa nila ginagawa. Subalit sa tagal ng kanilang pag-uusap 'di man lang nabanggit ni Coleen ang tungkol sa kababalaghang naranasan niya kagabi na muntik na siyang mapahamak. Sa totoo lang ay pinag-iisipan niya pa kung dapat niya nga bang ikwento or ano sapagkat wala namang kinalaman 'yun sa relasyon niya sa lalakeng ito. At isa pa ay maganda ang mood nila ngayon. Ayaw niyang sirain lang ito ng pag-aalala o pangamba.
Okay naman siya kaya wala ng dapat intindihin pa. Next time niya na lang siguro sasabihin.
Sa kalagitnaan ng pagkausap ni Coleen sa kanyang sarili ay napansin ito ni Billy. Sa kanya nga ito nakatingin pero halata naman na ang isip nito ay nasa ibang bagay.
Tinitigan niya itong maigi dahilan para ang lumilipad na diwa ni Coleen ay biglang natuon sa kanya. Nung mapagtagunapayan niya na maangking muli ang atensyon nito ay bigla niyang pinalaki ang mga mata niya, kasabay ng mga butas sa kanyang ilong. Nag-make face siya.
Ang resulta ay bahagyang kumurba ang korte ng mga labi ni Coleen sa ginawa niya sabay sabi ng,
"Baliw ka talaga!"
Sumimangot naman na parang walang emosyon ang mukha ni Billy sa kumento ng babaeng katabi niya. At pag-taas naman ng kilay tugon ni Coleen sa ginagawa niya ngayon.
"You know what? Hindi ka naman mabait. Hindi ka rin maaalahanin, at palagi ka pang masungit. Kaya nga nagtataka talaga 'ko kung bakit kita nagustuhan eh." Seryosong saad pa niya na nagpakunot na talaga sa noo ng kasama niya.
"What are you trying to say? Compliment ba 'yan o dapat na kitang sapakin dyan sa mga pinagsasasabi mo?" Masungit na tanong ni Coleen dahil sa tingin niya ay iba na ang dating ng pinupunto ng mokong na 'to.
Ngumisi si Billy. Alam niya kasing nagsisimula na naman itong mapikon sa kanya.
"Oh, don't be so violent. Hindi pa naman kasi ako tapos." Saad niya.
Nanahimik si Coleen at nag-abang kung ano na namang kabaliwan ang lalabas sa bibig ng boyfriend niya.
"Pero alam mo ba kung bakit kita mahal?"
"Hindi!"
"Kasi 'yun 'yung sabi nito." Seryosong saad ni Billy habang nakahawak pa sa dibdib niya.
"Ugh! My boyfriend is so cheesy...." Nakangising sabi naman ni Coleen sabay irap, pero deep in side, kinilig talaga siya. Ayaw niya lang ipahalata.
Huuuu! Buti na lang talaga marunong bumawi ang lalakeng 'to sa mga sinasabi niya, pero bago 'yun ay dinaraan pa sa mga pang-aasar eh. Tsk!
"Fiancè." Pagtatama naman agad ni Billy sa term na ginamit sa kanya ni Coleen at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito. Nagngitian silang dalawa sa simpleng bagay na iyon at ang kasunod ay pinasandal ni Billy ang fiancèè niya sa kanyang balikat.
Natahimik si Coleen pagkatapos, at tsaka naman gumana ang isip sa mga bagay na nagpapataka sa kanya.
"Tell me, ano bang magbabago kapag kinasal na tayo?"
Bahagyang nablanko si Billy.
"Um.........What are you talking about?"
"I mean.......ano nang gagawin natin 'pag mag-asawa na tayo? Cause we're already doing the thing that supposed to be the ritual of a married couple, right? So what's new after the ceremony?"
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...