Agad na pumunta si Anne sa kanyang kwarto at pagkasara niya ng pinto ay dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig at umiyak.
Grabe siya! Paano niya nasabi 'yun ng ganun-ganoon na lang? Ang sakit niyang magsalita!
Mas lalo pang hinigpitan ni Anne ang pagyakap niya sa mga binti niya't nagpatuloy naman sa pag-agos ang mga luha sa sobrang inis na nararamdaman niya. Siya na nga ang laging umiintindi at nagpapasensya at siya pa ang sasabihan na walang kwenta!
Walang alam si Coleen sa totoong laman ng puso't isip niya. Hindi nito alam kung ano'ng pinagdaanan niyang lungkot at pangungulila nung nawala si Teresa sa kanila pero kung umasta ito ay parang wala siyang pakiradam na madaling nasasaktan sa tuwing magbibitaw ito ng salitang hindi maganda.
Kahit na mahirap tanggapin ang mga bagay na hindi talaga katanggap-tanggap noon ay ginawa niya parin para magsilbing modelo sa kapatid niya. Nagmature siya para rito at inako ang lahat ng responsibilidad pero ano ang isinukli niya? Nais na nga nitong ilayo sa kanya ang taong gustong-gusto niya tapos pagsasabihan pa siya ng mga bagay na talaga namang tagos sa buto sa sobrang sakit!
Lahat naman ng pang-aasar at pang-iinis ay kinaya niya pero ito, sobra na.
"Mom......Please help me...." She said helplessly as she continued on sobbing.
.
.
.Paggising ni Coleen ay hindi muna siya bumangon sa kanyang kama at kanina pa siya paikot-ikot para subukung muling matulog pero wala talaga. Hindi niya alam kung bunga lang ba ng katamaran o sadyang wala talaga siya sa mood na tumayo. Sa totoo lang ay may parte sa kanya na nagsasabi na may dapat siyang ayusin. Parang may mali siyang nagawa na hindi niya maintindihan. Dahil ba 'to sa nangyari sa pagitan nila ni Anne kagabi?
Umirap siya at umupo sa gilid ng kama. Hindi uso sa kanyang makonsensya so bakit naman siya magi-guilty? Sinabi niya lang naman ang mga gusto niyang sabihin mula noong malaman niya na maayos ang pagtrato nito sa mga tao. Deserve niya 'yun sa pagkunsinte sa mga nilalang na hindi nila kauri.
Taas noo siyang tuluyang bumangon at dumiretso sa bathroom para maligo; iyon ang paraan niya para maalis ang mga gumugulo sa utak niya. Pagkatapos niyang magbihis ay binuksan niya naman ang malaki niyang bintana sa pamamagitan ng paghawi sa kurtinang nakatakip rito ngunit nasilaw siya maliwanag na sikat ng araw kaya naman ay agad niya rin itong isinara. Tanghale pa lang at ramdam niya na na maiinit sa labas kaya naman ay ilang oras pa siyang magkukulong sa bahay na ito.
Lumabas siya ng kanyang kwarto at wala siyang nadatnang babae sa sala na lagi niya namang nakikita noon na nakatambay doon at babatiin siya ng 'magandang umaga'. Ngumisi siya siya at nagproceed sa kusina.
At least walang nakakairitang boses ang bumungad sa'kin.
Naghanap siya ng pwedeng pagkaabalahan at sakto naman ay mayroong cookie jar na nakalapag lang sa mismong table at may isang baso pa ng gatas. Hinawakan niya ang baso at napagtanto niya na medyo mainit pa ito, meaning katitimpla pa lang bago siya dumating.
Still care for me huh?
Binalewala niya lang ang mga iyon at tiniis na lang ang gutom. Mamaya na lang siya kakain kapag may nakita na siyang mas maayos na source ng pagkain kaysa naman pansinin ang cookies at gatas. Baka mamaya may lason pa 'yun eh.
.
.
.Sinigurado muna ni Anne na wala na si Coleen sa bahay niya bago siya lumabas ng kwarto. Nakaramdam na naman siya ng lungkot nung matanaw niya na nasa mesa parin 'yung cookies at milk na hinanda niya para kay Coleen kanina. Ni-hindi nga ito nagalaw at nasira na lang ng tuluyan ang gatas. Nasayang na naman ang effort niya sa pag-aalaga rito kahit na hindi sila okay ngayon. Kahit na may kasalanan ito sa kanya ay may pakialam parin siya rito na 'di nakikita ng bulag niyang kapatid.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...