Chapter 66

119 5 2
                                    

Sa naging talakayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa ring makinig at magsulat ni Coleen. Nababagot na kasi siya sa palagiang pag-scroll sa hawak niyang phone kaya naman sinubukan niyang ituon saglit ang atensyon sa klase.

Napagtanto niya rin na walang silbi ang oras niya kung uubusin niya lang ito sa pag-upo at pagtunganga sa silid-aralan. At isa pa, ito rin ang naisip niyang paraan upang hindi naman masayang ang mataas na tuition fee na binayaran ni Anne para lang mapag-aral siya.

Malapit nang mag-finals. Kung nung midterm ay nakatsamba lang siya, ngayon naisip niya na dapat hindi na ulit ganun. Dapat sa susunod na exam ay may progress na.

Dahil nga sa maganda ang mood ni Coleen ngayon, hindi na rin siya masyadong nagsungit sa mga nakakasalubong niya na bumabati sa kanya sa hallway ng school.

Kilala siya bilang isnabera at hindi talaga namamansin sa iba, ngunit nginitian niya ang ilang tumawag ng pansin sa kanya, at kung minsan pa nga ay binabati niya pabalik ang mga ito.

Ang ilan ay natuwa sa magandang aura nito ngayong gabi, pero syempre hindi naman lahat masaya sa biglaang pagbabago ng kanyang dating. Ang iba ay naintriga kung ano'ng meron, kung bakit ganito si Coleen ngayon na pakiwari pa nila ay kaplastikan lang ang pinakita nito kasi nakakapagtaka talaga.

Ganun pa man ay pinagkibit-balikat na lang ni Coleen ang mga bulong-bulungan na naririnig niya. Sanay naman na siya eh.

Sa kanya pang paglalakad ay nakasalubong niya si Kenneth na saglit lang siyang tinitigan at ngumisi na parang naiinis o ano. Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ng nakakalokong pagngiti na iyon na halatang may galit pa sa kanya.

Well, alam niya naman kung bakit.

Linagpasan siya nito, subalit hindi pa ito tuluyang nakakalayo ay tinawag niya ito at lumingin naman sa kanya.

"Mag-usap tayo." Sabi niya rito, ngunit pag-umis na nakakainis ang muling binigay nito sa kanya. Na hindi niya na talaga nagugustuhan.

"Mag-usap? Saan sa walang katao-taong lugar tapos pagtatangkaan mo na naman ang buhay ko? Ganun ba?" Mahina at may tonong pagkasarkastiking tanong ni Kenneth kay Coleen.

Sa ginawa nito sa kanya ay wala na siyang tiwala rito. At takot na rin siya na sumama sa babaeng ito dahil baka kung ano na namang kababalaghan ang ibuhat nito sa kanya. Idagdag pa ang katotohanang mahirap basahin ang mga balak nito. Kaya huwag na.

Hindi niya pa rin matanggap na nagawa siyang saktan nito. Hindi madaling kalimutan 'yun eh.

Napabuntong-hininga naman si Coleen sa sinabi ng lalakeng 'to. Kailangan niya na talagang gawin ang bagay na nakaligtaang tapusin ni Anne nung nakaharap nito si Kenneth.

Para matapos na 'yung alitan na mayroon sila ay cinompell niya ito na balewalain at patawarin na siya. Sawa na siya sa part na kalimutan ang mga ang nangyari, at naisip niya rin na maaaring may napag-usapan na ito at si Billy tungkol sa bagay na iyon, kaya mahirap nang burahin 'yun kung nagkataon. Lalo na kung darating ang panahon na mag-uusap ulit sila about dito, sa pagiging vampire niya tapos biglang umasta si Kenneth na walang naaalala dahil binura niya na. Edi si Billy naman ang magtataka kung paano nangyari iyon? No. Mas magiging kumplikado lang 'pag nagkataon.

Tinignan niyang muli ang mga mata ni Kenneth upang klaruhin ang mga binulong niya sa lalakeng ito.

"Now...Are we cool?"

Tulirong pagtango ang tinugon ni Kenneth na siyang nakapagpalipat ng pagngisi kay Coleen. Ang dali. Ni-hindi man lang siya pinagpawisan para lang mapasunod ang taong 'to.

Kaya nga gustong-gusto niya ang mga katangian na mayroon siya eh. Ang daling utusan ang mga taong gusto niyang hingan ng pabor. Kumbaga tila hawak niya ang amg mga ito sa leeg at hinding-hindi siya matatanggihan.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon