Unang bumaba si Billy sa kanyang sasakyan at pinagbuksan niya si Coleen ng pinto. Inalalayan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito hanggang sa tuluyan na itong makalabas.
Parehas nilang pinagsaluhan ang mga ngiti na kanina pa hindi nawawala sa kanilang dalawa. Ang saya ay kitang-kita sa mga mukha nila lalo na si Billy, alam niyang sandali lang 'yung naging oras nila ni Coleen na magkasama at gusto niya pa sana ng extension, kaso hindi naman ito ang pakay niya kundi si Anne.
Ilang beses niya nang pinaalala sa kanyang sarili ang totoong destinasyon at pupuntahan ng damdamin niya ngunit tila kusa itong lumiliko sa maling daan, na hanggang ngayon ay sinusubukan niya paring pigilan. Kaya hangga't kaya niyang hindi palakihin at bigyan ng ano mang malisya ang nararamdaman niya para kay Coleen ay gagawin niya, kasi hindi pwede. Hindi.
Binuksan ni Coleen ang pinto para makapasok na sa loob ng bahay at napatayo naman si Anne nang makita niya ang dalawa na magkasamang bumungad sa kanya.
"Hello." Masayang bati pa ni Coleen sa kapatid niya at bineso naman siya ni Anne.
Sa pagiging maaliwalas ng mukha, biglaang maayos na pagbati, at sa hindi pag-iwas ng mukha ni Coleen sa kanya ay sa tingin ni Anne maganda ang naging araw nito. Iba eh.
"Magkasama kayo?" Nakaumis at walang ibang malisyang tanong ni Anne kay Billy, na nagpakaba naman bigla sa lalakeng ito.
"Ah......Oo, nadaanan ko kasi siya sa school nila kanina, kaya sinabay ko na siya papunta rito." Paliwanag naman ni Billy at tumango-tango si Anne bilang pagtanggap sa sinabi nito. Totoo naman kasi ang tinuran ni Billy.
Bahagyang napahawak si Billy sa batok niya't pinadalausdos sa kanyang katawan ang kamay diretso sa kanang bulsa para magkaroon ng lakas ng loob sa pagyaya kay Anne na lumabas kasama siya.
"So.......A-are you ready?" Diretsahan ngunit may nanginginig na boses niyang tanong dito.
Tahimik namang nagmasid si Coleen sa pag-uusap ng dalawa sa harapan niya kahit na inis na inis na siya sa kalandian nilang taglay.
Kailan ba maghihiwalay 'tong dalawang 'to? Naiinip na 'ko!
"Yea." Wika ni Anne at ibinaling ang paningin kay Coleen na kanina pa walang emosyon ang mukha.
"Um......Lalabas lang kami saglit. Ikaw muna bahala rito ah?" Maikling bilin ni Anne rito at pilit na ngiti naman ang isinagot ni Coleen sa kanya.
Nauna ng naglakad palabas si Anne, si Billy naman ay bago tuluyang umalis ay tumingin muna kay Coleen at sinabing;
"We'll go ahead. Take care." Ngumiti pa ito at walang anu-ano'y pagngiti ng pabalik ang naitugon ni Coleen dito.
Mas lalo pang lumawak ang grin sa mukha ni Billy dahil sa ginawa ng babaeng ito, ang gaan ng pakiramdam niya sapagkat nagagawa niya ng pangitiin ng totoo si Coleen 'di tulad ng dati na palagi itong nakasimangot at nakangisi sa kanya.
"Sige." Huling sabi pa nito at tumalikod na't sinara ang pinto nung makaalis na ito.
Unti-unting nawala ang kasiyahan sa mukha ni Coleen nang mapagtanto niya na wala na rin si Billy sa harapan niya't mag-isa na lang siya.
Narealize niya na mula kanina ay biglang nag-iba ang tingin niya sa lalakeng ito. Hindi niya alam kung ano'ng tawag doon pero tila may ibang nangyari sa kanya nung hinawakan nito ang kamay niya. 'Di naman iyon ang unang beses na pagdidikit ng kanilang mga balat ngunit may kakaiba talaga siyang naramdaman, at hanggang ngayon ay binabagabag parin siya ng bagay na iyon.
"This is nonsense!" Gaya kanina ay muling itinanggi ni Coleen sa kanyang sarili ang pagbabago ng tingin niya para kay Billy.
Wala lang ang mga iyon, marahil ay masyado na siyang nagiging malapit dito kaya iba't ibang klase na ng mga kahibangan ang pumapasok sa utak niya. Nahawa na yata siya kay Billy at Anne.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...