Chapter 48

130 6 8
                                    

Pagkapasok ni Coleen sa loob ng kwarto, nanginginig naman na isinara ni Billy ang pinto. Nagpaparamdam na naman 'yung urge niya sa katawan na kanina niya pinipigilang tuluyang manaig.
Nagyong mayroon na silang emotional relationship ni Coleen ay nagkaroon na rin siya ng malisya sa pagsasama sa loob ng iisang kwarto.

Lalake siya, babae naman si Coleen.... Ugh! Ang hirap!

Isa-isang hinubad ni Coleen ang suot niyang sapatos. Kanina niya pa kasi gustong magtanggal ng saplot sa paa at pagod na rin siya kakatayo at kakalakad kaya agad siyang umupo sa gilid ng kama.

Si Billy naman ang nagtabi sa nakakalat nitong mga sapatos sa sahig.

"Such a clean freak." Biglang saad ni Coleen ng nakangisi pagkakita niya sa ginawa ni Billy.

Napakadetailed kasi masyado ng lalakeng ito sa lahat ng bagay. Or by contrast, burara lang talaga siya para iwanan kung saan-saan ang mga gamit niya.

"So don't mess around kung ayaw mong ligpitin kita." Pagbibiro naman ni Billy habang itinutukod ang mga paa at nagbent ng tuhod upang mapantayan ang mukha ni Coleen kung kaya hindi na nito kailangan pang literal siyang tingalain. Siya na ang nag-adjust ng pwesto.

Tinawanan lang siya ni Coleen at napagdiskitahan pa nito ang suot niyang necktie. Ang sexy ng dating para sa kanya ng paraan nito ng paglalaro sa tie niya, sa ginagawa nito ay naturn on siya.

"May nakalimutan akong sabihin sa'yo."

'Yung pagtitig ni Coleen sa kanya, parang nang-aakit kaya naman ang mga tuhod niya ay nanlalambot nang talaga.

Sunod namang dumapo ang mga kamay nito sa kanyang leeg at maging doon nakaramdam siya ng kakaiba. Napalunok siya ng wala sa oras. Hanggang sa yumuko ito at ilinapit ang bibig sa kanyang tainga.

"Mukha kang tao kapag nakasuit." Wika pa nito na nakapagpatayo ng kanyang balahibo dahil sa pagka-hot ng boses nito.

In short, turn on level 1,000,000.

Bigla namang magsalubong ang mga kilay ni Coleen nung makita niya si Billy na tulala na parang ewan sa kung ano'ng bagay.

"Uy!"

Balik sa katinuan ang lalakeng ito at inalala ang sinabi sa kanya para naman 'di siya matanga.

"So Alien pala 'ko sa paningin mo all this time?"

"Um.....Parang."

And they both laughed. Parehas silang natuwa sa mga kalokohang pinagsasabi nila, lalo na si Billy sapagkat nakakapagbitiw na siya ng mga biro na tinatawan o kaya sinasakyan na lang ni Coleen. Noon kasi ay lagi itong nagsusungit 'pag sinusubukan niyang magpatawa.

Saglit silang nahinto sa pagbibigayan ng mga ngiti at nagkatinginan ng mata sa mata na nagsasabi kung gaano sila kasaya sa sitwasyon nila ngayon. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha at pinagdikit ang mga noo.

Si Coleen ay nakahawak pa rin ang dalawang mga kamay sa leeg ni Billy, at ang isang ito naman ay sa baywang niya nakakapit.

Forehead to forehead, eyes to eyes, and nose to nose.

"We're official, right?" He asked and she answered with a chuckle.

"Why are you asking me? Pinakilala mo nga 'kong Girlfriend mo sa harap ni Jonas eh." She retorted.

And he made a grin.

"So tayo na nga?" Paghingi niya pa ng kumpirmasyon.

She sneered. Nagtatanong pa eh, hindi ba obvious?

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon