*Flashback*
Matagal na. Matagal na siyang nagkukubli sa kwartong ito at lagi lang nakatanaw sa bintana. Wala siyang alam sa nangyayari sa paligid niya dahil wala rin naman siyang balak alamin.
Pinapanood niya ang ilang babaeng nag-aayos ng mga damit sa sampayan at bahagyang nagsisipagtawanan. Rinig niya ang mga boses nito kahit na siya ay nasa ikalawang palapag ng bahay na kinaroroonan niya. Nalito siya sapagkat hindi lahat ng salitang ginagamit ng mga ito ay naiintindihan niya.
"Coleen."
Bigla siyang napalingon nung may narinig siyang napakagandang boses sa 'di kalayuan. Isang morena ngunit magandang babae ang tumambad sa kanya. Ngumiti ito. Ngiti na nakakapagpagaan ng mga agam-agam sa isang batang katulad niya.
Saglit siyang napayapa sa presensya nito dahil itong babaeng ito ay ang palaging dumadalaw sa kanyang silid. Palagi siyang hinahatiran ng pagkain sapagkat ayaw niyang lumabas ng kwarto at lagi rin siyang binabantayan sa tuwing siya ay matutulog.
"Coleen kilala mo ba 'ko?" Marahang tanong pa sa kanya ng babae at pag-iling naman ang kanyang isinagot. Wala siyang alam kung sino ang kausap niya at hindi niya rin batid kung bakit Coleen ang tawag nito sa kanya. Iyon ba ang pangalan niya?
Hinawakan ng babae ang kamay niya at pinaupo siya nito sa maliit niyang kama.
Nag-umis ulit ito sa kanya at sinabing;
"I'm Teresa, Coleen. And I'm your Mom." Sabi nito sa kanya gamit ang wikang mas naiintindihan niya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...