Ilang araw ang lumipas, ngunit ang lahat ay hindi bumalik sa dati. Parang may nawawala, parang may kulang na kung ano sa parte ni Billy na 'di niya maintindihan.
Hindi pa naman talaga niya gaanong kilala si Anne ngunit pakiramdam niya ay parang may kung ano'ng kulang na agad sa kanya. Gusto niyang makita ito, gusto niyang marinig muli ang boses nito, at gusto niya itong kaibiganin o higit pa.
Nais niyang mas malaman pa kung ano ba talaga ang mayroon sa babaeng ito at tila nadala nito ang isip niya. Subalit paano niya pa 'yun magagawa kung ayaw na agad nito sa kanya?
Ilang araw na ang nakararaan pero 'yung kakaunti niyang alaala kay Anne ay nandoon parin. Wala siyang ibang magawa kundi ang tumunganga at magbakasakali na bigla na lang niya itong makikita na naglalakad malapit sa tinitirahan niya. O kaya'y siya naman ang mapadpad sa lugar nito, at 'pag nangyari 'yun ay hindi na siya na siya papayag na layuan pang muli nito.
Bigla naman siyang napabalikwas ng higa nung makaisip siya ng ideya. Ayaw man niya sanang gamitin ang kanyang connection pero sa pagkakataong ito ay isasantabi niya muna ang pride niya. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang isang private investigator. Ipapa-background check niya ito. At least sa ganitong paraan man lang ay magkakaroon siya ng kaalaman tungkol kay Anne.
Sa ngayon ang kailangan niya lang gawin ay maghintay ng resulta.
•
Nakaupo si Anne sa couch sa napakalawak niyang living room at kasalukuyang nanonood sa mala-projector na laki ng kanyang TV. Walang emosyon ang mukha niya kahit na comedy naman 'yung pinapanood niya. Basta, wala siyang ganang ngumiti. Nung hindi naman siya nagandahan sa nakadisplay sa screen ay linipat niya kaagad ang channel. Browse lang siya ng browse hanggang sa in-off niya na lang ng tuluyan ang TV.
Binato niya sa isa pang couch ang remote at tumayo para mag-unat ng mga braso. Balik siya sa pagkatunganga pagkatapos. Bored na bored na talaga siya....
'Yung kapatid niya naman na ang tagal niya ng hinihintay ay hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam. Kaya wala siyang makausap. Wala siyang mapagsabihan ng mga kabaliwang nararamdaman niya para sa isang tao. Wala siyang mapagtanungan ng mga bagay na gumugulo sa kanya. Para siyang tinu-torture sa sitwasyon niya kasi kaunti na lang ay lalamunin na siya ng matindi niyang kalungkutan.
Nagbuntong hininga siya at naglakad papunta sa favorite spot niya sa kanyang bahay. Ang veranda.
Tumingala siya sa langit at puro ulap lang ang nakita niya. Hindi tulad nung mga nakaraang araw na puro bituin at may maliwanag na buwan. Ngayon, tila uulan pa yata. Pati ang langit ay nakikisabay sa lungkot na nararamdaman niya.
I wonder, what is he doing right now? Do I ever crossed his mind?
Mula sa kung saan ay bigla niyang naitanong sa sarili niya ang mga bagay na iyon. Nais niya itong kumustahin man lang pero mas lalo lang siyang sumimangot nung maalala niya na pinagbawalan niya na nga pala ang sarili niya na makipagkita pa ulit dito. Kahit na sa kaloob-looban niya ay gusto niyang masilayan ang maamo nitong mukha at gusto niya ulit marinig ang malalim nitong boses kahit sandali lang....
Linalaban siya ng konsensya niya na 'pag mas linapit niya pa ang sarili niya rito ay mapahamak lang din ito kagaya ng nangyari sa kaisa-isang taong minahal niya noon. Ayaw niya ng maulit pa 'yung nangyari na namatay ito dahil lang sa hindi siya normal. Dahil lang sa iba siya.
Kaya kahit na nahihirapan siya sa desisyong pinili niya ay pilit niya parin itong pinaninindigan.
•
Nung matapos na ang trabaho nila Billy, JM, at Vhong ay nagkayayaan naman ang mga ito na maglaro saglit ng basketball sa court.
Misyon nina Vhong at JM na kahit papaano ay pagaanin ang loob ni Billy dahil ilang araw na nila itong napapansin na ito'y madalas na balisa. Hindi ito nagsasabi ng problema sa kanila kaya dadaanin na lang nila sa laro ang pinagdadaanan nito.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...