Sa sinabi nga ni Coleen kanina lang ay napauwi tuloy si Billy upang magpalit ng damit at para na rin personal na masabi sa kanyang kapatid ang binabalak niya.
Saglit niya munang kinatok ang gawa sa kahoy na pinto ng silid nito at tsaka siya tuluyang pumasok.
Napatayo naman si Kenneth nang makita niya ang kanyang Kuya na naglalakad na palapit sa kinauupuan niyang kama.
"May lakad ka ba mamaya?" Paunang tanong nito at umupo na rin malapit sa tabi niya.
Saglit na tumitig si Kenneth sa sahig upang sandaling na isipin ang mga gagawin niya sa araw na ito, at pagkatapos ay tumingin na ulit siya kay Billy.
"Mamaya pang 7 pm. Bakit?" Sagot niya.
Nagbuntong hininga si Billy.
"Nagyayaya kasi si Coleen sa bahay nila. Birthday niya kasi pati na ang Ate niya. Gusto mong sumama? Okay lang naman kahit hindi." Kinabahan si Billy sa maaaring isagot nito sa kanya. Gayon pa man ay nakahanda na siya sa pagtanggi ni Kenneth. Siya na lang ang bahalang magpaliwanag kay Coleen mamaya.
"Okay."
Nanlaki ng wala sa oras ang mga mata ni Billy sa kanyang narinig.
"Okay? As in sasama ka?" Paninigurado niya pa.
Pagtango ng ilang beses ang itinugon ni Kenneth na talaga namang nagkapagpataka kay Billy. Ni hindi man lang nito pinag-isipan ang inaalok niya. The fact na ang bahay nila Coleen ang pupuntahan nila, so dapat parang magagalit o magdadalawang-isip pa ito 'di ba? Hindi man lang nagpakita ng hesitations ang kapatid niya.
"Sure ka talaga?" Hindi pa rin makapaniwala si Billy. Naisip niya rin na baka may balak itong gawin bilang ganti kay Coleen. Na huwag naman sana.
"Oo nga. Don't worry. Okay na 'ko." Batid ni Kenneth ang pangamba at pag-aalala sa mukha ng kanyang Kuya. Kaya naman siniguro niya na rito wala itong dapat na intindihin pa para sa kanya. 'Yun ang totoo. Maski nga siya ay hindi alam kung paano nangyari na nawala na lang ng ganun-ganoon na lang ang galit niya sa ginawa ni Coleen sa kanya eh. Basta ang natatandaan niya lang ay nag-usap sila tungkol sa bagay na 'yun, tapos, tapos na. Napatawad niya na lang ito bigla na 'di niya alam kung paano nangyari.
Hindi man agad mag-sink in sa sistema ni Billy ang mga salitang iyon, naniniwala pa rin siya na nagsasabi si Kenneth ng totoo. Kapatid niya ito at madali niyang nahahalata kung sinsero ba ito o 'di kaya'y nagloloko lang.
Mabuti naman kung ganun.... He thought."Well then, that's good to hear. I'm so proud of you." Buong galak na saad ni Billy kay Kenneth at hinawakan pa ang balikat nito.
Natutuwa talaga siya na nagawa na ring patawarin ng kanyang kapatid ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya. Tama nga ang tinatim niya sa isip niya noon na panahon lang ang kailangan at magiging maayos din ang mga ito, na wala na siyang dapat ipag-alala pa kung sakali mang magkaharap ang dalawang ito ng hindi inaasahan. Dahil maayos na pala ang lahat.
Sa mga nangyayari ay wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang sagot ni Coleen sa itatanong niya rito sa susunod pang mga araw.
.
.
.Pagkatapos ng sandaling pagdadrama ng dalawa, bahagya silang na-istorbo nang parehas nilang marinig ang mga yapak na nagmumula sa labas at mayamaya'y pa nag-door bell na.
Napatingin si Anne kay Coleen na bigla na lang napunta sa pintuan at pinagbuksan ang kung sino mang nasa likod noon.
Malawak na pagngiti ang agad na tumama kay Coleen nung bumungad sa kanya ang lalakeng kanina niya pa hinahantay na dumating.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...