"Isang lalake na naman ang natagpuang patay kaninang alas Sais ng umaga sa liblib na eskinita ng isang barangay sa Quezon City. Wasak ang leeg nito at butas din ang kanyang kaliwang dibdib kaya napag-alamang wala na itong puso.
Ang lalake ay nakilala sa pangalang Aldrix Ortinez dahil na rin sa mga I.D nito sa wallet niya. Hindi pa alam kung anong oras eksaktong nagawa ang krimen pero Walong oras na itong patay ayon na rin sa autopsy na ginawa rito. Sa ngayon ay wala pang suspek ang mga pulisya dahil walang CCTV sa bahagi ng eskinitang iyon at inaalam pa ang motibo ng krimen......"
Kasalukuyang nanonood ng balita sa T.V sila JM at Vhong sa sala ng boarding house na tinutuluyan nila.
"Nako, sunod-sunod ang mga nababalitang ganyan ah? Di kaya may gumagala ng aswang dito?" Kumento ni Vhong sa napanood niya.
"Aswang ka dyan? Kung meron mang aswang dito, ikaw 'yun." Pambabara naman agad ni JM sa kasama niya.
"Grabe ka tol! Ang gwapo ko namang aswang kung ganun."
"Ano kamo? Kwago? Kailan pa naging aswang ang Kwago?" - JM
"GWAPO hindi Kwago, bingi!"
Tinawanan lang ito ni JM at nagpatuloy sa panonood habang hinihigop ang kape niya. Narinig nila ang pinto na malapit lang sa kanila at tinignan nila 'yung lalakeng lumabas mula roon.
"Oh Brad, gising ka na pala. Kumusta tulog mo?" Tanong ni JM dito.
"Ah, okay naman." Sagot nito.
"Ikaw ba 'yung bagong boarder dito? Vhong nga pala." Tumayo si Vhong at inilahad ang kamay sa lalake.
"Billy. Nice to meet you bro." Sagot nung lalake at umupo sa isa pang upuan.
Kalilipat lang ni Billy sa maliit na boardinghouse na ito kagabi at si JM lang ang nakita niya na nandito kagabi kaya ito lang din ang una niyang naging kakilala at ngayon nandito naman si Vhong.
Tinignan niya kung ano 'yung nasa lamesa at nanibago siya na Pandesal at kape lang 'yung naroon. Iba 'to sa nakasanayan niya.
"Oh." Inabot ni JM ang isang mug sa kanya.
"Thanks." Sabi niya rito at kalaunan ay ininom na rin ito.
"So ano, bago ka ba rito? Dito sa lugar na 'to? Saan ka ba galing?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Vhong habang kumakain.
Hindi siya nakasagot agad dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.
"Um.....Ano, oo bago lang ako rito. Galing akong Cebu." Sagot niya at nahirapan pa siya sa pagsisinungaling dahil hindi niya napaghandaan 'yung mga ganitong klase ng tanong.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...