Chapter 81

81 2 0
                                    

[ Warning: Too much redundancy lfmao ]

Sa kalagitnaan ng usapan nina Billy at Kennth, hindi nila alam na kanina pa tahimik na nagmamasid si Cassandra, ilang metro ang layo mula sa bahay nila.

Habang pinakikinggan ang usapan sa pagitan nito at ng isa pang lalake ay 'di niya maiwasang mapangiti.

Pakiwari niya ay nagsisimula ng magpakita ang epekto ng ginawa niya kay Billy mahigit isang linggo na ang nakararaan bago siya umalis sa kumpanya nito. Reality check; hindi niya naman talaga gustong magtrabaho sa poder ng taong malapit sa babaeng bampira. Ngunit iyon lang ang naisip niyang paraan para makaganti sa ginawa nito.

*Flashback*

Unang araw ng pasukan kung saan excited na excited pa si Cassandra dahil ito rin ang unang araw na magkakasama na sila sa iisang school ng matalik niyang kaibigan na si Joseph.

Hindi lang dahil sa makikita niya na araw-araw ang lalakeng ito kaya siya masaya, kundi dahil mas magkakaroon na siya ng lakas ng loob na maipahayag ang nararamdaman niya para sa lalakeng ito.

Typical story ng dalawang matalik na magkaibigan; ang isa ay nahuhulog na para sa isa. At ganun nga ang set up nila.

Mag-school mate na sila pero hindi naman sila magkaklase kaya naman dinaanan niya agad ang hallway na malapit sa classroom nito para lang makasulyap sa pagmumukha nito kahit saglit lang. At ginawa niya nga. Pangiti-ngiti pa siya habang nakatitig sa maganda nitong mukha, subalit ang mga ngiting iyon ay unti-unti nang nawala nung mapansin niya na 'di man lang nito namalayan ang presensya niya sa labas ng silid. Ang masakit pa ay sa iba ito nakatingin, isang babae na unang tingin pa lang ay mukhang hindi gumagawa ng maganda.

Akala niya simpleng selos lang ang naramdaman sa babaeng iyon na napag-alaman niyang Coleen ang pangalan, ngunit higit pa sa inggit ang tumama sa kanya.....

Matapos ang klase ay pinuntahan niyang muli si Joseph sa classroom nito dahil  kahapon, bago pa dumating ang araw na ito ay inalok na agad siya nito na sumabay na sa kanya sa pag-uwi. Pinanghawakan niya 'yung bagay na 'yun upang mawala na 'yung pagkainis sa utak niya na may pinagkaabalahan ito na ibang babae. Subalit hindi niya na nakita pa si Joseph sa classroom o sa kahit saang sulok pa ng academy.

Ginamit niya ang malakas niyang pang-amoy mahagilap lang kung saan na ba naglagi ang lalakeng ito, hanggang sa mapadpad na siya sa isang bakanteng lote malapit sa school nila. Habang naglalakad ay palakas na ng palakas ang kabog sa dibdib niya sa 'di niya malamang dahilan. Palapit ng palapit ang amoy ni Joseph subalit kasunod din noon ang pagtindi ng kabang nararamdaman niya.

Bigla na lang siyang natigilan at ang mga senses niya ay bigla na lang din lumakas na para bang may kung ano'ng nilalang na nasa paligid.

Sumama ang pakiramdam niya na tila lalagnatin siya na 'di niya maintindihan. Basta hindi maganda.

Muli niyang inangat ang nakayuko niyang ulo. Ang kanyang paningin ay lumawak na mahigit sa 30 metro na ang sakop, mas malinaw pa kaysa sa kanina kung saan kitang-kita niya ang isang babae na nakatalikod at inaayos ang suot nitong damit na parang nagbibihis. Nang matapos ito ay lumingon na ito habang patingin-tingin sa paligid. Tila nagmamasid kung may nakakita ba sa ginawa niyang kung ano.

Bagay na iniisip ng mabuti ni Cassandra.

Nakatayo lang siya habang ang mga mata niya ay patuloy lang sa tahimik na panonood sa ginagawa ng babaeng ito. Nakaramdam siya ng takot nung mapansin niya na duguan ang halos kalahati ng mukha nito, partikular ang bibig nito.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon