Chapter 54

123 5 4
                                    

Isang gabi na may malamig na simoy ng hangin ang nagpapagalaw sa mga kurtina sa bintanang nakabukas sa silid ni Coleen.

Ang ganitong tagpo sana ang magpapalagay sa iba sa mahimbing na pagtulog, pero hindi sa kanya.

Pawis na pawis siya at 'di mapakali sa pagkakahiga.

Nagbukas ang pintuan. Kinuha siya ng isang lalake palayo sa kanyang Ina, at ang iba pang lalake ang mahigpit na humawak sa mga braso nito.

Sigaw siya ng sigaw para bitiwan na siya at ang kanyang Mama ng mga hindi kilalang taong ito, ngunit walang nakinig.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari at matinding takot ang bumalot sa kanya ng mga oras na iyon. Ang nagmamakaawawang mukha lang ni Teresa ang kanyang tinitignan hanggang sa mailayo na ito ng tuluyan sa kanya.

Sa liit ng kanyang katawan ay nahirapan siyang makawala sa mahigpit na kamay ng isang lalake na nakagapos sa kanya. Ang utak niya ay unti-unti nang mapuno ng inis at galit sa ginagawa ng mga ito.

Mas lalo siyang nagpumilit na pumiglas nung mapansin niya na itinatali na ang kamay ng walang kalaban-laban niyang Ina at itinapat sa isang malaking baga na may nagniningas na apoy.

Alam niyang hindi na maganda ang nangyayari at sa huling pagkakataon ay nakiusap siya sa mga ito na tigilan na ang kung ano mang ginagawa nila bago pa siya makagawa ng hindi maganda. Subalit tulad kanina ay hindi na naman siya pinakinggan.

Ilang segundo lang ang nagdaan ay ang mundo niya'y bigla na lang huminto nung makita niyang walang-awang sinaksak sa dibdib si Teresa. Pakiramdam niya ay siya rin ang natarakan ng matulis na kutsilyong iyon dahilan para mahirapan siyang makahinga.
Dahandahan siyang pinapatay nang mapanood niya pa kung paano itinulak ang katawan nito sa nagbabagang apoy.....

Napadilat si Coleen ng wala sa oras at tumingin sa kawalan habang ang kanyang puso ay malakas na kumakabog sa dibdib niya.

Isang masamang panaginip na naman ang gumising sa kanya. Bagay na ilang buwan na rin ang nakararaan mula nung huli niyang maranasan.

Bumangon siya at pinunasan ang kanyang pisnge na basang-basa na ng pinaghalong pawis at luha.

Hanggang ngayon sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang masalimuot na pangyayaring iyon, na hindi niya naman gustong alalahanin pero kusa siyang binabalikan maging sa panaginip.

Tila nagpapahiwatig ito sa misyon niya na dapat matagal niya ng tinapos. Masyado lang talaga siyang nabusy kung kaya'y nakaligtaan niyang singilin ang mga may malaking pagkakautang sa kanya.....

She shook her head all of a sudden. Sa ngayon hindi niya muna dapat isipin ang tungkol sa bagay na iyon.

Tumayo siya para magbihis at mabilis na tumakbo patungo sa bahay ni Billy. Dating gawi; tinalon niya ang balcony nito na palaging naiiwang nakabukas. Pabor naman sa kanya kung tutuosin, kaya wala ng dapat pang ikareklamo.

Pagpasok niya sa silid nito, siya na ang nagsara sa dapat kanina pa nakasarang pintuan papunta sa balkunahe. Matapos noon ay marahan siyang naglakad palapit sa kama kung saan mahimbing nang natutulog ang kanyang kasintahan.

Hinaplos niya ang magandang mukha nito dahilan para bigla itong magmulat ng mga mata.

Isang malungkot na pagngiti ang ibinungad niya sa gulantang naman sa pagkagulat na si Billy.

"Coleen?" Naalimpungatang tanong nito sapagkat hindi ito sigurado kung nananaginip lang ba siya sa kanyang nakikita o ano.

"Hi." Sagot naman ni Coleen at doon ay napabangon na ng tuluyan si Billy.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon