Tulad ng nangyari nung unang pagkikita nila ni Billy, hindi rin inabot ni Coleen ang kamay ng babaeng iyon at hinayaan niya lang na mangawit ito sa kakahintay sa pag-approach niya.
Matapos silang maipakilala ni Billy sa isa't isa ay isa lang ang nasambit niya;
"Alis na tayo." Maikling saad niya at walang anu-ano'y lumabas na ng hindi man lang hinihintay ang tugon ng kanyan kasama.
Nagulat si Billy sa biglaang inakto nito at wala naman siyang nagawa kundi ang sundan ito.
"Excuse me." Ang tanging naiwika niya sa kanyang sekretarya at agad ding umalis para lang mahabol si Coleen.
Pagngisi ang agad na naging reaction ni Cassandra sa ginawa ni Coleen. Madali lang pala matakot ang babaeng katulad niya eh, malayong-malayo sa inaasahan niya.
"What a scared blood sucker."
"Coleen." Malakas na pagtawag ni Billy sa kanyang kasintahan na ayaw naman magpapigil sa kakalakad. Hindi niya talaga maintindihan kung ano na ang nangyayari rito.
"Sandali." Kung hindi pa siya tatakbo ay hindi sana maaabutan ni Billy si Coleen.
Nahinto ang babaeng 'to nung hinablot na ni Billy ang braso niya.
"What happened? Akala ko ba gusto mo roon?"
"Fire her."
Tumaas bigla ang kilay ni Billy sa isinagot ni Coleen sa kanya.
"What?" Tanong niya, baka sakaling nabingi lang siya sa kanyang narinig mula rito.
"I said fire her!" Madiing pag-uulit ni Coleen sa kanyang sinabi at kitang-kita na naman ang nagliliwanag niyang mga mata na minsan ng nagpasindak kay Billy, na sinubukan pa ring pahupain ni lalake.
"Bakit naman? You know that I can't do that. Hindi ako pwedeng magtanggal ng tao lalo na kung wala namang sapat na dahilan." Kalmadong pagkakasaad niya at piniling hindi sabayan ang galit ni Coleen na hanggang ngayon ay 'di niya pa rin alam kung saan galing.
Ngunit walang balak na makinig si Coleen sa punto nito.
"Ayaw ko sa kanya! 'Yun ang dahilan."
Okay. Until now ay hindi makuha ni Billy ang pinuputok ng ego ni Coleen.
"Unang kita ko pa lang sa kanya nung magkausap kayo, nakakapang-init na ng ulo! The way she spoke, the way she looked at you, and the way she looked at me, seems like there is something. In short, her vibes make me cringe. So I suggest that you better get a rid of her. And that's final." Dugtong pa ni Coleen na kanina pa parang umuusok ang mga butas sa ilong, hindi na maipinta ang mukha, at humaba na rin ang nguso. Inis na inis talaga siya sa babaeng iyon! Mukha pa lang nakakabanas na eh!
Pasimple namang ngumisi Billy sapagkat ang dating sa kanya ay tila nagseselos ito. Lumabas din sa wakas ang totoo.
"Ah! You don't want me to be near with her because you say so? Because you're jelous."
Agad na pumihit ang nagsusungit na mukha ni Coleen sa sinabi ng isang 'to.
"Are you fucking stupid? 'Yung babaeng iyon pagseselosan ko? Hah! We're not even in the same level. Kaya huwag kang mag-feeling." Ang kabastusan ng bunganga niya ay umaatake na namam.
Actually that was below the belt. Mapagbiro ang naging tono ni Billy para man lang mapalamig ang kumukulong dugo sa katawan ng babaeng ito, subalit hindi ganun ang nangyari. Masyadong pikunin si Coleen para sakyan ang pang-aasar niya. Gayon pa man 'di naman niya hahayaan na ipagpabukas pa ang pagta-tantrum nito at baka mas lalo lang lumala 'pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...