Marami nang naiinom na alak pero hindi pa nalalasing ang dalawa sa ginagawa nila.
Nung una ay ayaw pa ni Anne na subukang magsayaw at makisabay sa beat ng music sa paligid. Ngunit gumana ang mga pang-uudyok ni Coleen sa kanya kaya ang resulta; kahit saang bahagi siya ng club dalhin nito, hindi siya tumanggi.
Sabay silang sumayaw na parang wala sa kanilang mga sarili at nakipag-flirt sa kung sino mang matipuhan nilang dalawa. In a sense na pakikipag-usap gamit ang mga words at tingin na may halong kaunting landi ngunit hanggang doon lang. Only verbals, walang kasamang pisikalan.
Ang papangit naman kasi ng mga lalake kaya nakakawala ng gana na patusin.
Nagtatawanan silang bumalik sa bar nung nagsawa na sila sa kakasayaw at halos maikot na rin kasi nina Anne at Coleen ang bawat sulok ng sa kaharutan nila.
"You're a free spirit tonight huh? And I like it." Nakangiting papuri ni Coleen pagkaupo na pagkaupo nilang dalawa.
Masaya talaga siya na nakasama niya ang kapatid niya sa isa mga kalokohan niya. Kaunting push na lang talaga ang kailangan.......
"Hmf! Bolera." Saad naman ni Anne na nahawa na sa palagiang pagngisi ni Coleen.
Kinuha niya ang baso na ibang alak naman ang laman at saglit na hinalo ito sa pamamagitan ng marahang pag-alog sa glass.
Nag-smirk na naman si Coleen pagkakita niya sa ginagawa ni Anne at nakangiting ininom ang laman ng sarili niyang Lowball glass. Sa totoo lang kanina pa siya inom ng inom pero parang wala ng epekto ang Tequila sa kanya 'di tulad nung una niya itong natikman.
Oo, sabi niya noon ay hindi na siya ulit iinom pa at magpapakalasing. Ngunit si Anne naman ang kasama niya kaya okay lang. Kung tipsy man silang uuwi, mas maganda.
Sa kabilang banda, hindi pa naman talaga ganun kapagod si Billy, at sawa na siyang uminom ng mag-isa sa kanyang bahay kaya naman naisipan niyang magbar-hopping muna. Tutal ang tagal na rin nung huli siyang lumabas para mag-unwind.
Pinagmaneho niya na rin ang sarili niya dahil nahihiya na siyang abalahin pa si JM, maaga pa kasi siyang ihahatid nito kinabukasan. At isa pa ay kayang-kaya niya namang magdrive ng mag-isa eh.
Ilang blocks na lang ang layo niya sa mismong bar na kanya pupuntahan nung mahagip ng kanyang mga mata ang kanpansin-pansing kulay dilaw na Hammer na nakaparada sa parking lot ng isang club na katabi lang din mismo ng pub na pakay niya.
Una niyang naisip si Anne sapagkat ito lang naman ang nakitaan niya na may ganoong kulay at klase ng sasakyan sa Maynila. May posibilty na nandoon nga si Anne sa loob ng club na iyon at maaaring kasama nito si Coleen. Hindi naman kasi ugali ni Anne ang magpunta sa mga gimikan kaya baka nahatak lang ito ng kapatid nito.
Gayon pa man ay walang kasigurohan na nasa loob nga ang magkapatid ngunit itinabi niya pa rin ang dala niyang kotse, bumaba at nagtungo nga sa club imbis na sa bar. May alak din naman doon kaya ayos lang, pareho lang naman eh.
Iginala ni Billy ang kanyang paningin sa buong paligid pagkapasok niya at walang anu-ano'y nahuli agad ng kanyang paningin ang kapansin-pansin na itsura ng dalawang naggagandahang dilag na halatang kakatapos lang magsaya dahil nagtatawanan pa ang mga ito habang pababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag ng establishment at patungo naman sa kung saan.
Tama ang hinala niya na nadoon nga sina Coleen at Anne kaya wala na siyang sinayang pang sandali at pilit na sumingit sa napakaraming tao masundan lang sila.
Bahagya siyang nahinto nung naabutan niya na umiinom na naman si Coleen. Ang unang pumasok sa utak niya ay paano kung malasing muli ito tulad ng nangyari dati at bigla na lang din manghalik ng kung sino-sino? And worst ay baka hindi lang iyon ang mangyari! Mabuti sana kung siya ulit 'yung makakasalubong nito 'pag naganap 'yun eh.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...