Kahahatid lang ni Billy kay Anne sa bahay nito matapos ang naging date nila ngayong gabi at kasalukuyan naman siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Tinatahak na niya ang may kadiliman na daan sa lugar nito nang mahagip ng headlight sa kanyang sasakyan si Coleen na pasuray-suray maglakad.
Sa pag-aalala na mayroong nangyayaring hindi maganda ay hininto niya agad ang engine at lumabas siya sa kotse para lapitan ito.
"Coleen okay ka lang?" Tanong niya at hinawakan niya ang mga balikat nito para umalalay na hindi ito biglang bumagsak sa sahig.
Saglit pa siyang natigilan nung mapansin niya na may mga pulang patak-patak na naging dumi sa uniform nito na halatang mantsa ng dugo at amoy alak din ang babaeng ito.
Nag-smirk si Coleen pagkakita niya kay Billy at pilit na ginalaw ang mga balikat niya para maalis sa pagkakahawak nito.
"It's none of your business if I'm not." She hissed.
Akmang magpapatuloy na sana si Coleen sa paglalakad ngunit hindi pa rin siya hinayaan ng lalakeng ito na makaalis kaya nagsalubong ang mga kilay niya sa ginawa nitong pagharang sa daraanan niya.
"Tabi!" Masungit na sabi niya pa, hindi niya alintana ang pagkahilo dahil sa kalasingan basta makalayo lang sa lalakeng ito.
Samantalang si Billy, kahit na may palagay siya na mayroon nabiktima si Coleen dahil na rin sa mga bakas ng dugo sa katawan nito ay hindi siya nakaramdam ng kahit anong takot na baka siya naman ang mapagdiskitahan nito. Bagkus ay mas nangibabaw sa kanya ang malasakit at sa kalagayan nito, hindi niya naman pwedeng hayaan na lang na maglakad ito ng mag-isa ng pagewang-gewang. Baka mamaya niyan ay 'di na ito makaabot pa sa bahay ni Anne at sa labas na lang magpalipas ng gabi sa sobrang kalanguan nito sa alak.
Ngayon niya lang nalaman na nalalasing din pala ang mga katulad nila. Ibang-iba talaga sa mga alam niyang katangian ng bampira.
Magaang ipinatong ni Billy ang braso niya sa balikat ni Coleen at dahandahan itong inilakad patungo sa nakaparada niyang sasakyan, na agad namang pinigilang mangyari ni Coleen.
"Where the hell are you trying to take me?" Nakayuko at aktong babagsak na sa sahig pero masungit pa rin na tanong ni Coleen. Nakainom man o hindi masungit pa rin siya.
"Coleen ihahatid na kita sa harap mismo ng pinto ng bahay niyo. Gusto lang naman kitang tulungan." Sinserong saad ni Billy at 'yung kamay niya ay sa waist naman ni Coleen nakasuporta, hindi niya kasi pwede talagang bitawan ang babaeng ito sapagkat kaunti na lang ay matutumba na 'to.
"Gusto mo 'kong tulungan?" Pakurap-kurap na tanong ulit ni Coleen na nagpatango naman agad kay Billy.
Dumistansya si Coleen ng ilang hakbang at pinilit na tignan ang mukha ni Billy sa kabila ng hindi magandang lagay ng katawan at isip niya ngayon.
Bahagya siyang ngumiti at sinabing;
"Sige tulungan mo 'ko. Tulungan mo 'ko na kalimutan ka kasi 'yun naman ang ginawa mo sa'kin 'di ba?"
Natulala sa pagkalito si Billy sa sinabi ni Coleen. Kinalimutan siya? Ano'ng ibig sabihin ng isang 'to?
"Ganun na lang ba 'yun Billy? Isang kumpas niya lang sa'yo inalis mo na agad ako sa alaala mo?"
Linapitan ni Billy si Coleen kahit na nagtataka pa rin siya sa sinasabi nito dahil bigla na lang itong tumingin sa sahig at may narinig na rin siyang paghikbi mula rito. Pakiwari niya ay umiiyak na ito. Pero bakit naman? Ano ba'ng ginawa niya para masaktan ito ng ganun-ganoon na lang?
"Pag-usapan na lang natin 'to kapag okay ka na. Sa ngayon kailangan mo ng umuuwi." Wika pa niya habang hinihimas-himas ang likod nito. Tinulungan niya na rin itong makatayo.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...