Ilang oras ang nakalipas mula sa maayos na pagtulog, naunang nagmulat ng mga mata si Coleen.
Bumaling siya ng higa sa gawing kaliwa kung saan nakahimlay si Billy at hindi niya napigilang ngumiti sa nasilayan niyang itsura nito na mahimbing na nagpapahinga at may kasamang paghilik pa.
Gayon pa man ay nakaisip siya agad ng kalokohan. Kinuha niya ang phone niya at sinamantalang kuhanan ito ng mga pictures habang walang kamalay-malay si Billy sa naging istura niya.
Iba't ibang wacky pose ang ginawa ni Coleen, samantalang ang lalakeng ito naman ay puro nakangangang postura lang ang nasa mga litrato. Pero ilang sandali lang ay tumihaya na ito at nakasara na ang bibig ni Billy kung saan gwapo na ulit ang dating nito kahit tulog pa. Kaya sa huling larawan na kinuha ni Coleen, linapit niya ang kanyang mukha sa mukha nito, ilinagay ang mga hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang kanang tainga para hindi maharangan ang profile niya sa camera ng phone.
Nung makahanap na siya ng tamang pagkakataon, linapat niya ang kanyang bibig sa nang-uudyok na mga labi nito. Napicturan niya naman na 'yung pakay niya, ngunit hindi siya nakuntento at inulit pa ng inulit ang pagnanakaw ng halik kay Billy, sa pagkakataong iyon ay wala ng camera. Ini-enjoy niya na lang ang chance na hindi aware ang boyfriend niya.
Smooch. Smooch. Smooch. Sa ikaapat na beses niyang paglapag ng mga labi rito, bigla siyang napadilat sa gulat nung maramdaman niya na may palad na nakapatong sa ulo niya kung kaya't 'di niya agad naiangat ang kanyang ulo palayo sa mukha ni Billy.
"Mmmm......" He suddenly groaned and stopped the kiss.
"Seems like someone was stealing a kiss from me." Mapang-asar pero nakangiting saad pa nito pagkatapos niyang mahuli ang ginagawa ni Coleen.
Sa pagkapikon naman ay nahampas ng babaeng ito ang braso niya na agad niyang ininda dahil ang lakas talaga ng pagpalo nito.
"Aray!"
Nagtaka naman si Coleen sapagkat mahina lang naman ang ginawa, ngunit sa naging reaksyon ni Billy ay tila mali ang nasa isip niya. Gayon pa man, hindi pa rin siya nagsorry at ibinaling na lang sa ibang direksyon ang paningin niya upang makaiwas sa pagkaguilty.
It was his fault. She thought.
Mabilis namang nawala ang pisikal na sakit na dinadaing ni Billy sa pamamagitan ng paghimas sa bahaging tinamaan ng mabigat na kamay ng babaeng ito.
Bagamat napagbuhatan siya ng kamay nito, 'di pa rin niya nakalimutang ngumiti sa magandang pagbungad sa kanya nito sa kabila ng panghahampas na natanggap niya. Bumangon siya para kausapin ito.
"Ito naman, syempre biro lang 'yun." Wika niya pa at yinakap ito mula sa tagiliran.
Pero sa totoo lang ay kinikilig siya sa mga pasimpleng paraan ni Coleen ng paglalambing sa kanya. Ewan niya kung bakit ito laging naiinis sa tuwing inaasar niya ito eh. Natutuwa lang naman talaga siya sa mga ginagawa nito, masama ba 'yun?
Oh wait, nakalimutan niyang pikunin nga pala ang girlfriend niya, at may mood swings pa.
"Bakit ba ang hilig mong mang-asar?" Masungit na tanong bigla ni Coleen at naka-crossed arms na rin.
Mahirap bang intindihin na nakakadagdag lang sa hiya ang pang-aasar? Tss!
Hindi pa rin bumibitaw si Billy sa pagkakayakap niya kay Coleen at pinatong niya pa ang baba niya sa balikat nito upang mas makita pa ng maigi ang nakaside-view nitong mukha.
"Ang cute mo kasing maasar eh." Seryosong tugon niya pa rito subalit 'yung maaliwalas niyang aura ay nandoon pa rin.
Sa halip na masiyahan o kiligin man lang sa sinabing iyon ng kasintahan, ay pagkunot ng noo ang naging kumentaryo ni Coleen at humarap dito para ipakita ang masama niyang tingin.

BINABASA MO ANG
BITER
De TodoA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...