Chapter 72

128 4 1
                                    

Nang makarating na ang dalawa sa pagdarausan ng date nila, inalalayan ni Billy si Coleen habang humakbang ito sa isang plane na nagsisilbing tulay ng fort at ng yate.

"You own this?" Ito ang unang lumabas sa bibig ni Coleen habang patingin-tingin sa paligid. Pagkamangha ang nakasulat sa kanyang mukha dahil sa mala-barkong laki ng 200 meter mega-yacht na kinalalagyan nila.

Pagtango lang ang tanging naitugon ni Billy sapagkat mas iniintindi niya ang nakakatuwang reaksyon ni Coleen sa nakikita nito. Actually, isa lang ito sa apat na yateng pag-aari niya sa yacht club na kinaroroonan nilang dalawa. Pinili niya na lang na hindi na ipagpalandakan pa kasi hindi niya naman ugali ang pagyayabang kung ano ang mayroon siya.

"You liked it?" He asked with a beam as held her hand tightly.

"Uh-huh...." She responded with a hum. Amusement was written on her gaze.

Ngayon lang talaga napagtanto ni Coleen na ang yaman pala talaga ng boyfriend niya. Well, she was not completely surprised though. Namamangha lang talaga siya sa nakikita ng mga mata niya. Ito rin kasi ang unang beses na makasakay siya sa isang luxury yacht kaya marahil ay ganito na lang ang naging reaction niya.
Sa kagustuhang malaman ang bawat parte ng malaking banka ay isa-isa itong sinuri ni Coleen, at wala siyang pakialam kung magmukha man siyang ignorante kay Billy.

Magmula sa lounge areas kung saan may entertaining facilities including a large gymnasium, well-being center, sauna and steam rooms, at indoor cinema. Sumunod naman ang mga cabin na labing-pito ang lahat ng bilang kaya hindi niya na natignan lahat sa dami; pahapyaw na tingin na lang kumbaga. Tapos ang helm ay dinaanan niya rin na nung una ay gusto niya pa sanang paglaruan, ngunit pinili niyang magmasid na lang dahil nahihiya na talaga siya ibang crew at pati na rin Captain na kanina pa nakatingin sa kanya.

Halos lahat talaga ng makita niya ay chini-check niya habang si Billy naman ang nagmistulang tour guide sa kaka-introduce at pagpapakilala kay Coleen ng mga bagay na mahagip ng mata nito. Tanong ito ng tanong, samantalang siya ang matiyagang sumasagot sa katanungan nito.

Kahit na malawak masyado ang bawat pasilidad ng yate para sa kakulitang taglay ni Coleen ay 'di ito inintindi ni Billy. Para kasi talaga 'tong bata at tuwang-tuwa siya na pinapanood ang cute na reactions nito.

Nang mapagod na sa kakaikot ay naglagi na sila maindeck na may outside swimming pool at naupo sa mahabang couch na katapat ng private penthouse na tutulugan nila ngayong gabi.

Si Billy ay komportableng nakasandal sa sofa na kinauupuan, habang si Coleen naman ay nakahilig sa katawan niya't ang ulo'y nakapahinga sa kanyang balikat. Dahil sa payapa nilang paglalayag sa dagat at nasa deck pa sila, kasunod naman noon ang pag-ihip ng hangin na kanina pa kinaiinisan ni Coleen. Linilipad kasi ang bistida niya kaya kada buga ng hangin ay todo tiklop siya ng dulo ng bistida sa kanyang mga binti. Medyo nakakawala tuloy ng poise.

Sa pagsasawa sa ginagawa niya ay kumuha na siya ng isang unan maipangtabing lang sa hita niya, at ayon, effective naman.

Pasimpleng pang-ngiti naman ang inakto ni Billy sa ginawa ni Coleen, subalit ang umis na iyon ay agad napalitan ng pagngisi nung bigla siyang tinignan ng masama nito. Nagtataka man kung ano'ng meron at tumalim ang tingin nito sa kanya ay hindi niya pa rin inalis ang masaya niyang itsura.

"Bakit ba kasi pinagsuot mo 'ko ng ganito?" Ang pagkaasar ay bakas na sa tono ng pananalita ni Coleen na ikibit-balikat ng lalakeng ito at nakuha pang tumawa. Kaya mas lalong lumaki ang mga butas ng ilong ni Coleen.

"Wala lang. Gusto lang kitang makita na nakadress." Nakatawang-saad pa ni Billy na ikinasalubong pa lalo ng kilay ng girlfriend niya. Doon ay naisip niyang nagiging pikon na naman ito.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon