Nakalubog na naman ang araw nang makauwi na si Coleen mula sa napakainit na gabi na pinagsaluhan nilang dalawa ni Billy sa loob ng cabin sa yate nito.
Kahit ilang beses na siyang ng napapaliligaya ng lalakeng ito sa maraming paraan, hindi pa rin siya nagsasawa; 'di niya naramdaman na may kulang, sa palaging pag-intindi nito sa kanya, at sa walang patid at walang kundisyon na pagmamahal na binibigay ni Billy ay kontento na talaga siya sa kung anong meron siya.
Lalo na't ngayong ikakasal na sila, pakiramdam niya wala na talagang makakapag-hiwalay sa kanilang dalawa. Okay na ang lahat kaya ano pa ba ang dapat niyang intindihin?
Nothing but him!
Ang matinding kasiyahan sa napakaayos na takbo ng relasyon niya sa kanyang kasintahan ay makikita sa kanyang mukha. Pagkabukas niya sa pinto ay hinanap agad ng kanyang mga mata ang babaeng iniwanan niya rito upang sabihin ang magandang balita."Anne?" Sa pagkasabik ay sa pintuan pa lang tinawag niya na ang pangalan nito.
Agad na napaangat si Anne ng kanyang ulo galing sa pagiging problemado dahil sa nangyari kagabi, at mabilis na linapitan ang nakababatang kapatid.
"Andyan ka pala! You know--" Hindi na natapos pa ni Coleen ang sasabihin ng bigla na lang siyang yinakap ng mahigpit ng Ate niya, na sa totoo lang ay mas nakadagdag pa sa kasiyahang bumabalot sa buong pagkatao niya.
"How are you? Are you all right? Wala namang gumambala sa pagbalik mo rito 'di ba?"
Tumaas ang isang kilay ni Coleen sa tila pang-uusisa ni Anne sa katawan niya na para bang may mali rito.
"Oo naman." Kunot noo niyang sagot dito habang ang isip ay nagtatanong pa rin kung bakit ito ganito. Ang nangyari kagabi na paglabas nila ni Billy ay hindi naman unang beses kaya ano'ng inaakto nito?
Bahagyang nakahinga si Anne ng maluwag sa nasiguro niya.
"Mabuti naman." Saad niya pa.
"Ano ba kasing problema mo?" Ang pagsasalubong ng mga kilay ni Coleen ay nadoon pa rin.
"W-wala. Na.....Na......Namiss lang kita." Pagdadahilan naman ni Anne upang hindi na ito magtanung-tanong pa.
Mukhang maayos namang nakabalik si Coleen sa kanya, kaya pinilit niya ang sarili na huminahon at ituon ang iniisip sa ibang bagay.
Samantalang pagsingkit ng mga mata ni Coleen ang unang naging reaksyon niya sa palusot ng babaeng 'to. Tila may kung ano'ng gumugulo rito eh, pero sa ngayon ay mas nangingibabaw ang pagkatuwa sa kanya kaya naman tinanggap niya na lang ang katwiran nito.
"Hmmm....Umiiral na naman ang kadramahan mo." Pang-aasar niya pa habang nakangisi ng malapad.
Kahit papaano ay nahawa ulit si Anne sa pagkurba ng mga labi nito habang pilit na isinasantabi ang mga pangamba sa loob niya. Gusto niyang balaan ang kanyang kapatid sa mga nalalaman at nararamdaman niya subalit alam niyang pagkatapos noon ay magagaya lang ito sa kapraningang mayroon siya ngayon.
Ayaw niyang makaramdam ito ng takot katulad niya, at hindi niya rin gusto na makagambala sa matiwasay na damdamin nito na halatang dulot ng totoong kasiyahan. Kung ano man ang gumugulo sa kanya ay sasarilihin niya na muna.
"Look." Buong galak na utos ni Coleen habang pinapakita ang 24 K Princess cut diamond ring sa daliri niya na.
"Wow!" Namangha si Anne sa kanyang nasilayan sapagkat nangyari na nga; nagawa na nga ni Billy ang binabalak nito sa kapatid niya na alukin ito ng kasal matapos nitong humingi ng permiso sa kanya. Pero mas nakaka-amaze talaga 'yung kislap sa mga mata ni Coleen na kasing kinang ng bato sa singsing na suot nito. Bagay na mas mahalaga pa kung ano pa man.
"I'm so happy for you." Anne commented. Gladdness was all can be heard on her tone and on her gaze.
She embraced her sister. Her way of expressing her blissfulness for Coleen's good fortune in love--the thing that she doesn't have.
Dama ni Coleen ang sinseredad sa sinasabi ng mas nakatatanda niyang kapatid at batid niya rin na maasaya talaga ito para sa kanya nung una pa lang. Palagi siya nitong pinapayuhan na pangalagaan kung ano man ang mayroon siya at kasama na roon ang boyfriend niya.
Ang isipin palang na naging kasabwat ito sa mga pinaplano ng lalakeng iyon ay sobrang malaking bagay na para sa kanya. Tanaw na tanaw niya ang kasiyahan nito para sa kaligayahan niya.
"Magpapakasal ka na........So ano ng plano mo sa pag-aaral mo?"
Hindi agad nakasagot si Coleen kahit na alam niya naman na ang itutugon sa tanong na iyon. Gustong-gusto kasi ni Anne na makapagtapos siya ng pag-aaral maski pa 'di talaga iyon ang priority niya nung pinuntahan niya ito. Subalit kailangan niya rin namang magdesisyon para sa sarili niya dahil hindi na siya bata--may pagkakataon siyang umayaw o tumigil sa lahat ng ginagawa niya.
"We are rich. So I don't have to work for my living, right? Then I opt to stop. College is not for someone like me." She retorted as she looked straight into Anne's profile.
Handa na siya sa pagdadalawang-isip ng kapatid tungkol sa desisyon niya, subalit ang pag-umis nito ay naghatid sa kanya ng ibang pakahulugan.
"Okay. Kung iyan gusto mo, susuportahan kita." Saad nito na talaga namang nagpagaan sa loob niya. At least, kahit ngayon lang ay 'di ito tumutol o nagbigay ng kumentong salungat sa nais niyang mangyari. Susuportahan daw siya nito? Ayos 'yun!
Sa kabilang banda, napagtanto ni Anne na marahil ay mas mabuti ngang huminto na lang ito sa pag-aaral dahil kahit papaano ay mababantayan niya ito. Mapoprotektahan niya si Coleen laban sa mga kaaway na maaaring nagkalat lang sa paligid. Lalo na ngayong may nakapasok na sa balwarte niya, kailangan niya talagang pag-igihan ang pagmamasid at pag-aalaga sa walang kamalay-malay niyang kapatid.
•
Maghahating-gabi na nang makalabas si Billy ng kanyang opisina dahil sa patong-patong na trabahong kailangan niyang harapin hatid ng palagian niyang pag-skip at pagkansela sa mga ito nitong mga nakaraang araw.
Kaya ang resulta ay dinagdagan niya na lang ang oras na ilinalagi niya sa pag-aasikaso sa mga ito. Tingin niya pa nga ay mas madagdagan pa ang mga gawain niya gayong aatupagin niya pa ang paghahanda sa nalalapit nilang kasal ni Coleen.
Subalit ang isipin ang pangyayaring iyon ay hindi pahirap para sa kanya, bagkus ay kasabikan ang hatid sa kanya nito. Dahil malapit ng maganap ang pinakaaasam niya na makasama si Coleen ng pang-habam-buhay.
Pakiramdam niya talaga wala ng makapaghihiwalay sa kanilang dalawa. Everything was doing really well.
Naglalakad na siya sa basement ng building nila sapagkat doon nakaparada ang sasakyan niya. Papasok na sana siya sa loob ngunit naalintana siya ng pagkagulat nung bigla na lang may humawak sa kanyang balikat.
Hinarap niya ito at mayamaya'y nawala na ang kaba niya sa kanyang nakita.Ngumiti siya.
"Ikaw pala." Saad niya sa babaeng kanyang kaharap. Ngunit ang ngiti niya ay unti-unting naglaho nang makaramdam siya ng kirot mula sa paghawak nito sa kanya.
"Cassandra?" Bigkas niya ng pangalan ng kanyang sekretarya bilang tanong kung ano'ng ginagawa nito sa kanya 'pagkat bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nanlabo rin ang kanyang paningin at ilang sandali lang ay tuluyan na siyang bumagsak sa sahig.
Ngumisi si Cassandra nang masiguro na wala ng malay si Billy habang nakahandusay sa lapag. Naghantay pa siya ng tamang panahon eh ganun lang pala kadali 'yun.
Well, natutuwa pa rin siya dahil pagkatapos niyang magtiis ng matagal ay nagawa niya rin ang binabalak niya kay Billy.
She turned around while licking her blood-stained nails. Then she started to walk away before anyone could see her. She left her Boss there, unconcious, and she flashed her fangs with her yellow iris.
Kaunti na lang talaga, matitikman din ni Coleen ang ganti niya. Ilang araw lang ay magbubunga na ang ginawa niyang ito.
"And I can't wait for that to happen!"
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...