Halos tatlong oras na lang ay ganap nang magtatanghali ng maisipan ni Anne na lumabas na mula sa kanyang silid at uminom ng may pagkamalagkit at malamig na likido tulad ng lagi niyang ginagawa kapag gumigising siya.
Pababa pa lang sa hagdan ay nakalanghap na siya agad ng mabangong pagkain na may pinaghalong melted butter at mapple syrup. Pati ang aroma ng bagong brewed na kape ay nanunuot sa kasulok-sulukan ng sensitibo niyang ilong.
Nang matunton niya ang kusina ay si Coleen ang naabutan niya na sakto namang kakatapos lang maihanda ang pancakes sa mesa at isang malapad na pagngiti ang binungad sa kanya.
"Good morning." Masayang bati pa nito na agad nakapagpa-umis kay Anne na mayamaya'y naging makahulugang pagtingin sa kanyang kapatid.
"Ano'ng meron at naisipan mong maghanda ng almusal?" Tanong niya pa na may malambing na tono at tsaka umupo.
Nakakapanibago kasi. Wala sa itsura ni Coleen ang mag-effort para sa kakainin nila tuwing umaga tapos ganito? Hmmmm....... Kagabi pa ito ah? Mukhang may himala talagang nangyayari.
Pagngisi ni may halong hiya ang unang naging reaksyon ni Coleen sa mapagmalisyang pahayag ng kapatid, na kalaunan ay hinanapan niya agad ng palusot.
"Bakit? Masama bang gawin 'yun?" Umupo siya sa tabi nito.
"And besides, it's one of my ways of saying thank you." Dugtong pa niya na mas ikinahiwaga pa ng utak ni Anne sa tinutukoy nito.
"For what?" Nakangiti niyang pag-usisa rito.
"Thank you kasi palagi kang nandyan lalo na kapag kailangan kita. Hindi mo ko pinabayaan kahit masama ang ugali ko. At minsan kahit na nasasaktan na kita ay iniintindi mo pa rin ako. So I thank you for that, for everything. I'll say this for once but, you're the best sister that I could ever have." Seryosong paglalahad ni Coleen ng nakatingin lang sa pagkaing nakahain sa harapan niya. Nahihiya pa rin kasi siya na sabihin iyon sa kapatid niya ng mata sa mata.
Natulala naman si Anne pagkatapos nitong magsalita. Hindi siya makapaniwala na manggaling mismo sa bibig ni Coleen ang mga salitang iyon. Nakakapanibago. Hindi siya sanay na maging vocal ang babaeng ito sa kanya.
Tinapik-tapik niya ang magkabila niyang mga tainga, kinurot ang sarili at nung masaktan ay huminto na.
Kumunot tuloy ng 'di oras ang noo ni Coleen ginawa niya."Is this a dream? Or bingi lang talaga 'ko para isipin na nagpapasalamat ka sa'kin?" Hindi makapaniwalang wika ni Anne rito. Pero deep inside, kinikilig talaga siya sa narinig niya. Kahit na out of nowhere ay bigla-bigla na lang itong maglambing sa kanya, ay natutuwa talaga siya.
Napairap naman si Coleen sa biro ni Anne sa kanya. Mahirap kaya na para sa kanya na mag-voice out ng mga nararamdaman niya tapos iyon lang? Iyon lang ang magiging tugon ng babaeng 'to? Her goodness!
"Ewan ko sa'yo." Nawala tuloy ang maganda niyang mood dahil sa isang 'to.
Sa sinabi niyang iyon ay pasimpleng nag-umis si Anne. Hay nako nagiging pikon na naman ang kapatid niya........
"Ito naman...." Inusog niya ang inuupuan niya at hinimas ang balikat nito.
"Welcome." Malumanay niyang pagkakasabi sa nakasimangot pa ring si Coleen na unti-unti namang nakapagpangiti rito. Ang tagal niyang hinintay na maapreciate nito ang mga ginagawa niya para sa babaeng ito, at ngayon nangyari na rin sa wakas!
Hinawakan nito ang kamay niya at nagpakita na ang mga dimples ng kapatid niya, meaning ay ayos na ulit sila.
"Mahal kita kaya ko ginagawa ang mga iyon." Wika niya pa.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...