Ilang araw na ang nagdaan simula nung opisyal ng nakipaghiwalay si Coleen kay Billy.
Hindi na nakagapos pa ang kamay niya, subalit hindi na rin siya lumabas pa mula sa kanyang silid. Kahit na matagal na siyang nakakaramdam ng matinding gutom ay tiniis niya pa ring hindi kumain ng kahit na ano maging ang pag-inom ng dugo na siyang nagbibigay sa kanya ng lakas. Iniwasan niya ang mga ito bilang parusa sa kanyang sarili at sa pagkabigong nararamdaman niya.
Sa mga nangyari ay hindi niya na nga mawari kung ano ang mas masakit eh. Ang malaman na kamag-anak pala ni Billy ang taong kinamumuhian niya, o ang marealize na pagkalabas niya sa kanyang silid ay wala nang lalakeng maghahanap at mag-aantay sa kanya. Wala na sila ni Billy.
Ito lang 'yung taong umintindi sa kanya sa kabila ng hindi magagandang pinakita niya niya rito, pero sa dulo ay hinayaan niya lang ito na mawala at magsawa sa katigasan niya.
Maga na ang mga niya sa kakaiyak at pagod na ang utak niya sa kakaisip sa mga mali niyang nagawa. Pati ang lalakeng mahal niya ay nadamay pa sa problema niya sa kanyang sarili. Ngunit masyado ng huli para magsisi, masyado ng late para humingi ng tawad kay Billy. Nagawa niya na eh.
Hindi niya na pwedeng bawiin o i-undo pa ang mga nangyari para maging okay ang lahat at bumalik sa dati. Tapos na.
Meanwhile, dahandahang nilapag ni Anne sa maliit na mesa ang tray na dala niya at umupo sa gilid ng kama kung saan din nakabaling ang katawan ni Coleen habang nakayakap sa isang unan.
Tulala ito at pakiwari niya pa'y galing lang pag-iyak na kanina niya pa naririnig sa buong bahay.
Alam niya ang nangyari sa pagitan nito at ni Billy, kaya hindi niya mapigilan na maawa sa kalagayan nito.
Sa kanyang pagkaupo sa gilid nito ay marahan niyang hinaplos ang ulo ni Coleen. Hindi siya agad nagsalita para kuhanin ang atensyon nito at ipaalala rito ang presensya niya.
"Anne, bakit ganun?" Mahina at walang emosyong tanong ni Coleen na bahagya niyang ikinagulat. Ilang araw na rin kasi siyang hindi kinikibo nito eh, kaya nakakabigla talaga. Sa wakas ay nagawa rin siyang pansinin nito.
"Ano 'yun?" Nginitian niya ito.
Bago makapagsalita ay naglabas muna si Coleen ng mabigat na hininga habang hindi pa rin itinutuon ang buong paningin sa Ate niya.
"Wala talaga akong panahon para magdrama....Pero ano 'tong ginagawa ko?" Nakangising tanong pa nito na nakapagbahala lang kay Anne.
Ito ang mahirap kay Coleen eh; sinasarili niya lang ang mga problema, tahimik itong babaliwalain na hanggang sa maipon na lang ng maipon sa loob niya. At kapag sumabog na ay nakakagawa na ng hindi maganda.
Masyado niyang kinikimkim ang mga nangyayari at hindi hinayaang lumabas sa gawi at pananalita niya. Masabi lang na malakas siya't walang kahinaan. Na malamig siya't walang puwang ang kadramahan sa buhay. Pero heto, daig pa ang isang teenager kung makapag-emot.
"Wala naman kasing masama kung magiging emotional ka paminsan-minsan. Walang pumipigil sa'yo na umiyak, dahil iyon ang pinakamabisang paraan para gumaan ang loob mo." Seryosong saad niya rito, at ang method na 'yun ay proven and effective na sa kanya. Kaya tiwala siyang ganoon din ang mararamdaman ni Coleen.
Ngunit....
"Liar."
Napakunot ng hindi sinasadya ang noo ni Anne sa pagkontra nito sa sinabi niya.
"Ilang beses na 'kong umiiyak, pero bakit ang bigat pa rin? Kada patak ng luha ko ay mas lalo lang akong nakakaramdam ng sakit...Ayoko na ng ganito eh.... Nakakasawa na...."At doon ay muli na naman siyang tumangis dahil sa hirap na matagal ng nakakabit sa buong pagkatao niya. Gusto niya na sanang matapos na regrets at guilt na nasa puso niya. Gusto niya ng masulusyonan ito. Subalit paano niya masusulusyonan ang problema kung ang mismong problema ay ang kanyang sarili?
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...