Matapos ang nangyaring agahan na may kaunting kadramahan pang kasama ay nagpahatid naman si Billy kay JM sa company building niya upang ayusin ang mga dapat ayusin partikular na sa magiging place ni Kenneth sa kumpanya. Wala naman siyang ibang dapat na pagpasahan ng pwesto kundi ang kapatid niya. Ngunit masyado pa itong bata para bigyan ng malaking responsbilidad, kaya naman nag-hire siya ng mga taong mapagkakatiwalaan niya para maging mentor ng kanyang kapatid.
Pati ang lawyer niya ay nakausap niya na rin para naman sa mga properties niya.
Binisita niya rin ang ilan sa mga Charity institutions at Orphanage na sinusuportahan niya sapagkat matagal-tagal na rin nung huli siyang nagpunta sa mga ito.
Matapos niyang maka-kwentuhan saglit ang Head ng Orphanage ay naupo siya sa isang tabi habang pinapanood ang ibang bata na naglalaro.
Sa mismong oras na ito, oras kailan aliw na aliw siya sa tagpong nasa harapan niya ay bigla niyang naisip na paano kaya kung may anak siya? What if may isang tao na magpapaalala sa kanya na huwag sumuko, ano kaya ang mangyayari?
Napabuntong-hininga na lang siya sapagkat napakaimposible na nang naiisip niya. Ang isang katulad ni Coleen ay walang kakayahan na gawin ang bagay na minsan ay ninais niyang matupad: ang magdala ng magiging supling nila.
Magaganap lang 'yun kung ibang babae ang minahal niya kagaya sa pagmamahal niya sa babaeng ito. 'Yung normal na nilalang at hindi sumisipsip ng dugo. But no regrets though. Kailan man ay hindi siya magsisisi na pinili niyang mahalin si Coleen hanggang sa huling hininga niya. It just that, sayang. Sayang dahil wala man lang magiging bunga ang pagsasama nila.
At that moment he accepted his fate. Tanggap niya na na hanggang doon na lang talaga ang story line sa plot ng buhay niya. Kahapon nasaktan, nagmahal, at sumaya. Ngayon, nagpapasalamat sa mga bagay na dumating sa buhay niya at inaayos ang lahat hangga't kaya pa. At bukas, mawawala na siya.
Sa ngayon ay oras at tyempo na lang talaga ang hinihintay niya para umalis.
Nakangiti siya sa kanyang kinuupuan, ngunit ang mga ngiting ito ay agad na naglaho nung nakaramdam na naman siya ng matinding pagkahilo kasunod ang pag-ubo ng pag-ubo. Nagpaparamdam na naman ang sakit niya, pero tulad nung mga naunang karamasan, hinayaan niya lang ang sarili niya na ilabas ito. Maya maya pa ay nanahimik naman na ang katawan niya; it's a good thing dahil nakakapagod kaya ang mahinang pagkahol ng sunod-sunod.
Balik siya sa pag-iisip nung naging maayos na ulit ang pakiramdam niya.
Sa kalagitnaan ng paglipad ng utak niya tungkol sa iba't ibang usapin, biglang tumabi si JM sa kanyang pag-upo. Alam niyang tinititigan siya ng maigi nito ngayon kaya naman 'di niya naiwasang mapaumis.
Ikinataas ng kilay ni JM ang ginawa niya.
"Pare, pwede bang tanungin kung saan ka pupunta? Kasi 'yung mga sinabi mo kanina parang ang tagal mong mawawala. Mag-aabroad ka ba? Doon niyo ba itutuloy 'yung kasal niyo?" Sunod-sunod na tanong pa nito.
Kasal. Now it's all just a dream.
Mabilis na pagngiti ang itinugon ni Billy at tinapik ang balikat ng kaibigan.
"Oo." Sagot niya. 'Yun na 'yun. Sa dami ng tanong ni JM ay iyon lang ang itinuran niya 'pagkat ayaw niya na ng mahabang paliwanagan. At hindi rin naman nito maiintindihan ang gagawin niya, walang makakaintindi sa kanya sa pinanggagalingan niya.
"Kayo na muna ang bahala sa kapatid ko ah? Pinagkakatiwala ko na siya sa inyo." Huling saad niya at tumayo na papunta sa sasakyan na dala nila.
Ang mga salitang iyon ang mas nakapagdagdag pa sa pagtataka ni JM. Hindi niya maiwasang mag-isip na may mali sa mga kinikilos at sinasabi ng kaibigan niya dahil kakaiba talaga ang mga ito. Natatakot siyang tanggapin ngunit tila nagpapaalam ito sa kanya na hindi niya maintindihan--na para bang ito na ang huli nilang pagkikita at wala na talaga itong balak na bumalik.
BINABASA MO ANG
BITER
RastgeleA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...