"Kenneth?" Hinanap kaagad ni Billy ang kapatid niya sa buong bahay. Tawag siya ng tawag sa pangalan nito dahil nag-aalala na talaga siya sa kung ano'ng nangyari rito.
Lumapit naman si Jonas sa kanya at sinabing;
"Sir? Si Sir Kenneth po ay-----"
"Kuya!"
Dali-daling bumaba si Kenneth mula sa hagdan at yinakap si Billy. Tahimik namang lumayo si Jonas para makapag-usap na ang dalawa.
Nabigla si Billy sa nangyari at naguguluhan dahil mukhang maayos naman ang kapatid niya na kabaliktaran nung tumawag ito sa kanya. Kumalas siya sa mga bisig nito at hinawakan ito sa magkabilang braso. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at tila wala namang problema.
"Sabi na nga ba hindi mo 'ko matitiis eh." Sabay ngisi nito sa kanya na nakapagpakunot naman ng noo ni Billy.
"You tricked me, don't you?" Seryosong tanong niya pa rito at ngiti lang ang isinagot ni Kenneth sa kanya at umupo ito sa couch.
"Kenneth pinag-alala mo 'ko doon!"
"Eh ano'ng magagawa ko? Ayaw mo namang magparamdam ni-text or tawag hindi mo ginawa. Ayaw mo ring puntahan ka kung saan ka man nakatira ngayon, kaya ikaw na 'tong pinapunta ko rito." Pagpapaliwanag naman ni Kenneth with hand-gestures pa.
Ramdam ni Billy ang lungkot sa tono ng kapatid niya at naawa siya rito. Sobrang malapit ito sa kanya kaya naman ay marahil nangungulila na ito sa kanyang presensya sapagkat wala na silang iba pang kamag-anak na pwedeng makasama, na pwedeng makita at makausap pa. Masyado niya na sigurong ilinayo ang sarili niya sa kapatid niya kaya naman kung anu-ano ng gimmick ang ginawa nito para lang makita siya.
Binaba niya dala niyang bag at umupo malapit sa tabi nito.
"Okay. I'm sorry bro." Paghingi niya ng paumanhin dito at tinapik ang kanang balikat nito.
"Kumusta naman? Kumakain ka ba ng maayos? 'Yung pag-aaral mo, nakapag-enroll ka na ba? 'Yung company buhay pa ba?" Sunod-sunod niyang tanong kay Kenneth habang inaalala ang mga bagay na naiwan niya sa trabaho bilang CEO ng kumpanya niya.
"Okay lang ako. And The G Company is doing fine, so you have nothing to worry about. You, how about you? Bakit parang umitim ka yata?" Kinumpara naman agad ni Kenneth ang kulay ng mga braso nila ni Billy at inamoy niya rin ito.
"Amoy lupa ka na rin." Dugtong niya pa.
"Grabe siya oh." Sabi naman ni Billy na nahawa na sa expression lagi ni JM. Inamoy niya rin ang suot niyang damit at tama nga ang sinabi ng kapatid niya.
"Mas lalo ka ring pumayat." Saad pa nito at tinignan pa ni Kenneth ang mga mata ni Billy na tila inaantok na sa sobrang pagkapagod.
"Ano bang ginagawa mo sa tinitirahan mo ngayon?" - Kenneth
Hindi naman nakasagot agad si Billy at tumayo na.
"Aalis ka na agad? Wala pa ngang five minutes eh." Tumayo na rin si Kenneth para pigilan ang Kuya niya.
Ngumiti naman si Billy dito at sinabing;
"Sinong may sabi na aalis na agad ako? Tara, lets talk about it over dinner."
Naging masaya si Kenneth sa narinig niya at kaagad siyang nagpahanda ng mga pagkain sa dining room ng bahay nila. Si Billy naman ay naligo muna at pagkatapos ay sinamahan din agad ang kapatid niya sa pagkain at doon sila nagkwentuhan.
"Kargador? Car washer? Hardenero? Wow! Tindi mo Kuya ah? Paano mo nakaya 'yun?" Manghang tanong ni Kenneth pagkatapos niyang marinig ang kwento ni Billy tungkol sa ginagawa nito sa labas ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...