Pagkagaling ni Billy sa trabaho ay naisipan niyang dumaan muna sa bahay nila kung nasaan ang kapatid niya. Sumilip lang siya sa mga espasyo ng grills ng malawak na bakod ng bahay mula sa malayo. Sakto naman ay ilang sandali lang ay may pumasok nang itim na kotse. Nasabik siya dahil alam niyang doon nakasakay ang kapatid niya; bumaba ito at tuluyan na ngang pumasok sa loob ng bahay.
Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya nung nasilayan niya si Kenneth kahit na sa malayo lang, ang malaman na maayos naman ang kalagayan nito ay ayos na para sa kanya.
Matapos ang mahigit isang buwang paglayo ay mas pinili niyang hindi muna magpakita rito sapagkat naramdaman niyang 'di pa 'yun ang tamang pagkakataon. Hindi niya pa alam kung kailan, pero batid niyang malapit na.
Pagkatapos noon ay dumiretso na ulit siya sa bahay nila Anne para asikasuhin saglit ang mga buto na sana ay tumubo na sa garden nito, and after that itutuloy niya naman ang panliligaw niya rito.
"Oh, aga mo yata?" Bungad ni Anne kay Billy dahil pasado ala-Sais palang ng gabi at ang oras ng trabaho nito ay 7 pm.
Ngumiti na lang si Billy sapagkat hindi siya makaisip ng idadahilan niya. Gusto niya kasing matapos agad ang trabaho niya eh para mas mahaba pa 'yung magiging oras niya na makausap si Anne.
Ilang sandali lang ay inabot na ni Billy dito ang mga bulaklak na dala niya na ikinangiti naman agad ni Anne dahil kinikilig talaga siya sa ginagawa ng lalakeng ito.
"Um......Nandyan ba si Coleen?" Biglang tanong ni Billy habang linilibot sa paligid ang paningin niya.
Nagtaka naman si Anne kung bakit nito hinanap bigla ang kapatid niya.
"Wala eh, umalis siya kanina. Bakit?" Tanong niya pa at linagay niya ng maayos sa vase ang mga roses na binigay sa kanya ni Billy.
Lumapit si Billy at binuksan ang bag niya.
"Mahilig ba siya sa chocolates? Ibibigay ko sana sa kanya 'to." Sabi pa niya at ilinabas ang isang box ng dark chocolate truffles na pinagtrabahuan niya talaga para lang mabili.
Kinuha ni Anne ang box at binasa ang label nito.
"Gusto ko rin kasing ligawan 'yung kapatid mo para magustuhan niya 'ko para sa'yo." Nakayukong saad pa ni Billy na mas lalo namang ikinatuwa ni Anne.
My sister's approval is important to him. He's so sweet.......
"Si Coleen kasi parang bata rin 'yun eh. Cookies, candies, chocolates, and everything sweet ay gusto niya."
Lumapad ang ngiti ni Billy sa narinig niya dahil mukhang magugustuhan nga ni Coleen ang dinala niya para rito.
"But......." Nahinto si Anne at tahimik naman si Billy.
"Thanks sa effort mo. Pero.......... pwede bang ikaw na lang ang lumayo kay Coleen?"
"Hmmm?" Hindi naintindihan ni Billy ang nais nitong iparating at alam iyon ni Anne kaya naman ay pinaupo niya muna ito para makausap ito ng maayos.
"Hindi naman sa sinisiraan ko siya sa'yo pero huwag mo na sanang ilapit pa ang sarili mo sa kanya. Hindi mo siya kilala at may mga bagay sa kanya na 'di na dapat inaalam pa." Sinubukan ni Anne na ipaintindi kay Billy ang sitwasyon na kinakaharap nila.
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Coleen sa tuwing pupunta si Billy sa bahay niya pero kilala niya ito. Isang maling galaw lang ni Billy ay pwede na siyang maging hapunan nito ng ganun-ganon lang at ayaw niyang mangyari iyon. Kung 'di man niya mapakiusapan si Coleen na huwag galawin si Billy, ay ang lalakeng ito na lang ang sinabihan niya na lumayo sa kapatid niya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...