Mag-isang nakaupo si Billy sa mahabang couch na nasa sala ng bahay nila at nakatulala lang sa kawalan.
Sa mga oras na ito ay hindi niya gustong mamalagi sa kanyang kwarto sapagkat lalo lang siyang mangungulila sa babaeng nakasama niya sa mismong silid na iyon. Mas maaalala niya lang ang ginawa nito sa kanya.
Nasaktan talaga siya nung nakipaghiwalay ito sa kanya nang dahil lang sa nakaraang wala namang may gustong madawit.
Subalit kahit na gaano niya pa damdamin ang mga nangyari nung gabing pinuntahan niya ito ay hindi niya magawang mainis. Nagtatampo, oo, pero hanggang doon lang.
Napag-isip-isip niya na marahil ay totoo nga ang pinaalala sa kanya ni Anne noon bago pa niya mapasok ang kwarto nito; na hindi ito nakapag-isip ng maayos noon kaya nagawa nitong makipaghiwalay ito sa kanya. At magpasahanggang ngayon ay iniitindi niya pa rin ito na kabaliktaran naman ginawa ni Coleen sa kanya. At kahit na ipagtabuyan pa siya palayo ng babaeng iyon ay siya pa rin ang hinahanap niya. Alam niyang babalik at babalik pa rin siya rito ano man ang mangyari.
Panahon lang ang hinihintay niya at tamang timing. Mahal siya nito, ramdam niya iyon, at sinabi nga siya sa sarili niya noon na walang sukuan. Bahala na si Coleen na magsawa sa pangungulit na namang gagawin niya pero paninindigan niya talaga ang nararamdaman niya para sa babaeng ito.
Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na pag-iisip ay napansin niyang nakauwi na pala ang gala niyang kapatid at naglalakad na patungo sa hagdanan.
"Kenneth." Pagtawag niya rito dahilan para matigilan ito.
Isang nagtatanong na tingin ang binigay nito sa kanya kung ano ba ang kailangan niya rito.
Tinignan ni Billy ang leeg ng kapatid na para bang may hinahanap na kung ano.
"Bakit?" Takang tanong tuloy nito sa kanyang Kuya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Pabalik na tanong na may halong pag-aalala kahit pa magaling na talaga ang sugat nito na dulot ng kagat ng bampirang mahal niya.
"O-okay naman." Tugon ni Kenneth na naguguluhan pa rin sa inaakto ng kapatid niya.
Nung isang araw lang ay halos hindi siya pansinin nito at palagi na lang nagpapakalasing. Tapos ngayon bigla na lang siyang kinamusta? Ano'ng nakain nito?
Nagbuntong hininga si Billy at inilagay ang isang kamay sa balikat ng nakababatang kapatid.
"I know she didn't mean it." Bigkas niya ng nakayuko na nakapagpadilim naman sa tingin ni Kenneth.
"What are you talking about?"
Inangat muli ni Billy ang kanyang ulo at pinantayan ang mga mata ng kausap niya."'Yung nagawa ni Coleen sa'yo....."
Doon ay nag-init na ang ulo ni Kenneth. Natrauma talaga siya ginawa ng babaeng iyon sa kanya. Siya na 'yung lumayo, siya na 'yung umiwas, subalit tinangka siyang patayin ng halimaw na iyon ng walang sapat na dahilan! Kaya sino ang hindi magagalit? At ano raw? Hindi sadya? Hah!
"Stop it, Kuya." Saway niya rito bago pa niya ito masagot ng kung anu-ano.
Ngunit hindi nagpatinag dito si Billy. Nais niyang ipaintindi sa kanyang kapatid ang mga nangyari.
Pinaupo niya ito sa couch upang makausap pa ito ng mas masinsinan. Doon ay inilahad niya rito ang lahat ng kanyang nalalaman.
Sa mga winika ni Billy ay walang nasabi si Kenneth. Ni-hindi niya alam kung ano ang iisipin dahil hindi pa rin nagsisink in sa kanya ang mga ito.
Nung una, nakilala niya lang ito sa school na kalaunan ay natipuhan niya. Eventually, nalaman niya na lang na sila na pala ng Kuya niya. Okay. Pinilit niya iyong kalimutan dahil na rin sa matinding respeto na mayroon siya para sa kanyang kapatid, at pinilit niya ring magmove on. Ngunit pagkatapos naman ng isang buwan na pag-iwas dito ay bigla na lang itong dumating sa kanyang harapan at sinubukan pa siyang patayin.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...